Chapter 7

1309 Words
CHAPTER SEVEN   Pagkapasok ko ng bahay ay agad kong hinawakan ang dibdib ko. Ang bilis pa rin ng pintig ng puso ko dahil sa halikan namin dalawa at sa biglaang pag-amin ko.   Seriously did I say that? Napailing nalang ako. Hindi naman siguro masama na gustuhin ko siya diba? Like pa hindi love. Napailing ako sa iniisip ko. Don't worry self—.   Pumasok ako sa kwarto at nag bihis ng pambahay at naglinis ng bahay. Wala pa raw sila Tita at Bianca may lakad raw sila. Sabi nila ay kumain daw sa labas o ‘di kaya ay nag shopping. Wala kasi ang asawa ni Tita, dahil namatay ito sa sakit na cancer.   Pagkatapos naming maglinis ay kumain nalang kami at natulog. Hindi naman ako pinagsasalitaan ulit nila Tita at Bianca kasi ako na ang unang umiiwas sakanila.   ISANG buwan ang nagdaan. Nandito kami sa garden. Kasama ko si Felicity at Renz. Sa isang buwan 'nun. Naging malapit ako sakanila at mas naging sweet at pursigido si Renz sa kanyang panliligaw saakin.   Masaya talagang kasama si Renz. Lalo tuloy akong nahuhulog sakaniya, both looks and personality. Hindi na talaga ako magtataka halos lahat ay humanga sakaniya.   "Say ahh." Iniharap niya saakin ang kutsara na may pagkain at medyo malaking piece na manok. Ano ba 'yan baka mabilaukan ako nito   Ngumanga naman ako habang nagbabasa ng libro. Hinayaan ko nalang ito dahil nag effort at sinubuan niya ako ng pagkain na kinakain niya. Ang sweet niya.   Nung isang buwan na ‘yon. Hindii na ako inaaway ni Bianca. Ewan ko dun. Nung nagsimulang nangliligaw si Renz. Sa bahay naman 'di na niya ako pinapansin. Ang wierd nga eh.   "Teka Renz? Malapit na birthday mo ah?" Biglang tanong ni Felicity.   Kaya napatingin ako kay Renz na may pagtataka sa mukha.   "Birthday mo? Kailan?" Gulat kong tanong. Bakit hindi ko alam? Parang mas updated pa si Felicity kesa saakin ah?   Kinamot niya ang batok at nahihiyang umiwas ng tingin. "Next week," sabi niya at kumain uli pero di na tumingin saakin uli. Namumula na naman ang tenga nito.   Next week? Anong ireregalo ko sakaniya? Wala pa akong pera dahil nagamit ko ito 'nun sa project namin.   Nung time na sumabay na kami pumasok sa room at tumabi kay Felicity. Last week kasi gusto niya magkatabi kami. Kaya ayun napagbigyan kami ni Ma’am since ako lang ang nakaupo sa likuran.   "Symphony! Anong ireregalo ko kay Renz?" Tanong ko sakaniya at hinawakan ang balikat niya. I’m freaking out.   Nag-iisip naman siya. "Hmm. Ikaw na bahala," at binelatan niya ako.   Sinapak ko naman siya kaya napa aray ito. ‘Buti nga sayo'. Tumawa naman ako ng malakas sa isipan ko.   Buong oras sa klase akong nag-iisip kung ano ang ireregalo sakanya. Kaya nalutang ako. Kung saan saan na umabot yung inahinasyon ko. Bigyan ko kaya siya ng relo? Pero nakita ‘kong may suot na siya. Tshirt kaya?   Pagkatapos ng klase namin. Inihatid na kami ni Renz. Ganiyan ang trabaho niya samin. Ako yung huling ihahatid.   "Bye!" Paalam ko kay Felicity. Ngumiti naman siya sakin at nag flying kiss. Napatawa nalang ako.   Ang cute niya talaga. Pag ngumiti siya lumalabas ang dalawang dimples niya.   Lumabas na ng tuluyan si Felicity. Tinignan ko naman si Renz na palaging nagtetext. Napapansin ko na din to ngayon. Ang seryoso niya.   "Sino ‘yang katext mo?" Tanong ko sakanya at sumandal sa balikat niya.   "Wala. Friend ko" seryoso niyang sabi.   Nakakatampo naman 'di nalang ako uli nag balak mag tanong baka masabihan pa akong nahihimasok sa kaniyang privacy. Pero pwede naman diba? Nanliligaw siya sakin eh at dapat may alam ako sakaniya or baka huwag nalang para privacy eh.   Maya maya huminto na ‘yung sasakyan niya sa tapat ng bahay ni Tita. Kaya tumingin ako sakanya na nakatext parin. Napasimangot nalang ako.   "Bye Renz. Take care" malambing kong sabi at hinalikan ang pisngi.   Tumango nalang siya at nagtext uli. Hindi man lang ito tumingin sakin kahit ilang seconds lang..   Lumabas nalang ako ng tuluyan at pumasok sa bahay. Kahit tinawag niya ako. Bahala siya diyan. Katampo, magsama sila ng Cellphone niya!   Pumasok na ako sa kwarto na nakabusangot at nagbihis. Lumabas ako para pumunta sa garden para kumuha ng walis.   Pagpunta ko doon nadatnan ko si Bianca na nakasandal sa upuan at tinitignan ako na nakangisi.   Hindi ko nalang siya pinansin.   "Well, magpakasaya ka muna ngayon kasi anytime kukunin ko na siya sayo," maarteng sabi niya at humalukipkip.   Dumeritso lang ako ng lakad at hindi siya pinansin. Nang nasa pinto na ako bigla akong naestatwa sa sinabi niya.   "Beware. Kasi kukunin ko ang dapat saakin."   Sinong pinapahiwatig niya. Si Renz? Bakit sakniya ba si Renz? Pagmamay ari niya ba? Huh! Mainggit sana siya.   Hindi ko nalang pinansin ulit at pumasok na sa loob para maglinis.   Naisip ko bigla. Pano kung ang gusto talaga ni Renz ay si Bianca at 'di ako? Bigla akong napahawak sa dibdib ko na may kumirot at masakit? At bakit parang nahihilo ako?   Ano nangyayari? Ganito ba pag nasaktan?   Yes I'm genius. But when it comes to love. I failed.   And I admit. In just 1 month. Tuluyan na akong nahuhulog sakaniya. Hindi siya mahirap mahalin. And I trust him so much. Una pa lang ay takot akong sumugal, ayokong matulad ang lovelife ng mga magulang ko. My parents prove every fairytales doesn't exist. Yes, noong bata pa ako ay lagi nila akong sinasabihan sa mga princess stories every night before I sleep. Pero— I can’t help it.   "Iha? Okay ka lang? Ba't namumutla ka?" Biglang tanong ni Manang Minda sa tabi.   Umiling nalang ako sakaniya at patuloy sa pagwawalis “Wala pa ito, Manang.”.   Lumapit naman siya sakin at may pinunasan sa ilong ko na panyo at ipinakita niya sakin.   Napasinghap nalang ako at napatitig sa panyo.   "Manang? Bakit may dugo?" Natataranta kong tanong at kumirot ulit ang ulo ko kaya napahawak ako ‘don.   "Nako, ikaw bata ka. Ano nangyayari sayo?" Nag-alala ang boses nito at kita sa mukha nito na natataranta na. Inakay niya ako sa kwarto nila at inihiga sa higaan ni Marie. Wala kasing tao sa loob dahil may mga ginagawa ito sa labas, kami lang ni Manang nandito ngayon.   Umiling naman ako. "Wala po akong sakit Manang" sabi ko sakaniya ng mahina. Wala naman to kanina. Hindi din masama ang pakiramdam ko.   Umupo si Manang sa tabi ko at hinipo ang noo ko.   "Hindi ka naman mainit. Pahinga ka nalang diyan baka nainitan ka lang kanina," sabi niya sakin at iniwan akong nakahiga sa kama ni Marie.   Nagbuntong hininga nalang ako ako at inilagay ang braso sa mukha ko upang matakpan.   I trust, Renz. Kung ano man ang balak ni Bianca, ‘di ko iiwan si Renz at promise ko ‘yon. I know Renz, he showed me his love, his effort. Sana din Renz— huwag mo din akong iwan at huwag mo din akong saktan.   Because with him, naniniwala na ako sa fairytale at Destiny. Because Renz, you are my destiny as well as my Prince.   Pinikit ko nalang ang mata ko at matulog.   Nagising nalang ako dahil sa gutom, tumingin ako sa relo at malapit ng mag alas dyes sa gabi. Bumangon nalang ako at binuksan ang pintuan na nadatnan ko si Clarisse na may dalang tray at pagkain.   Nagulat naman siya na nakita ako.   "Bakit?" Tanong ko sakaniya.   "Okay kana? Dinalhan kita ng pagkain eh. Hindi ko alam na gising kana pala," nahihiyang sabi niya at napanguso ito.   Napatawa nalang ako at kinuha ang tray. "Ako na."   "Okay kana ba talaga?" Ulit na tanong niya.   Tumunago ako "Oo. Pagod lang yata ako kanina." Sagot ko sakaniya, ang kulit niya talaga.   Tumango nalang din siya at sumabay sa lakad ko.   "Tapos na kayong kumain?"   Umiling ito. "'Hindi pa eh. Kakain palang," sabi niya at ngumiti.   Tumungo nalang kami sa kusina at nandun na sila naka upo.   Napatingin sila samin "Okay kana ba, Yuri?" Nag-alalang tanong ni Marie.   Tumango ako sakanila at ngumiti ng malaki. "Oo no. Ako pa," at humahalakhak ako at kumindat sakanila.   Napatawa naman silang lahat sa sinabi ko at kumain nalang kami ng tahimik.   Pagkatapos naming kumain naglinis ulit at pumunta sa kwarto ko.   Humiga nalang ako sa kama ng pagkatapos kong nagbihis ng pambahay. Nakatulog din naman agad ako. Dahil yata sa pagod at naputol yung tulog ko kanina.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD