Story By A.C. Bregoli
author-avatar

A.C. Bregoli

ABOUTquote
I am introvert and passionate about writing novels, this is my way to express myself and my imagination...please do follow me for more books to release soon. 🥰🙂😇 Glory to God 🙏😇
bc
First Love Never Dies (Tagalog/Filipino)
Updated at Dec 25, 2023, 06:28
"Unang Pagibig" yan ang palaging Hiling ni Christine sa panginoon, sa edad na dalawampu't lima wala pang kasintahan, at malamang wala pa karanasan sa pagibig. Marami na akong nabasang mga novels at napanood na mga movies, at kwento ng aking pamilya at kaibigan tungkol sa pagibig. Subalit gustong gusto ko din itong maranasan sa totoong buhay. Wika nito sa sarili.Oo masaya naman ang buhay ko kapiling ang aking pamilya, ngunit iba parin kung my nag mamahal at aalagaan ka habang buhay. Yong tipong sabay nyong aabutin lahat ng pangarap nyo sa buhay, bubuo ng sariling pamilya. At higit sa lahat kasama mong tatanda. Hindi ko lubos akalain na dito ko lang pala mahahanap ang aking Unang Pagibig sa Isa ng Moonlight kung saan ako nakatira, isang taga pagmana ng hacienda at mayaman at nag iisang tagapagmana ng kayamanan ng mga Smith.Maraming pagsubok ang dumating, na parang guguho ang mundo sa bigat at sakit na nadarama ko.Ang pagibig ay isang sugal ika nga nila, my panalo at my talo, lagi mo lang tandaan kahit alin kapa diyan, pag nagmahal ka ng totoo at tapat, ikaw ay laging panalo. Kaakibat talaga ng pagmamahal ang sakit, dahil diyan mo malalaman kung nagmahal ka talaga ng totoo kapag nasaktan kana. Kahit ganoon, yakapin mo lang ang sakit, namnamin mo lang hanggang isang araw gigising kana lang na okay kana, dahil naka move on kana sa sakit at yong gusto mo nalang ay mahalin mo ang iyong sarili. Bakit kung saan naka move on kana, saka pa siya babalik??? Bakit ganon?
like
bc
Paradise Of Love ( Tagalog/Filipino)
Updated at Dec 16, 2023, 23:58
Paradise of Love, ito ang naiisip ko habang umiiyak…naalala ko ang aking boyfriend. Tama nga ang sabi nila na ang Pagibig ay isang malaking Paraiso...minsan maliligaw ka ng landas, minsan maloloko ka, minsan maiisahan ka, minsan aahasin ka at ang pinaka matindi ay pinagpalit ka sa kaibigan mo, at malalaman mo nalang sobrang tagal ka na palang niloloko. Wow! na wow! Ang galing magdala at magtago ng relasyon kasi hindi ko man lang nahalata. Grabeh sila, ganon ba ako ka tanga? Para lokohin ng paulit-ulit? Sumagot ka self!!! Sagot!!! At humagulgol na ako ng iyak.  Napakasakit lang isipin, pero aaminin ko rin na masaya at masarap pa rin ang magmahal. Hindi ko naman ikakaila yon, kahit ilang ulit na akong nasaktan at niloko. Mas pipiliin ko parin ang magmahal, dahil naniniwala ako na darating din sa akin ang tunay na pag ibig. Yon bang hindi na ako iiyak sa sakit at pait ng pagibig…mapapalitan na ito ng kasiyahan sa aking puso at kapayapaan ng aking isipan. Panginoon paranas naman po ng tamang tao, na kaya akong panindigan at mamahalin na ako habang buhay. Yong tipong hindi ako sasaktan, ng paulit-ulit, yong iparanas sa akin kung gaano ako ka mahal-mahal. Lord paranas naman po ng ganon, kahit regalo nyo na po sa akin sa darating na kaarawan ko po.  Anne nasaan kana ba?? Nandito lang ako, ang ingay mo naman Dexter. Gusto ko mapag isa at kailangan ko ngayon ng self talk.  Nako, hindi maari na magkulong ka lang dito sa bahay, halika na! mag shot puno tayo! Libre kita ako bahala sayo.  Okay let's go!! At last pumayag ka din. ~~~ Ang Paradise Of Love ay naka depende sa tao kung naniniwala ka ba nito! At nasa tao din yan kung gagawin nyang paradise o hell ang pagibig. We are living in the unpredictable universe, it's up to us kung ano ang gusto mong gawin. And be ready to suffer the consequences of your actions at the end of the day.  Sabi nila kapag hindi ka nasaktan, hindi ka daw nagmahal ng totoo. Because Love is part of pain, kapag nasaktan ka ng taong mahal mo, doon mo malalaman na nagmahal ka ng totoo. ~~~ Hanggang saan kaya mong ipaglaban ang taong Mahal na mahal mo? Kaya mo bang talikuran ang karangyaan ng buhay para makasama ang taong tinitibok ng puso mo? Kaya mo bang suwayin ang mga magulang mo? Hanggang saan ka ba dadalhin ng pagmamahal na yan kung kumakalam na ang iyong sikmura?  Kailangan ba talaga? Kung pinanganak kang mayaman required ba na mayaman din ang iyong maging asawa?  Maraming tanong ang sumasagi sa aking isipan, habang nakahiga sa kama, hindi ako makatulog, ayaw talaga ako dalawin ng antok, masakit na ang aking mata sa kakapikit ko. Dahil ang utak ko kung saan-saan na napadpad…Lord I surrender all my worries and stress to you. Kung bibigyan mo man ako Lord ng bagong pagibig, sana, mayaman na Lord, billionaires nalang Lord, kasi kapag broken ako gagala ako kahit saan ko gusto. Hindi kagaya ngayon broken hearted na nga ako, wala pa akong pera, double kill na. I promise you self, keep hoping that one day God and I will make it happen.
like