Chapter 8

1465 Words
CHAPTER EIGHT   Maaga akong papasok sa eskwelahan ngayon dahil mamaya maghahanap ako ng trabaho para regalo kay Renz at sana magugustuhan niya ang ibibigay ko.   Nasa labas na ako ng gate at nakita ko si Felicity sa labas at kinakawayan ako. Kumaway ako at lumapit sakaniya.   "May nahanap na akong trabaho na babagay sayo," masayang sabi niya.   "Talaga? Ano? Saan?" Excited ‘kong tanong, I can feel my eyes twinkling.   "Sa coffee shop ni Mama. May Vacant pa pang gabi. Don't worry, ihahatid kita pauwi. Baka kung ano pang mang-yari sayo," sabi niya habang humahalakhak at hinawakan ang batok niya.   Lumawak ang ngiti ko. Pwede na 'yon atleast may pagkakikitaan muna ako sa ngayon, dahil hindi kaya ang sweldong binibigay sa'kin ni Tita.   Hinawakan ko ang kamay niya "Salamat Symphony, malaking tulong 'to." Pagpapasalamat ko at ngumiti.   I really love her and admire her.   "Ano pala ang bibilhin mo diyan?" Her face is confused habang tinitignan ako.   "Bibili ako ng cake para sakaniya. At 'don ko na din siya sasagutin" kinikilig kong pahayag sakaniya at inimagine ang pangyayari.   Narinig ko ang pagsinghap nito at tinignan ako, ang laki na ng ngiti niya.   "I'm happy for you at kung sasaktan ka niya, nandito ako. Handang bugbugin siya," aniya at ipinakita sakin ang kaniyang kamao at umaktong nanununtok.   Napatawa nalang ako ng mahina. Hinawakan niya ako bigla sa braso at hinila. "Tara. Puntahan natin ang Coffee shop. Malapit lang naman dito sa school natin eh."   Nang marating na namin ang Coffee shop ng Mama niya, namangha ako sa ganda. Nakakamangha ang exterior design, sky blue ang kulay ng lahat pero may iba 'ding accent tulad ng blue, mint blue at iba pa.   "Nandiyan ba ang Mama mo?" Tanong ko saka'nya. Matagal ko na kasi 'di nakikita ang Mama niya.   Umiling ito at ‘di ako tinignan at pumasok na, sumunod nalang ako sakaniya.   Pagka-pasok ko, amoy ko na ang matatamis na Cake at halamuyak ng Coffee. Ang ganda din ng design sa loob. May iilan 'ding mga costumer dito.   Lumapit naman si Felicity doon sa Counter at nakita ‘kong nabigla ang isang empleyado yata pagkakita saka'nya.   Sumunod nalang ako kay Felicity sa likod.   "Ma'am! Bakit po kayo nakadalaw dito?" Natatarantang tanong nung Cashier.   Lalaki siya at ang cute niya. Working student yata to siya dito, dahil halata sa mukha niya na bata pa 'to.   "Nasabi ko na ‘to kay Mama na" pinaharap niya ako doon sa lalaking cashier.   Lumunok ako ng laway na nakatitig lang sakin.   "Siya ay magta-trabaho dito tuwing gabi. Part-time lang," masayang sabi ni Felicity.   Ngumiti nalang ako, ahihiya dun sa Cashier Guy. Ngumiti din siya sakin pabalik.   "Opo, Ma’am. Nasabi po sakin ng Mama mo tungol sakaniya." Magalang na sabi niya kay Felicity.   Mayaman talaga si Felicity. Pero ang 'di ko alam kung bakit nagpapahatid siya kay Renz nung nakaraan.   "So, aalis muna kami. Turuan mo siya mamaya ha?" paalam ni Felicity.   Nanlaki ang mata ko ng bigla akong hatakin ni Felicity.   Lumingin ako doon sa lalaki at nagpaalam, kumaway nalang siya sakin.   Pagkalabas namin ni Felicity. "Ang cute niya," bigla kong sabi sakaniya.   Bigla siyang huminto at tinignan ako ng masama. "May Renz ka hoy! Isusumbong talaga kita," may pag-babanta sa tono ng boses niya.   Napahalakhak nalang ako sa sinabi niya.   "I'm serious."   Sabi niya at tuluyan na akong tumawa ng malakas dahil nag-iba talaga ang hitsura ng mukha niya. May gusto yata siya doon sa lalaki.   Nang nasa Campus na kami ay agad ‘kong hinanap si Renz, at nadatnan ko siya nag tetext ulit sa tabi.   Napasimangot nalang ako at naalala kahapon. Nagtatampo pa pala ako saka'nya.   "Nan'don pala si Renz oh," at nginuso niya yung deriksyon ni Renz.   Sumimangot ako at ‘di ako nagsalita.   "Oh bakit? LQ kayo?" Gulat niyang tanong.   Umiling ako. "Hindi, nakakatampo kasi. Palagi nalang nagtetext at 'di niya ako pinapansin. Hindi ko din alam kung sino katext niya," pag-susumbong ko kay Felicity.   "Nako! Hirap niyan. Tanungin mo siya," sabi niya sakin habang umiiling at parang dissapointed.   Linampasan nalang namin siya ng ‘di niya kami napapansin. Bahala siya diyan, kailangan niyang mag-explain sakin.   Pumasok nalang kami sa Room at maya-maya nag start na kami ng klase.   Nung lunch time na, doon kami sa Canteen at nag-oorder si Felicity ng pag-kain naman, libre niya nanaman.   Nang biglang may tumakbo sa tabi ko, napasinghap ako bigla at gulat na tumingin sa tabi ko.   "B-bakit?" Nauutal kong tanong.   Tinignan niya ako ng seryoso. "Are you mad?" May diin sa bawat salita niya at kita ko sa mata niya na kinakabahan ito.   'Di nalang ako sumagot.   "Ano?" Pangungulit niya.   "I'm just jelous kung sino ang palaging katext mo," napanguso ako.   Natigilan naman siya sa sinabi ko at ngumisi bigla.   "Nagseselos ang prinsesa ko sa barkada ko," humahalakhak ito at nakahawak sa tiyan niya, kulang nalang ay maghalumpasay ito sa sahig.   Sumimangot nalang ako.   "Okay na pala ang lovers," biglang sabat ni Felicity at ngumisi na kakadating lang.   Tumingin ako sa harap namin at umupo siya, binigay saakin ang pagkain. Kinuha ko iyon at nagpasalamat.   "Teka order muna ako. Nakakainggit kasi kayo, kumakain pa sa harap ko, "natatawa niyang sabi at tumayo at umalis.   Napailing nalang ako at kumain.   "Okay na?" Biglang tanong Felicity. Tumango naman ako.   Hindi nalang ito nagsalita at kumain nalang.   Mayamaya bumalik na si Renz na may dalang madaming pagkain.   "PG." Bulong ko.   "Hoy! Rinig ko yun!" Sabat ni Renz.   Napatawa nalang kaming tatlo, at nagsimula na ulit akong subuan ni Renz. Ganiyan talaga siya. Hilig niya akong pinapakain.   Just like an ordinary day.   Pagkatapos ng klase namin ihahatid sana kami ni Renz pero tumanggi kami. Nagtaka naman siya pero ‘di na siya nagtangkang magtanong.   Sumakay ako sa kotse ni Felicity at inihatid doon sa papasukin ‘kong trabaho. Aalis rin ako kapag may pera na para makabili sa regalo kay Renz.   "Oy, dito na tayo" sabi ni Felicity sa driver niya.   Kaya bumaba na kami at pumasok sa loob.   Medyo madami nang tao dito sa coffee shop nung huling punta ko dito.   Unang pumasok si Felicity kaya sumunod ako sakaniya.   Iba na ang nasa cashier ngayon. Babae na siya.   Tumingin naman siya kay Felicity at tumingin rin saakin.   "Siya na po Ma’am?" Tanong niya.   Tumango naman si Felicity at iniharap ako dun. Ngumiti naman ako ng alanganin.   "Hello," bati ko sakaniya.   Tinitigan niya lang ako ngumiti din sa huli. Mabait naman siya at ang inosente ng mukha niya. Bata pa siguro ito dahil sa features niya.   "Maiwan muna kita. Melody. Babalik rin ako. Huwag kang aalis ha?" may pag-babanta sa boses niya.   Tumango nalang ako sakaniya at lumabas na siya sa shop.   Muli akong tumingin sa babae. "Ako nga pala si, Lovely Madrigal," pagpapakilala niya at inilahad ang kamay.   Tinanggap ko naman at ngitian siya. "I'm Yuri Gonzales."   "Mukha kang mayaman. Bakit ka pa nagtatrabaho?" Tanong niya habang sinusuri ako.   Nailang naman ako ng bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.   "Hindi po ako mayaman," nahihiya kong sabi.   Bigla naman siyang natigilan. "Oh."   Umalis siya sa counter at hinila ako papasok sa unathourized personel at pumasok kami.   May kinuha siya sa cabinet habang nag hihintay sakaniya. May mga tao naman dito at nakita ko rin yung lalaki kanina dito na naging cashier. Ngumiti naman siya sakin kaya ngumiti rin ako pabalik.   Napatingin naman ako kay Lovely na papalapit sakin at may ibinigay.   "Ito na yung uniporme mo. Magiging waitress ko muna," masigla niyang sabi at iniabot sakin ang damit na kulay pink at may apron.   Kinuha ko nalang at pumasok sa tinuro niyang CR.   Pumasok nalang ako at nag bihis. Para din siyang isang chamber maid na uniporme ko doon sa bahay.   Mas cute 'to. Kasi nakikita ko yung iba sa labas na sout to. Upper nito ay pink na polo at iyong skirt naman ay checkered tapos may pink apron ito sa skirt na kulay pula. May nakita din ako na isang cap na may nakalagay na name ng shop.   Paglabas ko nakita ko si Lovely na panay ngisi sakin. Nahihiya nalang akong ngumiti sakaniya.   Lumapit ako sakaniya. "Ang cute!" Bungad niya sakin.   Ngumiti nalang ako.   "Hoy! Terence! Halika nga rito." Sigaw niya. Tumingin ako doon sa tinawag niya.   Nanlaki ang mata ko. Terence pala ang pangalan niya? Lumapit naman yung cashier guy kanina.   "Bakit?" Tanong nito at sumulyap sakin.   Tumingin nalang ako sa malayo.   "Tulungan mo si, Yuri sa pagwawaitress. Huwag mo siyang pahirapan," sabi nito habang dinuduro si Terence sa dibdib.   I wonder kung matigas yun? What the! Napailing ako sa bigla dahil bakit ko ba naisip yun? Jusko, Yuri saan na huwisyo mo?   Sumaludo naman si Terence kay Lovely. "Yes, Ma'am." Ngumiti ito sakaniya.   Napatawa nalang ako ng mahina. Dahil mukhang bata si terrence na pinapagalitan ng Ina.   Nagulat kami pareho ni Terence na ipinagdikit kami ni Lovely at nagkadikit bigla mga braso namin kaya dali-dali kaming napalayo at awkward na tumingin sa kung saan.   "Wow. Bagay kayo ha!" Masayang sabi ni Lovely at pumalakpak na parang bata.   Kinamot ko nalang ang ulo ko at tumawa ng pilit. Tumawa rin yung ilang trabahante dito sa loob   "May boyfriend na kaya ‘yan." sabi ni Terence. Napatingin ako bigla sakaniya. Bakit niya alam? Kumunot ang noo ko. Sino nagsabi sakaniya?   Kaya napabaling ang tingin ni Lovely sakin. "Meron ba?" Tanong niya sakin.   "Wala pa. Nanliligaw pa siya eh," nahihiyang sabi ko.   "Nanliligaw pa lang." May paghinayang sa boses niya at tinap ang balikat ni Terence. "May Chance pa," bulong niya kay Terence na rinig ko naman.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD