Chapter 6

1208 Words
Pagkatapos nang klase, nandito kami sa Canteen ni Symphony or Felicity. At kinwento ang lahat sakaniya simula nung iniwan ako ng magulang ko mag-isa sa bahay at kung paano ako tratuhin ng Tita at ni Bianca.   "I'm sorry Melody kung wala ako sa tabi mo noon," malungkot niyang sabi at tumungo ito.   Ngumiti nalang ako. "Past na 'yon," sabi ko saka'nya at kumain ng pasta na libre niya.   Napasinghap kami ni Felicity ng may biglang umupo sa harapan namin.   "Renz? Anong ginagawa mo dito?" Gulat kong tanong, hawak ko parin ang tinidor na may pasta doon dahil kakainin ko na sana.   "Ang sabi ko kanina sabay tayong mag-lunch," nakanguso na ito at linalaro yung tissue paper sa table namin.   Kinamot ko naman ang ulo ko. "Sorry, nakalimutan ko," paghihingi ko ng pasensya sakaniya.   Nakakahiya. Bakit ko ba nakalimutan iyon? Baka nadala lang ako ng sobrang ligaya dahil nakita ko na bestfriend ko. Ang dami na talagang nagbago sa mukha ni Felicity.   Tinignan niya ako na nakanguso parin. "Dito nalang ako kakain din," sabi niya. At tinignan si Felicity. "Pwede ba?" Nahihiyang tanong nito.   Tumikhim ako.   "Sure, dito ka sa upuan ko. Ako na diyan" masayang sabi ni Felicity.   Napasimangot nalang ako dahil gusto ko katabi muna sa Felicity.   "Sige, bili muna ako ng makakain ko.” Tumayo si Renz at umalis sa table namin para kumuha ng pagkain.   Pinanoud ko lang siyang lumakad. Pati ang paglakad niya ay parang isang model, at yung mga ulo ng mga babae ay halos mabali na basta makita lang siya.   Lumipat naman si Felicity sa harap ko.   "Nakakakilig kayo." Tumili ito at biglang tumawa while snorking. Naalala ko tuloy yung alaga naming baboy noon sa bahay dahil sakaniya.   "Grabe kayo. First time ko lang siyang narinig mag salita in my entire year!" Tili niya ulit. Namumula na ang kanyang mukha sa kakatili.   "Year?" Kumunot ang noo ko.   Natigilan naman siya. "Lumipat ako dito sa school nung nalaman ko na dito ka pala nag-aaral kaya transferee ako," nahihiyang sabi niya.   Napangiti nalang ako. She's a true bestfriend and I'm so lucky.   "Nandito na ang prince charming mo," kinikilig niyang sabi.   Kaya napatingin ako kay Renz na papalapit na samin at tumabi siya sakin. Inilagay niya ang tray sa table.   Nagsimula na siyang kumain. Yung inorder niya isang rice, chicken, salad, coke at may extra rice? Ang dami naman yata?   Nagulat din si Felicity habang tinignan ang nakahanda sa lamesa.   "Mauubos mo 'yan?" Gulat na tanong ni Felicity nakita ko ang panlalaki sa mata niya na parang hindi makapaniwala. Ang liit kasi ng katawan ni Renz, pero grabe makakain. Saan niya ba nilalagay ang mga pagkain?   Napahinto naman sa pagkain si Renz at nahihiyang tumango kay Felicity. Napatawa nalang ako.   Kumain nalang din kami ni Felicity. Sakanila ni Felicity at Renz ay naka rice. Lunch ko kasi ay Carbonarra, nabubusog na ako rito.   Tumingin sakin si Renz.   "Sabihin mo 'ahh'" sabi niya habang ngumunguya.   "Ah," sumunod naman ako sakanya in a bored tone. Ano gagawin niya? Abakada?   Bigla niya akong sinubuan ng pagkain. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.   "Kyah. Ang sweet, direct kiss yun ah!" mahinang tili ni Felicity.   Sa narinig ko biglang pumunta ang lahat ng dugo ko sa mukha nang pagkarinig ko nung kiss. Parang may nagbara bigla sa lalamunan ko kaya napaubo ako, maluluha 'kong hinanap ang water bottle ko pero naubos ko na pala kanina lang. Kinuha ko nalang ang coke ni Felicity at ininom.   Narinig ko ang pagsinghap nila Renz at Felicity. Si Felicity naman naka 'O' ang bibig. Si Renz naman tinitignan ako na namumula.   Inubos ko nalang ang coke at tinignan si Felicity.   "Sorry, naubos ko," nahihiya akong napatingin kay Felicity at tumawa ng mahina.   Nakita 'kong umiling ito at tinuro yung katabi ko. Napatingin ako kay Renz at saka'nya uli. Don't tell me kay Renz ang ininom ko?   "S-sayo to?" Nauutal kong tanong. Habang pinapakita sakaniya yung coke.   Tumango naman siya at ngumisi. "Gusto mo pala ng kiss eh. Sabihin mo saakin, pagbibigyan naman kita," asar nito at ngumuso sa harap ko. Napaatras ako sa gulat at tinulak siya.   Humahalakhak naman si Felicity sa harap namin at parang neenjoy siya sa kakanuod saamin. Tinignan ko naman sila ng masama kaya tumahimik si Felicity.   Hinatak ako ni Renz at inakbayan. "Sorry na." Malumanay nitong pagkasabi at inilagay ang kaniyang pisngi sa balikat ko.   Tinignan ko siya at siniko sa tagiliran. "Trip niyo talaga ako" bagot kong sabi.   "Ang cute mo kasing asarin," sabi ni Felicity at ngumisi. I straightened my face, ang pasaway nilang pareho.   NANDITO ako ngayon sa sasakyan ni Renz. Ihahatid niya kasi ako pati si Felicity. Pero ang lapit lang nang bahay namin. Uunahin namin ihatid si Felicity na ang layo ng bahay. Para daw roadtrip ang magaganap. Ang sama, dapat ako yung una bababa eh.   Spend more quality daw sabi ni Felicity.   "Oy dito na ako Manong. Bye Melody! Bye Renz! Ingat kayo ha. Huwag din mag madali ayaw ko pa maging tita. Maaga pa," sabi niya habang tumatawa at lumabas na, kinakaway pa nito ang kaniyang kamay.   Takang tinignan ko si Renz "Ano raw? Anong Tita?" Lito 'kong tanong sakaniya. Kumunot naman ang noo ko nang mapansin siya na namumula ulit.   Napapansin ko na 'to na palagi tong namumula ah.   "Ano?" Tanong ko ulit. Hindi kasi siya sumasagot. Nakatitig lang ito sakin.   "Wala. 'Di ko nga alam eh" sabi niya at sumimangot Nagdrive ulit yung driver ni Renz, ang ganda din ng kotse niya. Siya na mayaman. Magkatabi kami ngayon. Si Felicity kasi umupo katabi sa Driver.   Panay nga salita niya. Ang daldal pala niya hanggang ngayon at nakakamiss.   "Bakit pala Melody ang tawag niya sayo?" Tanong niya sakin at tinignan ako.   Sumandal nalang ako. "Mag bestfriend kasi kami dati. Symphony tawag ko sakanya. Tawag niya rin naman sakin ay Melody" sabi ko sakanya at humikab inaantok ako   "Talaga? Matagal na kayong magkakakilala?” tanong nito at kita sa mukha niya ang pagkamangha.   Pumikit ako, nakaka antok ang lamig. "Hmm."   "Pahinga ka muna princess. I love you"   Naalimpungatan ako ng masakit ang leeg ko. Kaya minulat ko ang mata ko.   Saan na ako? Lumingon ako sa paligid. Si Renz, nakaakbay sakin at natutulog din. Wala na yung driver din dito. Tumingin ako sa labas nasa bahay na ako ni Tita. At omaygod. Gabi na!   "Renz," pangungulit ko sakanya. "Gising.” Tinusok tusok ko yung pisngi niya.   Tulog mantika ba ‘to!? Tsk. Tinanggal ko ang pagkaka akbay niya. Nang dahil dun nagising siya kaya napatingin ako. Hindi naman pala siya tulog mantika.   Lalayo na sana ako ng hinawakan niya ang mukha ko at pinagdiin ang aming mga labi.   Mulat ang mata ko ng naghalikan kami at siya ay nakapikit. My God, bakit niya ako hinalikan? Kabado na ang puso ko. Para itong gustong makawala dahil sobrang lakas ng pagkabog nito.   Nang biglang gumalaw ang labi niya at kinagat ang ibabang labi ko. Kaya napapikit ako sa ginawa niya. At inikot ang dalawang braso ko sa leeg niya at inisabit.   And I kissed him back. Ang lambot ng labi niya. Bawat halik namin ay kumakalabog ang puso ko at masarap sa feeling. Nakakagaan.   Ako na ang unang bumitaw sa halik namin. At pareho kaming humihingal. Ang first kiss ko. Siya ang nakakuha at masaya ako ‘don.   "Una nako," nahihiyang sabi ko at binuksan ang pintuan ng kotse niya. Nang hinila niya ang kamay ko at napapikit ako. 'Not now. Nakakahiya ang halikan natin'   Humarap ako sakanya at minulat ang mata. "Take care princess. I love you," mahinang sabi niya at hinalikan ang noo ko. Napapikit nalang ako at napangiti.   "I like you," pag-amin ko at umalis na 'di siya liningon.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD