Prologue
Masaya si Ysabella nang araw na ‘yun, it was her 19th birthday at napagkasunduan nila ng boyfriend niyang si Lance na magkita sa kanilang tagpuan.
Pinagmasadan niya ang buong paligid, kasalukuyan siyang nasa itaas ng burol, may malaking puno sa gitna at may nakasabit na swing sa malaking sanga nito.
Nakaupo siya sa swing habang naghihintay kay Lance, madalas siya ang unang naghihintay sa lugar na ito dahil hindi ito kalayuan sa kanilang bahay.
Napatingin siya sa kalangitan, kumakapal na ang ulap na parang pilit nitong tinatago ang sinag ng araw ,unti unti nading dumidilim ang paligid na parang nagbabadya ng malakas na ulan.
Ngunit pinili niyang maghintay dahil alam niyang darating si Lance. Sa loob ng tatlong taon nilang magkasintahan ni minsan hindi pa siya nito hinayaang maghintay ng matagal. Lalo pa at nangako ito na darating ito ngayun dahil meron itong espesyal na regalo.
Kaya hindi mawala sa mukha ni Ysabella ang excitement, habang naghihintay.
Ngunit lumipas ang isang oras hanggang naging dalawa, tatlo hanggang apat na oras na at wala pading Lance na dumating.
Unti unti na ding pumapatak ang ulan sa paligid niya.
Gustuhin man niyang umalis mas nanaig padin ang tiwala niya na darating ito dahil sa pangako nito. Ngunit binalot na ng dilim ang buong paligid at walang bakas padin ni Lance.
Kasabay ng malakas na buhos ng ulan, sumasabay na din sa pag patak ang mga luha ni Ysabella. Ramdam niya ang lamig na tumatagos sa buong katawan niya dahil basang basa nadin siya ng ulan.
“Ella…..!!” napalingon siya ng marinig ang pagtawag na yun sa kaniyang pangalan. Biglang nagkaroon ng pag asa ang puso niya, dahil baka dumating na si Lance.
Hindi niya gaanung maaninag ang mukha nito dahil sa lakas ng ulan at may dala itong payong habang papalapit sa kanya. Ngunit nawala ang munting pag asa na yun ng tuluyan itong makalapit.
“ let’s go home..!!” sabi ng pinsan niyang si Jake, hinawakan nito ang kamay niya at akmang hahatakin siya ngunit pinigilan niya ito.
“ Darating siya Jake, alam kong darating siya” naiiyak na sabi niya..
Napalingon ito sa kanya , bakas ng galit ang mga mata nito.
” Hindi na siya makakarating kaya umuwi na tayo!” may diin sa bawat katagang binitawan ng pinsan niya.
Ngunit hindi padin siya sumama dito. Marahas nitong binitiwan ang kamay niya at may kinuha sa bulsa ng pantalon nito.
Kinuha ni Jake ang dala nitong cellphone at may ipinakita sa kaniya. Isang picture na halos dumurog sa puso niya ng mga sandaling yun.
It was Lance ,nakasuot ito ng pormal na damit at parang nasa isang party, ngunit ang nakaagaw sa pansin niya ay ang katabi nitong babae na ngayun niya lang din nakita. Maganda ito mestisa at halatang galing sa isang mayamang pamilya. Nakakapit ang babae sa braso ni Lance at parehas silang nakangiti sa picture.
Ang kanina niya pa pinipigil na mga luha ay parang kasing lakas na ng ulan na mabilis na dumadaloy sa kaniyang pisngi.