Chapter 1 Birthday Party
Chapter 1 Birthday Party
How are you Anne? Bati ni Bianca
I'm good Bianca, happy birthday nga pala my friend
Did you see your other best friend Andrea? kasama nya yong g*g* mong boyfriend!!
What? Nasaan sila?
Nandoon sa kabilang table girl, naglalandian!
Eh, bakit kung tatanungin ko si Michael, wala naman daw malisya yon.
Okay friend, sabihin na nating walang malisya yon, eh bakit kung maka akbay siya kay Andrea dikit na dikit at may pa bulong pa at sabay halik sa leeg. Naku! Naku! Nang gigil na ako sa lukong yon.
Yes, nahuli ko na din siya na magka chat silang dalawa at super sweet parang mag jowa! At ito ang malala nag I love you sila sa isa't -isa, and wait babe ang tawagan nilang dalawa. But then he always defend that they are friend
So You believe it?
Of course yes, Dexter…kung nagsasabi man siya ng totoo then it's good…but if he lie to me…it's still fine, kahit na durog na durog na ang puso ko, kasi wala naman akong choice if piliin nya akong lokohin.
Ai nako girl, malala' na yang boyfriend mo, harap harapan kanang niloloko. Kung ako sayo hiwalayan mo nayan. Malamang hinihintay nya din ang pagbitaw mo, ikaw nalang kasi ang nakakapit girl.
Almost 5 years din kasi guys oh, sayang lang kasi ang time na ginugol naming dalawa na mapupunta lang sa wala, at marami na kaming magagandang memories together.
Anne huwag kang masayang sa 5 years na niloloko ka lang man nya. Oo sabihin na natin na sayang ang time, pero hindi ka ba na sasayangan sa time ngayon na niloloko ka lang man nya. Ang memories makakagawa ka lang nyan ng bago sa taong karapat dapat sayo Anne.
I agree Bianca, makinig ka naman sa amin ngayon Anne. Para mo nang awa, at maawa ka din sa sarili mo…parang magiging bakla na talaga na ako ngayon sa stress girl.
Hoy, bakla ka naman talaga Dexter.
Si Bianca talaga, sasabihin talaga.
Okay guys, huwag na kayo ma stress ito nalang kapag nakita talaga ng dalawang mata ko na my relasyon talaga sila ni Andrea…makipag hiwalay na ako. Okay ba yon?
Sabi mo yan ah, huwag kana marupok Anne, your beautiful at mabuti ang puso mo makaka hanap ka talaga ng taong magmamahal sayo pang habang buhay.
Oh siya, tama na yan Bianca ..mag shot puno na tayo kasi birthday mo naman.
Tama si Dexter, libre ko ngayon kaya shot puno na.
Habang nag iinuman may biglang lumapit sa amin sa bar…
Hi girls. I am Joseph pwede bang maki join sa table nyo?
Yes sure naman, maupo ka sa tabi ng friend namin na broken hearted. Tugon ni Bianca
Infairness gwapo siya, medyo maraming tattoo nga lang matipuno ang kanyang pangangatawan, moreno at matangkad. Matangos ang ilong at maganda ang mata nito.
May I know your name, girls?
Sure my name is Bianca, ito naman si Anne at si Dexter.
Hoy, Anne tama na yang titig mo kay Joseph baka matunaw…sabay tawa.
Okay lang, wala namang problema sa akin kahit titigan nya pa ako ng paulit ulit.
Punta lang muna ako sa comfort room, samahan mo ako Bianca.
Sure Anne…Dexter ikaw na muna ang bahala dito kay Joseph, huwag mong kakainin ng buo itong pogi na to ah. Sabay tawa.
Para kang baliw Bianca. Sabay tawa din.
~~~
Bianca uuwi na tayo, my trabaho pa tayo bukas. Hindi papayag ang boss ko na mag absent ako kasi darating ang ang bagong CEO ng kumpanya bukas, dahil ma retire na yong senior CEO, kaya papalitan ng Anak ang kanyang position sa Company.
Akala ko pa naman ano na ang sasabihin mo sa akin. Yon lang pala, okay pag balik natin sa table magpapaalam na tayo kay Joseph na uuwi na tayo.
Okay ba yon Anne?
Yes Bianca, salamat.
~~~
Were back guys, hoy bakla ano namang pinag uusapan nyo ng umalis kami? Baka nilandi mo na si pogi ah,
Hindi naman, ka kilala ko palang sa kanya, at girl ang bet nya…hindi bakla. And hindi kana mag assume Bianca, dahil it's not you. Sabay tawa.
Okay lang, hindi naman masakit!!! Sabay tawa. Basta si Anne lang bah, walang problema sa akin.
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi ni Bianca, dahil naka titig sa akin si Joseph.
Hindi na ako tumungin pa sa mukha ni Joseph, agad akong tumayo habang may lakas pa akong natitira sa aking katawan. Let's go guys, uwi na tayo.
Okay Anne, sagot ng dalawa
Oh, pano ba yan Joseph mauuna na kami, my trabaho pa kami kasi bukas, ayaw kasi ma late ni Anne bukas.
Oh sure Bianca…no worries at all.
Okay bye Joseph, wika ni Dexter.
Ngumiti lang ako kay Joseph at umalis na din…bahagyang kumakabog ang aking dibdib pero hindi ko naman pinahalata. Mali itong nararamdaman mo self, tapusin mo muna ang relasyon mo kay Michael, para maging fair ka kahit siya hindi.
Hmp…bakit ang tahimik mo naman girl?
Huwag ka nang magtanong Bianca, tinamaan na yan ni Joseph sa puso, tagos na tagos.
Dexter hindi naman, my iniisip lang ako.
Hoy Anne, huwag ka basta magtitiwala sa taong iyon, kailangan pa rin natin kilalanin siya ng maigi.
Ano ka ba Bianca wala naman akong balak na mahalin siya, ang yaman kaya nya halata naman sa kilos at pananamit nya.
Buti naman kung ganun, basta advice ko lang sayo Anne, know Him first before you say Yes kapag niligawan kana. Mahirap na, baka ma heartbroken kana man.
Wait lang guys parang si Michael yon oh, pumasok sa Motel kasama si Andrea…
Oo nga Dexter ang talas talaga ng paningin mo,
Yes of course ako kaya ang driver pano hindi ko makita eh dumaan sa gilid natin, hindi nya siguro nakita ang sasakyan natin.
Baka sabihin mo, nanadya talaga ang lokong yon, kapal ng mukha…
Tama ka dyan Bianca,
Sundan natin, pumasok din tayo ng motel, Dexter.
Seryoso ka Anne? As in mag check din tayong tatlo?
Oo para makita talaga ng dalawa kong mata na niloloko nya ako. Para maka decide na din ako, kailangan ko lang ng mabigat na rason para iwanan siya.
Babatukan na kita dyan eh, hindi pa ba ito sapat na nakita natin na pumasok silang dalawa sa motel, need ba talaga natin mag check in?
Dexter Oo naman, favor magpanggap ka lang na lalaki ka at girlfriend mo kaming dalawa para papasukin tayo.
Parang maloloka na ako sayo Anne, lakas ng mga trip mo sa totoo lang girl.
Ano ka ba naman Dexter pag bigyan na natin si Anne, minsan lang naman to, hindi naman natin gagawin ng paulit ulit.
Oo siya payag na ako, para matapos na.