CHAPTER TEN
One week na ang lumipas at birthday na ni Renz at nakabili na rin ako ng birthday cake, excited na ako para mamaya dahil sasagutin ko na siya.
Nandito kami ngayon nakatambay sa coffee shop ni Felicity.
"Talaga bang magresign kana?" Naiiyak na tanong ni Lovely.
Ngumiti namam ako sakaniya at yinakap siya. "Oo eh," malungkot kong sabi.
Bumitaw na kami sa yakap. Nakita ko siyang umiiyak, napatawa nalang ako at pinunasan ang luha niya.
"Don't worry, bibisita ako dito. bumalik kana sa trabaho madaming costumer oh," nginuso ko si Terence na nahihirapan kasi and daming tao dito ngayon.
Tumawa ito. "Aasahan ko ‘yan," sabi niya at tinapik ang balikat ko at bumalik doon sa working station niya.
Bumalik nalang ako kay Felicity na nakaupo at nag-cecellphone.
Umupo ako sa harap niya. "Magugustuhan niya ba ‘yan?" Kinakabahan kong tanong.
"Oo naman. Galing yan sa mahal niya eh," masayang sabi niya.
Nakita niya yata akong kinakabahan a hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa mesa at tinignan ako ng seryoso. "Don't worry. Sasamahan kita."
Napangiti nalang ako at kinuha ang cellphone ko at nag tipa ng mensahe.
[Happy Birthday, Renz. I love you!]
Agad ko iyon senend. Ilang minuto din ako naghintay pero wala akong natanggap na reply niya, baka busy lang iyon kaya hinayaan ko nalang.
Nang nakarating na kami sa eskwelahan ni Felicity ay puro daldal lang ito tungkol sa mga gusto niyang bilhin sa mall at nakikinig lang ako sakaniya, pero may hinahanap ang mata ko.
Ngitian naman ako ng iilang estudyante kaya ngumiti din ako sakanila.
Itong nakaraang araw, sina Bianca at Tita ay hindi na ako pinapansin sa bahay. Nagtataka na nga ang ilang mga kasamahan ko doon.
Dumiretso na kami sa Garden kasama si Felicity, dahil maaga pa para sa first subject namin. Tsaka dito na ang tambayan naming tatlo kapag may vacant.
"Baka nandiyan siya," sabi nito sakin.
Bigla kaming napahinto nang nakita ko si Bianca at Renz. M-magkasama? Anong ginagawa nila?
Lumapit kami ng ‘onti pero nakatago parin kami sa isang kahoy.
"Anong ginagawa nila?" Mahinang tanong ni Felicity sakin.
Nagkabit-bakikat nalang ako. Wala akong naririnig dahil hindi ito nagsasalita.
Napasinghap ako ng pinulupot ni Bianca ang kamay niya sa leeg ni Renz at umupo ito sa kandungan at biglang hinalikan! Nanlaki ang mata ko sa nakita.
Naramdaman ko na hinawakan ni Felicity ang kamay ko para pakalmahin ako.
Napatakip ako sa aking bibig ng nakita kong tumugon si Renz sa halikan nila.
A-ano? Sila na ba? Nanginginig ang buong katawan ko sa gigil.
"Y-yuri," bulong ni Felicity sakin. Puno na ng pag-alala ang mukha nito.
Lumapit ako kila Renz at Bianca, napatingin silang dalawa saamin at nakita ko pano tinulak ni Renz si Bianca.
Bigla kong nabitawan ang cake nang makita ko ang pang-itaas na umiporme ni Bianca ay bukas at nakita ang b*a niya.
Biglang tumulo ang luha ko anong kagaguhan ito?!
"Y-yuri, I can explain," kinabahang sabi niya at nagtangkang lumapit sakin.
Umatras naman ako. "A-ano to?" Nanginginig na ang boses ko.
Nakita ko ang pag buntong hininga ni Renz, naramdaman kong lumapit rin si Felicity sakin.
"I'm sorry, Yuri. Pero kami na ni Bianca. Ang hina mo kasi. Hindi ka marunong humalik," mabilis niyang sabi at tinignan ako. Tinignan ko din siya pabalik at akala ko nagbibiro ito pero hindi. Para na akong mahihimatay dahil nanginginig na ang tuhod ko.
Narinig ko ang pagsinghap ni Felicity at hinihila na ako.
Sa narinig ko biglang tumaas ang dugo ko sa ulo.
"What the Hell?! Halik lang ba ang problema mo sakin?!" Sigaw ko sakaniya.
Nakita ko ang pag-ngisi ni Bianca. Susugod na sana ako ng hinawakan ni Felicity ang kamay ko para pigilan ako sa plano ko.
"No, ayoko din sayo. Bianca and I are in a relationship. I love her so much,” aniya ng seryoso at tinignan ako sa aking mata. “Naawa lang ako sa iyo, dahil lagi lang kitang nakikitang umiyak,” dagdag nito.
I felt a pain in my heart, naawa lang siya saakin? Ang sakit dahil iyon lang ang reason niya?
Pinunasan ko nalang ang luha ko. Bakit 'di nauubos ang problema ko?
He's my first love for goddamn sake. Pero sinaktan niya din ako, I choose him dahil akala ko totoo na iyon, sinugal ko kahit natatakot akong mahulog. Pero totoo talaga, love doesn’t exist for me.
"Stupid assholes," bulong ko.
"W-what?" Kumunot ang noo ni Bianca. "Did you just cuss at us?"
"Yes," malamig kong sabi sakanila. Nakita kong natigilan silang dalawa, never in my entire life cursed like that before.
Hinila naman ako ni Felicity pero 'di ako nagpapatinag.
"So, pinaglalaruan mo lang ako?" Tanong ko sakaniya at tinignan siya ng seryoso sa mata.
"Yes." Taas noong sabi ni Bianca.
"Shut up! Hindi ikaw ang kausap ko," sigaw ko kay Bianca at mukhang natakot naman siya kaya tumahimik at tinignan niya lang ako ng masama. Takot naman pala 'to eh.
Tiningnan ko ulit si Renz na nakatingin lang sakin.
"Sagot!" Sigaw ko ulit. Tama na! Masakit na talaga ang puso ko.
"Oo. I played you. I fooled you" mahinang sabi niya at sapat na yun na marinig ko. Paulit ulit niyang sinasabi at hindi niya alam grabe na talaga.
"Aba, walanghiya kang gago ka!" Sigaw ni Felicity at akamng susugod pero pinigilan ko.
Yumuko naman si Renz. Si Bianca naman ay nakahalukipkip lang at tinignan kami na parang mga kawawa.
"Hey! Thanks for hurting me," sarsatic kong sabi at ningitian sila. Curse them.
"Welcome," sabi ni Bianca at binelatan ako, siniko naman siya ni Renz.
Tinignan ko ng matalim si Bianca. "I'm not talking to you. So better shut your f*****g mouth! You're so immature," diing sabi ko sakanya.
Susugod na sana siya pero hinila siya ni Renz at ikinulong sa kaniyang bisig. Parang nasaksak ng paulit ulit ang puso ko sa nakitang hinawakan position ng dalawa.
“Ang kakapal ng mga mukha nilang dalawa,” bulong ni Felicity sa tabi ko.
Biglang lumapit si Renz sakin. "I'm sorry," tinignan ko siya sa mata. Ang inosenteng mata na gusto ko isa palang kasinungalingan.
I gave him my cold stare. This is me. I'm emotionless nung nawala ang lahat sakin.
Nagulat naman siya sa inasta ko. 'Di ko nalang siya sinagot at umalis nalang at hinila ko si Felicity na mukhang nag-alala sakin.
Paglabas namin sa campus "Hindi muna ako papasok ngayon," sabi ko sakaniya at nagbuntong hininga.
"Samahan muna kita," sabi niya sakin. Umiling nalang ako bilang sagot.
"Bigyan mo nalang si Ma'am ng excuse letter ko," sabi ko sakaniya at nagsimulang maglakad palayo.
Bumuga naman siya ng hangin. "Text me okay?" sabi niya. Nag okay sign nalang ako sakaniya.
Nang nakalayo na ako sakaniya ay napayuko ako. San ako pupunta? Kung sa bahay naman makikita ko si Bianca.
Nagbuntong hininga nalang ako at kinuha sa bag ang isang card na binigay ni Terence noong umiyak ako dahil kay Mama.
Ito nalang ang kailangan ko. Kailangan ko siyang makita ngayon.
Nagpara ako ng taxi at sumakay. Sinabi ko sa driver kung sana ako pupunta.
Sumandal ako at pumikit ng mariin. I hope last na ‘tong problema ko. Nakakapagod na.
Nang naka baba nako, medyo malayo yung lugar na ito.
Pumasok ako sa isang village. Malaki siya at lahat yata puro mayaman ang nakatira dahil sa naglalakihang mga bahay.
Nang nakita ko na ang address number ay napapangaga ako sa nakitang bahay, ang laki naman.
"Sino po sila?" Tanong ng nasa intercom. Gulat naman akong napatingin doon sa gate.
"Yuri Gonzales po" sabi ko doon.
Wala na akong ingay na narinig at maya-maya biglang bumukas ang gate, ang hightech naman. Pumasok nalang ako at nung nasa pinto nako kumatok na ko.
Mayaman na talaga siya. Napabuga nalang ako ng hangin, I hope tama itong desisyon ko.
Biglang bumukas ang pinto at pumikit ako ng mariin at tinignan yung tao sa pinto.
"Pwede po bang makituloy dito, Mama?"