Hello, magandang gabi po maam at sir, bati ng receptionists
Kuha kami ng room doon sa katabi ng bagong pumasok.
Okay po, check ko kung available.
Kahit na nagtataka ginagawa parin ng receptionists ang kanyang trabaho.
Are you serious Anne? Bulong ni Dexter.
Tila bang, wala na akong naririnig na payo ng aking mga kaibigan gusto ko na lang matapos ito lahat.
Yes available po maam,
Kukunin na namin,
Yes po ito ang key ng room maam, salamat sa pag check in po.
Dali-dali akong pumasok at binuksan ang room.
So ano na ang gagawin natin ngayon? Matutulog nalang ba tayo dito Anne habang naririnig mo ang bw*s*t mong boyfriend sa kabilang room.
Bakla tumahimik kana man, nagiisip ako ng magandang plano, Okay!!
Sure girl, go ahead…Order nga tayo ng food Bianca, nagutom na ako, dahil sa stress.
Tama, magandang idea yan Dexter.
Kunyari my food delivery sila ni Michael, then pag bukas ng pinto doon na ako lalabas.
Girl good for you pag pumayag ang food rider sa gusto mo girl.
Ako ng ang bahala dyan Bianca. Just leave it to me!!!
Okay girl suportado ka namin ni Akla Dexter.
Pa deliver kana girl,
Ito na nga oh, para ka namang atat na atat. Kumalma ka, kung ano man yang tumatakbo sa isipan mo na kasamaan, maghunos dili ka girl, bigyan mo naman ng konting respeto at pagmamahal ang sarili mo, huwag buhos lahat. Kapag niloko ka na at na confirm mo na, you need to let him go…after this huwag ka nang marupok ulit ah, baka magkabalikan pa kayo, sasampalin talaga kita gamit ang high heels kong ito.
Okay Bianca, tatandaan ko yang advice mo sa akin, pagbigyan nyo na ako ngayon lang to, tapos nito…wala na talaga.
Oh siya, my tao yata sa pinto baka rider na yan, ikaw na ang mag bukas Anne, total sayo naman tong plano na to. Ito ang bayad ng food.
I got it, Dexter para maka usap ko din ang rider.
Hi I'm Anne, pwede bang mag favor sayo ikaw lang ang kumatok ng pinto sa katabing room, pag bukas abante kana kaagad. Bibigyan kita ng tip isang libong piso, okay ba yon kuya rider?
Tamang tama maam need ko ng extra income para makabili ng foods sa aking mag ina na bagong panganak pa lang. Pero hindi ba ako mapapahamak diyan maam?
Hindi kuya, my takip naman yang mukha mo at my helmet kapa. Yong mata na lang ang kita sayo kuya. I'm sure after nito hindi ka nya makikilala.
Tama nga naman ma'am. Sigi gagawin ko na.
Ito ang Isang libong piso, at ito naman ang bayad sa foods. Keep the change nalang kuya.
Salamat maam, naka buti nyo po, last question, sino ba ang tao sa kabilang room maam? Partner nyo po ba?
Yes kuya,
Okay g*g* pala nya, sigi gawan na natin.
Knock" knock "knock
Ilang sandali pa ay nagbukas na ang pinto,
Hindi naman kami nag order ng food kuya, wika ni Michael na sobrang nagtataka.
I'm sorry po sir baka mali lang ang room na pinuntahan ko.
Agad namang lumabas si Anne para harangan ang pag sara ng pinto.
At umalis naman ang rider.
Wow, nandito ka pala Michael…!!!
Oo nandito ako,
Sino yan mahal? Tanong ni Andrea
Oh, ikaw pala Anne, kamusta kana?
Okay naman ako, ikaw ba kamusta na Andrea? Sabay sampal sa magkabilang pisngi…huwag ka makialam Michael away ito ng mag best friend…correction best friend noon hindi na ngayon. Napaka walang hiya mo talaga Andrea, habang ako umiiyak ikaw naman pala nagpapakasaya at nakikipag s*x sa boyfriend kong playboy.
Mahiya ka naman Anne, huwag ka dito mag eskandalo sa hallway, baka pwede natin itong pag usapan sa loob.
Wow!!! Sayo pa talaga galing ang salitang yan ano? Ikaw ba, tatanungin kita, Ano ba ang una mong tinggal yang hiya mo o ang panty at bra mo na malandi ka!!!
At ikaw naman lalaki ka, sabay sampal sa magkabilang pisngi, kung magloloko ka lang man sana huwag na sa aking mga kaibigan, napaka hayop nyo talaga, ang ahas nyong dalawa!!!
Total pareho naman kayong ahas…mag tukaan kayong dalawa hanggang pagsawaan nyo din ang isa't -isa. Ikaw Andrea, kung nagawa ni Michael na iwan ako ngayon…mas lalong magagawa nya din sayo na ipagpalit ka. Tandaan mo yang malandi ka.
Wala na tayo Michael break na tayo…at ikaw naman Andrea simula ngayon hindi na kita kaibigan…mag sama kayo sa impyerno mga kampon ni satanas!!!
Tama na yan girl, kumalma ka. Saad ni Bianca
Let's go, Anne huwag mong pag aksayahan ng panahon ang taong walang kwenta sa mundo.
~~~
Umalis na nga kami sa motel na yon, at pumunta sa condo ni Dexter at nag shot puno!.
Mas lalong gumaan ang pakiramdam ko ngayon, dahil sa wakas na sampal ko na silang dalawa at binuhos ko na lahat ng aking galit. Ang saya lang dahil nagawa ko at kasama ko kayo hindi nyo ako iniwan. Salamat guys, group hug. Sabay ngiti
Mission accomplished, na tayo Anne at moving forward na din for the better future.
Yes, Tama Dexter! Simula ngayon hindi na ako iiyak sa g*g* Michael na yon. At sa bw*s*t na Andrea, mag sama na sila wala akong paki alam.
That's our friend…cheer up girl,
Tama ka Bianca, shot puno na tayo.
Ito na ang drinks natin…magpaka lasing tayo ngayong gabi…sabay tawa.
Salamat Dexter, paikutin mo na ang shot glass.
Ikanta mo nalang yan Anne, here is the mic.
Wika ni Bianca
""""Nais kong magpakalasing
Dahil wala ka na
Nakatingin sa salamin
At nag-iisa
Nakatanim pa rin ang gumamelang binalik mo sa 'kin
Nang tayo'y maghiwalay
Ito'y katulad ng damdamin ko kahit buhusan mo ng beer
Ayaw pang mamatay""""
Ganda naman ng boses, tama na yang kanta, inuman na, cheers for the success dahil sa wakas girl bumitaw kana, na alam naman natin na ikaw nalang ang kumakapit pa! Move on na tayo Anne, ang ganda mo teh para lang magpakatanga!
Yes, Bianca now I realize my worth…tuloy tuloy kona tong pag move on. At alam ko din na mahirap ito para sa akin, pero alam ko din na hinding -hindi nyo ako iiwan.
Tama!!! We are her for you girl, asahan mo na may masasandalan ka sa oras ng pangangailan mo.
Sino pa ba ang magtutulungan eh, tayo lang naman na magkaibigan.
I agree with Dexter, so shot puno.
Dito na lang kami mag sleepover sa condo mo Dexter, hindi na namin kaya umuwi.
Sure naman, hindi naman pupunta ang chupapa ko ngayong gabi, sabay tawa.
Mabuti pa si Dexter may chupapa…tayo wala na.
Its okay Anne, kaya mo bang bumili ng motor, at mga regalong mamahalin???
Ah, wag na lang pala, iinom nalang ako ng alak.sabay tawa.