Hello dear readers this is my firs time publishing a book and I am not also a pro writer so I want to thank you in advance for spending some time reading my book.
Please leave a comment po to share your thoughts .
TY :)
*************
“Are you ready Girls?” Nakapameywang na tanung ng Dalton sa mga models , napatingin ako sa gawi nito ,sinisipat nito ang mga nag aayus na mga kasama kung modelo. Muling kung ibinalik ang aking pansin sa harap ng salamin at inayus ang aking make up.
Kasalukuyang abalang abala ang lahat sa pag bibihis dahil malapit ng magsimula ang Fashion Show at kasama si Ella na naimbitahan sa Show na iyon para maging isang modelo.
“Ella, dear! You’re so pretty today, malamang marami na naman ang magkakandarapang mga bachelors niyan mamya sa’yo” sabi ni Dalton ng makalapit ito sa tabi ko habang inaayos nito ang aking buhok .
“And you know what to do naman na hindi ba?” nakangiti sabi ko sa kaniya.
“Yes dear, I’ll take good care of them.” pumipilantik pa kamay nito habang nagsasalita.
Kadalasan pag may mga ganitong malalaking event, pinapakiusapan si Ella ni Dalton na sumali lalo na kung kulang ang kanilang mga modelo. Magkaibigan sila ni Dalton since college at ito ang nag pasok sa kaniya bilang isang modelo sa industriyang ito, madalas siyang sumasama dito noon sa mga event lalo noong nag aaral pa siya, dahil malaking tulong sa pag aaral niya ang talent fee na ibinabayad sa kaniya pagkatapos ng show, masaya naman siya dahil mas gusto niyang sariling pera niya ang ginagamit sa pag aaral .
Nang maka graduate siya naisipan niyang mag tayo ng sariling business at part time nalang kung mag model tulad na lamang nitong event pag nirerequest siya ni Dalton.
Dahil may taglay naman siyang ganda marami ang gustong makipagkilala sa kaniya, ngunit mabilis siyang umaalis sa venue pagkatapos ng show, kaya nawawalan ng pagkakataon ang mga ito na makausap man lamang siya lalo na at wala naman siyang panahon para mag entertain ng mga nanliligaw sa kaniya.
“Everyone...Be ready… at magsisisimula na po tayo in ten minutes.!” Sumilip sa pinto ng kinaroroonan naminh kuwarto ang isang staff at agad ding umalis pagkatapos nitong sabihin na magsisimula na ang show.
“Let’s go girls…!” pasigaw na sabi ni Dalton sa mga models para marinig ng lahat.
Isa isa na kaming lumabas ng silid na iyon at nagtungo sa back stage. Maya maya pa nagsimula ng ipakilala ng host ang mga sponsors ng event ngayun.
“This Winter Fashion Show is sponsored by the Fancy Style together with the Rising Start Entertainment.!” Sabi ng host at narinig naning nagpalakpakan ang mga audience dahil kilala ang dalawang pangalang ito sa pinaka malalaking kumapanya sa buong bansa.
“ Let’s all witness the latest trend of Winter Collections from the most prestigious designers of Fancy Style…!!” masiglang sabi ng host at lalong lumakas ang palakpakan ng mga tao ng unti unti ng lumalabas ang mga modelo at naglakad sa run way.
Sanay na ako sa maraming tao lalo na pag ganitong event kaya hindi na ako kinakabahan tuwing lumalakad sa run way. Ang karamihan ng mga taong nanunuod ay ginagawa kung inspirasyun para mas lalong pagandahin ang aking paglakad at para mapansin ng mga tao ang suot kung damit.
Habang naglalakad sa runway napansin kung tahimik ang mga taong nanunuod ,karamihan sa kanila ay mga kilalang business man kasama ng kani kanilang mga asawa na mahilig sa mga ganitong fashion show. Gayundin ang mga kilalang pulitiko sa bansa. Mayroon ding mga sikat na artista galing sa Rising Star Entertainment at mga reporters na panay ang kislap ng mga dalang kamera.
Mapapansin din ang paghanga sa mga mata ng mga nanunuod habang sila ay naglalakad ,sadyang magaganda ang mga bagong damit na kanilang ipinapakita sa mga tao dahil likha ito ng mga kilalang designer mula sa Fancy Style lalo pa at ilan sa kanilang mga designers ay kilala na din sa ibang bansa. Ang kanilang mga likhang damit ay sadyang mamahalin at halos katumbas o mahigit pa sa isang buwang sahod ng regular na empleyado. Kaya tanging mga mayayamang tao lamang sa lipunan ang may kakayahang bumili ng kanilang mga damit.
Ang huling ipapakita nila ay mga long gowns na bagay sa mahihilig sa mga parties o social gatherings.
Ako ang finale sa long gown na iyon, Suot ko ang mahabang gown na kulay pula na bumagay sa maputi kung kutis , may mahabang slit ito sa kaliwang binti at bukas ang likod nito hanggang beywang ,may nagkikislapang ding maliliit na dyamante sa harap , mula sa gitna ng dibdib ko hanggang sa bandang pusod . Dahan dahan akong naglalakad, paikot sa runway. Rinig ko ang pagsinghap ng mga kababaihan dahil sa ganda ng damit at makikita naman sa mukha ng mga kalalakihan ang paghanga hindi lang sa damit kundi maging sa akin, may ilan pang mga babae ang siniko pa ang kanilang mga katabing lalaki dahil hindi maalis ang kanilang tingin sa akin.
Malakas na palakpakan ang maririnig sa buong hall ng matapos ang Fashion Show. Ngunit hindi pa doon magtatapos ang event na iyon dahil meron pang kasunod na party para sa mga dumalong audience.
Agad naman akong bumalik sa dressing room at nagbihis para makaalis na sa lugar na iyon. Nasalubong ko si Dalton habang papalabas na ako ng dressing room.
“Dalton, I have to go, ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa organizers ,Okey.!” Sabi ko dito.
“Sureness dear! thank you so much, I’ll send your payment to your account nalang later.” sagot nito habang nagbeso beso kami.
Mabilis akong naglalakad palabas ng building ng pagliko ko sa isang pasilyo ay bigla akong nabangga. Buong akala ko nabangga ako sa pader dahil sa lakas ng empact nito at muntikan na akung matumba. Ngunit hindi man lang sumayad ang katawan ko sa sahig, napamulat ako ng mata at tinignan ang nasa harap ko. Hindi pala pader kundi isang guwapong nilalang ang nakabangga ko. Halos nakayakap na ito sa akin dahil hawak nito ako sa beywang para hindi ako tuluyang bumagsak.
Napatitig ako sa mga mata ng guwapong lalaki, hindi ko mawari kung bakit hindi maalis ang mga mata ko sa mukha nito. Maging ito ay nakatitig din sa akin. Nahimasmasan lamang ako ng may marinig akong boses.
“Dalton, where is she, can I just talk to her?” narinig kung sabi ng isang lalaki, papalapit nadin ang mga yabag sa gawi namin kaya naisipan kung yakapin ang lalaking nakabangga ko, nakatalikod ito sa daanan kaya naitago ko ang aking mukha sa malapad nitong dibdib upang hindi ako makita ng naghahanap sa akin.
“I’m sorry for my actions, I owe you this one!” sabi ko sa guwapong lalaki, ng makaalis na ang naghahanap sa akin. Dahil sa tangkad nito nakatingala na ko dito habang humihingi ng paumanhin, nasalubong ng mga mata ko ang tila nanghihipnotismo nitong mga titig, ngunit nananatili lamang itong walang tugon habang nakatitig sa akin.
“I- i need to go.!” Sabi ko sa guwapong lalaki at ng hindi parin ito nagsasalita mabilis na kong naglakad papalabas ng building.
Habang nag aabang ako ng taxi, nagsuot na ako ng cap para hindi agad makikilala, pero hindi ko akalain na may makakapansin padin pala sa akin.
Napansin ko sa sulok ng aking mga mata ang paglapit ng isang lalaki. Walang gaanong tao sa gawing iyon kaya bahagya akong kinabahan.
“Miss, are you one of the model ?” tanung ng lalaki ng makalapit ito. Ngunit hindi ako sumagot.
“Do you need a ride, I can take you home?” Sabi pa nito. Merong kakaiba sa mga ngiti nito kaya lalo pa akong kinabahan. Bahagya akong napaatras ng lalo pa itong lumapit sa sa akin.
“Thank you for your offer, but I can manage.” alanganin ang ngiti kong sabi dito.
“Mahirap ng makakuha ng taxi at this hour, baka mas lalo kang gabihin kung hindi ka magpapahatid.” sabi nito at akmang hahawakan ako sa braso ngunit natigilan ito ng may tumigil na kotse sa harap namin at bumusina ng malakas.
Napalingon kami sa sasakyan ng bumukas ang pinto sa passenger seat nito, nagulat pa ako ng makilala ang lalaking nakabangga ko kanina.
“Get In..!” pautos na pagkakasabi ng guwapong lalaking nakasakay sa passenger's seat.
Hindi na ako nagdalawang isip at Mabilis akong sumakay sa sasakyan nito upang makalayo sa lalaki na lumapit sa akin.
Hindi ko mawari kung bakit mas nagtitiwala ako sa guwapong lalaking ito kisa sa lalaking lumapit sa akin kanina.
Habang nasa sasakyan, naisipan kong magpalit ng suot na high heels. Hindi na ako nakapagpalit kanina sa subrang pagmamadali.
“Can I change my shoes here?” tanung ko sa katabi kong lalaki, tumango lamang ito at hindi na nag abalang tignan ako.
Mabilis kong pinalitan ang suot ko na high heels ng isang flat shoes para mas kumportable akong maglakad.
“ Your address ?” sa kauna unahang pagkakataong narinig kong nagsalita ang savior ko ng gabing iyon.
“Huh?” hindi agad nagloading sa isip ko ang tanung nito dahil natulala na naman ako sa kaguwapuhan nito. Hinintay kung magsalita itong muli ,ngunit hindi na ulit ito nagsalita.
“ Miss saan ka namin ibababa?” narinig kong tanung ng driver.
“ Ah..pakibaba nalang po ako sa malapit na bus stop.” nakangiti kong sabi sa driver. Mabuti pa tong driver maayos kausap sabi ng isip ko.
Tinapunan ko ng tingin ang lalaking katabi ko. Guwapo sana ,ansungit naman. Mabilis kong inalis ang tingin ko dito ng bigla itong lumingon.
Nagpanggap akong nakatingin sa daan, ngunit bumalik ang tingin ko sa mukha nito at nalaman ko na nakatingin padin ito sa akin. Alangananin akong ngumiti at kinuha nalang ang cellpone ko para may mabalingan ako ng atensyun. Nakita ko na may mga miscalls si Dalton at messages. Nang buksan ko ang message nito napangiti ako dahil sinabi nito na naitransffer na nito sa account ko ang aking talent fee. Maya-maya pa huminto na ang sasakyan.
“Nandito na po tayo Miss” narinig kong sabi ng driver. Tinignan ko muna ang paligid may mga iilang tao padin naman na nag aabang kaya mukhang safe naman ang lugar. Inayos ko ang mga dala kong gamit bago tuluyang lumabas nilingon ko ulit ang savior ko na wala padin kaimik imik.
“Thank you for your help today, I’ll pay you back next time if ever na magkita tayung muli .” Nakangiti kong sabi dito at tumango lamang ito. Napataas naman ang kilay ko . May bayad ba ang mga salita nito bakit parang ang hirap nitong kausapin.
“ Ah, Mr..salamat po sa paghatid.” Lingon ko sa driver.. nakangiti lamang din itong tumango at bahagyang itinaas ang kamay.
Tuluyan na akong bumaba sa sasakyan at pumunta sa Bus stop. Napabuntunghininga nalang ako habang sinusundan ng tingin ang papalayong sasakyan. Hayss sino kaya ang lalaking iyon bat parang hindi ko siya nakita sa loob ng hall kanina.
Lumilipad ang isip ko ng mga sandaling iyon ng mapatingin ako sa katabi kung babae na nakaupo sa bus stop, nagbabasa ito ng news sa cellpone nito, medyo malapit ako sa babae dahil nakatayo ako sa tabi nito kaya nakikita ko ang tinitignan nito sa cellpone. Hindi naman sa nakikiusyuso ako...napatingin lang naman. May mga larawan kasi ng lalaki itong tinitignan kaya nakuha nito ang atensyun ko. Nang biglang may lumabas na larawan ng isang lalaki na parang familiar sa akin at ng basahin ko ang nakalagay sa bandang itaas ng larawan nito may nakasulat na List of The Richest Bachelor Businessman in the country. Nagulat pa ang babaeng katabi ko ng biglang lumapit lalo ako dito upang tignan mabuti ang lalaki sa larawan.
“Sorry Miss..!” nahihiyang sabi ko dito ng mapansing kung nakatingin ito ng masama sa akin. Kala siguro nito interesado ako sa cellphone niya.
“Mukha kasing pamilyar sa akin yung nasa picture” turo ko sa cellpone niya.
“ Pamilyar talaga siya kahit kanino Miss ,sino ba naman ang hindi nakakakilala sa kay Bright Fontanilla, bukod sa mayaman, guwapo at single pa, kaya marami ang nagpapantasya sa kaniya.” Nagbago naman agad ang reaksyun nito at parang kinikilig pang sabi nang babae.
Napaawang ang bibig ko ng marealize ang sinabi nito.
OMG! Si Bright Fontanilla ba ang savior ko kanina at nakasama ko pa sa sasakyan. Bakit hindi ko man lang siya nakilala agad. Naririnig ko ang pangalan nito before.. pero hindi ko lang gaanong pinapansin dahil alam ko sa sarili ko na mas posible pang marating ko ang buwan kisa magustuhan nito.
Pero wait..What if kung siya nga talaga si Bright Fontanilla..?
Naalala ko ang mabangong amoy nito at ang matipuno nitong didbdib ng bigla ko itong yakapin kanina. Nag init bigla ang aking pisngi ng maalala iyon. Lihim akong napangiti dahil sa eksenang pumasok sa isip ko. Natigil lamang ang pagpapantasya ko dito ng may tumigil na bus sa harap namin.
Bright Fontanilla... sabi ng isip ko habang nakatanaw ako sa labas ng bus. Pero agad kondin itong iwinaksi sa isip ko dahil malabong mangyari na magkikita pa kami ulit.