Sa kabila ng sitwasyung pinasok ni Ella, she still decided to stay at El Zeraffin, isa lang naman ang dahilan kung bakit siya pumasok sa companyang ito. Para sa kaniyang pangarap.. pagkatapos ng Fashion Show.. kusa naman siyang aalis kaya kailangan niya lang magtiis ng kaunting panahon.
Maaga akong pumasok sa El Zeraffin ng sumunod na araw. Three days na akong nandito sa kumpanya. At nagpapasalamat ako dahil nakapag trabaho ako ng maayos dahil wala si Lance dahil nasa out of town meeting daw ito. At ginagawa ko ang lahat para maiwasang magcross ang landas namin ni Eunice dahil umiiwas din ako sa gulo.
Naglalakad na ako papuntang Elevator at swerte namang wala akong kasabayan ngayun dahil madalas puno ang elevator na ito. Papasara na ang pinto ng elevator ng bigla na naman itong bumukas..tapatingin ako sa labas ng elevator at agad kumabog ang aking dibdib ng makilala kung sino ang humabol na sasakay.
Seryuso ang mukha ni Lance habang papasok sa elevator.. He pressed the 35th floor.. at pumwesto sa bandang likuran ko. Pakiramdam ko hindi ko maigalaw ang aking katawan..kaya naisipan kung huminga ng malalim para mawala ang tensyun na nararamdaman ko.
“I’m glad seeing you here Ella..” narinig kong sabi ni Lance. I swallowed first bago sumagot dito.
“I’m here because of work.. and I’m glad at isa ako sa napili ng kumpanya nyo na makasama sa event.” Nilalakasan ko lamang ang aking loob para hindi mautal sa pagsasalita.
“I personally selected you…” biglang sabi nito.
Dahil sa narinig agad akung napalingon dito.. He had a playful smile on his face. Ngunit hindi nakatingin sa akin. Lalong kumunot ang aking noo sa sinabi nito.
“ So you already know all along na kasali ako sa event nayun..?” tanung ko dito.
“ I know you will come …this is my way to find you Ella..” sa pagkakataong ito nakatingin na ito sa akin. Mas lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko habang nakatingin din dito.
Ngunit biglang tumunog ang elevator tanda ng may sasakay. Pagbukas ng pinto may anim ka tao ang sasakay paakyat kaya napaatras ako sa bandang likuran. Magalang namang bumati ang mga ito pagkakakita kay Lance. Halos magkadikit na ang mga balikat namin ni Lance sa likod at mas lalo pa kaming napadikit ng may sumakay ulit sa next floor. Nasa bandang unahan halos nagsiksikan ang mga sumakay dahil iniiwasan nila maipit si Lance sa likod.
Halos hindi ako makahinga pakiramdam ko ang bagal ng pag akyat ng elevator ng mga oras na iyon kahit maraming tao sa loob pakiramdam ko dadalawa lamang kami ni Lance ang nanduon at nagpapakiramdaman.
Malapit na kami sa 30th floor kung saan ako bababa at unti unti nading nababawasan ang mga sumakay sa elevator. Nakahinga na ako ng maluwag ng makarating ako sa floor ng office namin. Maglalakad na sana ako papalapit sa pinto ng biglang may humawak sa braso ko kaya napatigil ako .Maya maya naramdaman ko ang paglapit ni Lance sa likuran ko and he whispered in my ears.
“ Now I Found you Ella..I will do everything to make you mine again...see you around..” sabi nito at binitawan na ang aking braso.
Sakto namang bumukas ang pinto ng elevator, mabilis ang mga hakbang ko papalabas ng elevator na iyon. Muli ko itong nilingon habang papasara ang pinto.. there is something in his smile… alam ko pag ganun ang ngiti ni Lance . May pinaplano ito..
Samantala nakarating na si Lance sa Office nito at dumeretso siya sa kaniyang upuan, kinuha niya ang isang folder sa loob ng drawer niya. It was the designs na ipinasa ni Ella simula ng magsimula ang Event nila para sa paghahanap ng bagong designer . And he was sure na sumali nga si Ella dahil sa pinasa nitong design ng gown. Na pamilyar sa kaniya.
“I know..you will be good at this job Ella… but I still can’t believe you will improve a lot in designing.” Pabulong nitong sabi habang nakatingin sa mga designs ni Ella. Tinignan niya ding mabuti ang design nito sa final stage ng event. She draw something for a man. It was really good and eye catching.. parang kabisadong kabisado nito ang bawat damit na nababagay sa isang lalaki. I wonder who inspired Her to make this designs. Tanung nito sa sarili. Narinig niyang bumukas ang pinto ng kaniyang opisina kaya agad niyang ibinalik sa loob ng drawer niya ang folder ni Ella.
“Lance.. you’re back…”nakangiting sabi ni Eunice at humalik sa kaniyang pisngi.
“What brings you here..?” seryuso niyang tanung dito.
“Is there always a reason para bisitahin ko ang fiance ko?” naglalambing nitong sabi “You’ve been out for Three days.. of course I missed you ..” dugtong pa nito.
“Now you already saw me.. you may go.. I have a lot of works to do..!” malamig na sabi ni Lance dito.
“Why are you like that Lance.. we’ve been engage for five years .. you already have the company.. I guess it is time for us to get married..” tila nagmamaktol nitong sabi.
“I still don’t have plans to settle down Eunice.. kaka take over ko palang nitong kumpanya at marami pa akong kailangang matutunan dito so I need to focus here first.” paliwanag ni Lance.
“Is it really the reason Lance… or are you still waiting for that girl..??” nagdududang sabi ni Eunice. Hindi na muling nagsalita pa si Lance.
“Okey. if that’s what you want.. I can wait..” she said as she flips her hair.
“But I want you to do something for me…” napatingin si Lance dito at hinihintay kung ano ang sasabihin pa nito.
“I want you to fired that new girl Ella..” nakangising sabi nito.
Natahimik lalo si Lance..habang pinag aaralan ang sitwasyon.
“I can’t do that..” sabi nito afterwards
“But why…? She’s just a nobody.. a newbie designer.. we can still find another..much better than her..” giit pa ni Eunice.
“Eunice look.. she came here sa tamang proseso.. we held that event and she won.. and she already signed a contract here..we can’t easily fired her out.” Naiirita nang sabi ni Lance dito.
“ if you can’t Lance.. I will do then.. I will make sure na siya mismo ang kusang aalis sa kumpanyang to..” madilim ang mukha ni Eunice at padabog na lumabas sa kaniyang opisina.
Napasandal muli si Lance sa kaniyang upuan at hinilot ang kaniya noo.. Maya maya ay napapikit siya at muling bumalik sa isipan niya ang nakaraan.
“Where are you going Son..?” my mother asked. I am on my way to meet Ella, it is her 19th birthday at ilang araw na akong excited dahil may inihanda akong surpresa dito na alam kung magugustuhan niya.
Napalingon ako sa mommy ko na pababa ng hagdan mula sa second floor ng bahay. Nakasuot ito ng eleganteng gown.
“Why..?” I asked her.
“Did you forgot..it is our company’s anniversary today and we already told you to come.” Seryuso ang mukha ng aking ina habang nakatingin sa akin.
“Mom.. you know I don’t like this kind of Celebrations..and I hate crowd.” Sabi ko dito at akmang tatalikod na.
“Hindi ka aalis Lance…!!” matigas ang boses ng daddy ko habang papalapit sa amin.
“ Kung ayaw mong.. may mangyaring masama sa girlfriend mong iyon… sumunod ka sa sinasabi namin ng mommy mo.” May halong pananakot sa boses nito.
“Don’t you ever touch her Dad..!!” madilim ang mukha ko at naikuyom ko ang aking kamay dahil sa galit.
“Go and get dress son.. will be waiting for you..” mahinang sabi ni mom at bahagya akong itinulak pabalik sa aking kuwarto.
Padabog akong umakyat at malakas na isinara ang aking pinto. Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa tinitimping galit.. wala man lang akong magawa ng mga oras na iyon para ipaglaban si Ella.
“Ella I’m sorry.. I can’t come today..” I murmured habang nakatingin sa labas ng bintana ng aking kuwarto.
Agad akung nagbihis para sumama sa celebration na iyon… alam kung may kakayahan si Dad na saktan si Ella kung gugustuhin nito at yun ang iniiwasan kung mangyari. Dati wala naman silang pakialam kahit gabi na akong umuwi ng bahay galing kila Ella ,nagtataka lang ako bakit ganito ang ikinikilos nila ngayun.
As expected maraming tao sa lugar na pagdadausan ng party. Halos mga negosyante at mga kaibigan sa industriya ng kaniyang ama ang dumating. Pumunta ako sa walang gaanung tao para tawagan si Ella ngunit sa pagtataka ko hindi ko mahanap ang cellphone ko. Sigurado akong dala ko yun kanina pag labas ng bahay. Lalabas sana ako ng building upang hanapin sa kotse namin baka naiwan lang doon..ngunit agad akong tinawag ni Mom.
“Son… come here..” nakangiting sabi nito maya maya may lumapit na isang babae dito, maputi ito ,maganda at hapit sa katawan nito ang suot na gown. Nangunot ang aking noo dahil parang pamilyar sa akin ang babaeng ito.
“Eunice..??” naninigurado kung tanung.
Ngumiti lamang ang babae at tumango.
“It’s nice meeting you again..Lance..” sabi nito at lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
Kababata ko si Eunice dahil matagal ng magkasosyo ang mga pamilya namin sa kumpanya, madalas kaming magkita noon.. ngunit umalis ang pamilya nito at nanirahan sa ibang bansa ng Halos sampung taon. Kaya hindi ko inaasahan na magkikita kami dito ngayun.
Hindi ko lalo inasahan na bigla kaming paakyatin sa entablado ..akala ko ay ipapakilala lamang kami.. ngunit malinaw sa pandinig ko ang sinabi ni Dad. Inanounce nito ang engament namin ni Eunice. Ang pilit na ngiti sa mukha ko ay biglang nawala, lalo kung ikinuyom ang aking mga kamay. Hindi ko alam na may pinaplano na ang aming mga magulang para sa amin dalawa ni Eunice. Tila sumabay pa ang panahon sa nararamdaman ko ngayun..Malakas ang ulan sa labas.. iniisip ko si Ella.sana naman hindi siya naghintay doon sa taas ng burol.
Hindi ko na pinatapos ang party na yun at agad akong pumunta sa burol.. gabi na noon at wala nadin si Ella.. Nagpasya akong pumunta sa bahay nila ngunit lalo lang akong nanlumo sa sinabi ni Jake ang pinsan ni Ella.. Umalis na daw si Ella kasama ng mama nito at dadalhin na nito si Ella sa Maynila. Sinabi din nito na matagal nag hintay si Ella sa burol at nabasa ito ng ulan. Nanlulumo akong naglakad.. parang wala ng deriksyun ang buhay ko.. wala na si Ella..hindi man lang kami nakapag usap. Hindi ko napigilan ang pag agos ng aking mga luha habang naglalakad. Subrang sakit.. Bumalik ako sa burol at umupo sa ilalim ng puno.. mas lalong nadagdagan ang sakit dahil naiisip ko ang paghihintay sa akin ni Ella sa ulanan. “Ipinapangako ko hahanapin kita Ella..!!” Walang nagawa ang mga magulang ko ng sinabi kung sa ibang bansa ako magpapatuloy ng pag aaral. Kaya umalis ako sa lugar na iyon baon ang sakit at determinasyung maging successful at muling hanapin si Ella.
Ngayung nahanap ko na si Ella.. Gagawin ko ang lahat para bumalik siya sa akin.