CHAPTER NINE
Pagkatapos akong turuan ni Terence sumalang na ako, may alam kasi ako dito sa pagwawaitress dahil experience na rin sa bahay.
Nakaupo lang ako sa tabi ni Terence at nakipag chismisan. 'Di naman siya mahirap pakisamahan. Actually may sense of humor siya.
"Yuri, ibigay mo to sa table 9," sabi sakin ni Helen, isang kasamahan ko.
Tumango naman ako sakaniya. "Teka lang ah?" Paalam ko kay Terence.
Kinuha ko yung order sa station. Ito yung trabaho ko dito, ang tighatid ng mga pagkain. sa mga costumer kaya madali lang.
Pumunta ako sa table 9 at linapitan.
"Excuse me, Ma'am. Nandito na yung order niyong Frappe at Chocolate cake," pagpapa-alam ko sakaniya kasi nagbabasa ito ng komiks. 'Di ko naman kita ang mukha niya kasi nakatakip ito.
"Okay," mahinang sabi nito. Parang kilala ko ‘to. Pero nevermind, baka imahinasyon ko lang.
Kaya inilagay ko na sa table niya ang order. Nakita ko naman siya sa peripheral vision ko na gumalaw siya.
Aalis na sana ako ng hihawakan niya ang kamay ko.
"Bakit po— " napasinghap ako at nanlalaki ang mata sa nakita ko. Kaya nahila ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"M-mama?" Nanginginig kong sambit.
Tumingin ako sa mukha niya. Madaming pinagbago iyon. Yung dating simpleng siya ay nagbago, sa pananamit na parang isang mayaman, yung mukha niya may make-up na. Noon pa man ay hindi siya gumagamit.
Hindi siya yung Mama ko! Sigaw sa isipan ko.
"A-anak" garalgal ang boses nito.
Biglang nanlamig ang kamay ko. At tuluyang umagos ang luhang kanina ko pang pinipigilan.
"Anak, ako 'to" sabi niya sakin at hinawakan ang kamay ko.
Umiiling ako sa harap niya at binawi ang kamay. "Hindi ikaw ang Mama ko," may diin sa sabi ko.
Kaya pala pamilyar ang order niya. Yung chocolate cake at pagbabasa ng komiks at ang tindig ng katawan niya.
Galit ako sakaniya! Sa pag-iiwan niya saakin, at the same time namimiss ko rin pero mas nanaig ang galit ko.
Tumayo naman siya kaya napa-atras ako bigla. Umiiyak parin ako kahit malabo ang tingin ko nakikita ko parin ang pag-iyak niya. Masakit sa dibdib ko kung paano siya umiyak.
"Anak. please mag-usap tayo," pakikiusap nito saakin.
Usap? Anong pag-uusapan namin? Kung paano niya ako kayang iwan? Yung may pamilya narin siya?!
"Wala na tayong pag-usapan," malamig kong sabi saka'nya.
Nakita ko naman ang pagka-bigla sa mukha niya. Kasi noon paman, 'di ako nagsasalita sakanila ni Papa ng ganito. Ang sweet at ang lambing ko sakanila noon.
"Ano ang kaguluhan to?" Tanong ni Terence nang nakalapit saakin. Napatingin ako sa paligid, naka tingin na sila lahat samin. Yung mga costumer at iilang mga trabahante.
Nakita ko si Felicity na kakapasok lang sa cafe at papalapit na saamin at nag-alala ang kanyang mukha.
"Melody, okay ka lang?" Tanong niya sakin. 'Di naman ako sumagot at humikbi nalang.
"Tita?" Gulat na tanong ni Felicity.
"Please, Yuri baby. Mag-usap tayo." Pagmamaka-awa nito at umiyak.
Tinignan ko siya ng malamig at pinunasan ang luha ko. "Wala na po tayong pag-uusapan, Ma'am" diing sabi ko na may halong hinanakit.
Narinig ko ang pagsinghap nila Felicity at ni Mama.
Umalis nalang ako at pumunta sa labas.
Paglabas ko kinuha ko ang CP ko sa bulsa at tinawagan si Renz. I want to see him.
'The number you have dialed is now unattented'
Ilang ulit ko pa itong tinawagan pero iyon parin ang naririnig ko lagi.
Ugh! Kung saan na kailangan ko siya, wala siya! Nakakainis. Bakit ngayong week na ito ang lamig niya saakin?!
Umupo nalang ako malapit sa kalsada at umiyak.
Ito na naman ako. Nag-iisa.
Natatakot na akong mag-isa.
Binaon ko nalang ang mukha ko sa aking tuhod.
Ano bang kasalanan ko at bakit ganito ang buhay ko?
Tumingin nalang ako sa langit at pumikit ng mariin.
'There's a song thats inside of my soul. It's the one that I tried to write over and over again. I'm awake in the infinite cold— “
Hindi na natapos ang pagkanta ko ay biglang tumulo ang luha ko at agad ko ding pinunasan. This song. I used to sing when I'm alone too.
Natandaan ko pa kung paano kami ni Mama at Papa kasaya noon. Wala talagang perpektong buhay. Mama, I'm sorry. Inuna ko ang galit ko kanina.
Biglang may humawak sa balikat ko at naaninag ko ang mukha—
"Terence?"
Lumuhod naman siya para maging pantay kami.
"I'm here. Kahit hindi ko alam ang nangyayari I'm here as your friend," sincere niyang sabi at kita ko yun sa mata niya.
Naluluha ulit ako at bigla siya yinakap.
"Akala ko malakas na ako, pero mahina parin pala," halos naibulong ko na ‘yon at napahikbi.
"Shh," at hinaplos niya ang buhok ko.
Napapikit ako ng mariin. Akala ko si, Renz. Kasi sa tuwing iiyak ako siya ang dadating agadm pero I was expecting too much.
Nang matapos na ang problema ko balik trabaho ako next day at sa susunod at mas naging malapit sakin si Terence at nalaman ko pala na may gusto si Terence kay Felicity
Kaya ayon, ang loka kinilig kasi narinig niya raw at okay naman kami ni Renz at mas lalo ko pa siyang minahal.
Medyo nagtaka parin siya kung bakit di kami magpapahatid sakanya. Kaya sinabi ko nalang na girl bonding.
Marami na rin akong naipon. Kaya nakakatuwa at sana magustuhan niya talaga ang ibibigay ko. Hindi gamit o ano, kundi sasagutin ko na siya. I will surprise him,
Nandito kami ni Renz ngayon sa library att gusto niya talaga ang photography. Pinakita niya kasi saakin ang lahat na puro stolen photos ko. Napasimangot pa ‘ko dahil ang papangit ko pa doon halos.
"Delete mo nga 'yan," bagot kong sabi at napanguso.
"Ayaw ko nga. Kiss mo muna ako," asar niya at napalabi.
Tinulak ko ang noo niya. "Gago." binilatan ko siya.
Tumawa naman siya ng mahina at hinalikan ako sa labi. Smack lang. Napasinghap ako at nanlalaki ang mata.
Sasapakin ko sana siya ng tumakbo siya palabas ng library.
Grr! Kinuha ko muna ang mga libro ko at hinabol siya. Napailing nalang ako na makita ko siya nagtatago sa isang locker. Nakita ko naman ang sapatos niya.
Napatawa nalang ako. Sa likod ako dumaan para hindi niya ako makita. Nakita ko siyang sumisilip. Ang cute niyang tignan.
Tumalon ako sa likod niya at ginawang piggy back ride.
"Wooh!" Tumili ako sa likuran niya nung nakasakay na ako.
Tumawa nalang kami pareho at 'di parin ako bumaba sa likod niya
"Thank you, my prince. For everything," bulong ko sa tenga niya. You always make me happy.