CHAPTER ELEVEN
Fourteen years later.
Sa labing apat na taon, isa na akong Doctor at specialist ko ay Cardiologist.
Sa labing apat na taon, mas naging malapit ako kay Mama at sa pamilya niya, alam ko na kung bakit iniwan niya ako. Actually hindi niya talaga ako iniwan. Pinalabas lang ni Tita na iniwan ako ni Mama. Pero ang totoo naghahanap si Mama ng pwedeng matutulugan namin kasi inangkin na ni tita ang bahay at hindi na ito nakabalik dahil sa isang aksidente.
Ang totoong may-ari ng bahay ay si Papa. Dahil sa away nina Mama at Papa, ibinigay ang mga papeles ng bahay kay Tita st si Tita naman ay binenta iyon.
At si Papa, totoo palang may ibang pamilya siya. Habang sila pa ni Mama. Kaya ayun ang pinag-aawayan nila parati.
Yung pamilya ngayon ni Mama, actually tanggap nila ako at masaya ako ‘don. Naranasan ko din ang pagmamahal ng isang pamilya.
In 14 years, sila na ni Felicity at Terence. Ewan ko sa babaeng ‘yon. Habang wala ako sa pinas ay nanliligaw na pala si Terence kay Felicity. Pinaalam lang sakin nila sa Skype noong nakaraan pero ngayong taon na ito hindi ko na sila nakokontak dahil nagiging busy na ako sa trabaho ko.
Nawala ako dito sa pinas, nung pumunta ako sa bahay ni Mama at kinwento sakaniya lahat, doon sa pag-alila sakin nina Tita at Bianca at hanggang sa lovelife ko. Napagdesisyon ni Mama na doon nalang ako mag-aral sa Canada dahil may bahay din sila doon.
Wala na rin akong balita kina Bianca at Tita, speaking of them. I’m still in love with Renz within those years.
And now, I'm going back to Philippines and face again my past problems. But I don't seek in revenge. I just want to go home.
Tinanggal ko ang sunglass ko at hinanap sila. Asan na ‘yon? Lumingon ako sa pailigid.
"Mommy," may humila sa dulo ng skirt ko. Napayuko ako at nakita ko ang isang bata at nakaangat ang mga braso nito dahil gusto niya magpapakarga.
Kinuha ko na siya at kinarga at hinalikan ang noo.
"Ang laki mo na baby ah," sabi ko sakaniya. Umakap naman siya sa leeg ko at hinawakan ang pisngi ko at hinamas niya iyon.
"Yes mommy. And welcome back! I missed you," Masayang bati niya. Napangiti nalang ako sakaniya dahil namiss ko din ang kakulitan niya.
"I miss you too baby. Where's your Moma?" Tanong ko sakaniya.
Narinig ko naman ang paghagikhik niya at tinuro yung nasa likod ko.
Lumingon naman ako. "Ma! Pa! Kuya? Nandito ka? Miss mo ‘ko?" Asar ko sakaniya at lumapit.
"Namiss ka niyan," sabi ni Papa at tumawa. Siya ngayon ang bagong asawa ni Mama. Ang cool nga niya dahil para din siyang teenager dahil game siya sa kahit na anong laro.
Linapitan naman ako ni Kuya na nakasimangot. "Baby, come to daddy," sabi niya kay baby habang karga karga ko.
Siya si Kuya Felix Halford, he’s already twenty-eight years old. Anak ni Papa, may iba kasing pamilya si Papa bago naging sila ni Mama. Kuya Felix is my stepbrother.
At ito ang anak niya, itong karga ko. Si Melody Halford she’s already three years old. Pinangalan niya sakin doon sa Canada. Idol kasi ako sa asawa niya na si Ate Cheska Stewart.
Si Papa ay isang Canadian pati narin si Kuya at Ate Cheska. Kaya doon ako pinag-aral ni Mama kasi andun din nag-aaral si Kuya at Ate Cheska.
"No, Dad. I want my Mommy Yuri," sabi ni Melody at pinalobo ang kaniyang pisngi.
Nagbuntong hininga naman si Kuya. "Hindi pa uuwi si Cheska?" Tanong sakin ni Kuya.
"Susunod siya. Madami kasing patient doon," sabi ko sakaniya at inakap si Melody.
Ate Cheska is a Doctor too! At sa Pedia ito at ako sa Cardiologist. .
My true father? Wala na kaming balita ni Mama. We can’t contact him anymore.
"Mommy. Let's go to the Mall!" Sabi sakin ni Melody. Napatitig ako sa mata niya, at hindi mapigilang mamangha. I really love her eyes, so much.
"No baby. Your Mommy is tired," Sabi ni Papa at hinila ang laguage ko.
Madami kasi akong dala, because I'm staying here for good.
Biglang nagpout si Melody.
"Moma," pagmamakaawa niya kay Mama. Napangiti nalang si Mama.
"Ma. I'm not tired. Samahan ko nalang si Melody," sabi ko sakanila at hinalikan sa pisngi si Melody. Humahagikhik naman siya.
"You sure?" Pag-alalang tanong ni Papa.
Tumango ako at ngumiti "Yes, Pa."
Lumapit naman si Kuya sakin at inakbayan ako. Napatingin ako sakaniya. Napanguso ako, ang tangkad talaga.
"Samahan ko na siya Mom, Dad," sabi ni Kuya na ngumingisi.
Napakunot ang noo ko, I'm sure. Gusto niya mag-arcade.
"Isip bata," bulong ko.
Kinurot niya naman ang balikat ko. "Aray!"
Tumingin sakin si Melody. "Mommy, you alright?" Tanong niya at nag-alala ang mukha nito.
"Oo naman," sabi ko sakaniya at tinignan ng masama si Kuya. Nakita ko ang pagngisi nito.
"O’sige, take care. Kami nalang dadala ng laguage mo. Shoo!" pagtataboy ni Mama saamin.
Sinimangutan ko nalang si Mama kaya tumukhim si Papa. "Sige, alis na kayo. Gamitin niyo nalang ang sakyanan ko. Tatawagin ko nalang ang driver namin" sabi ni Papa.
"Yeey! Let's go Mommy and Dad," masayang sabi ni Melody at pumalakpak.
Umalis nalang kami ni Kuya at Melody at hinanap ang sakyanan at agad na sumakay. Sa harap ako sumakay at nasa kandungan ko si Melody nakaupo.
"Oh kuya. Saang mall tayo?" Tanong ko sakaniya at habang pinapatulog si Melody. Mukhang antok na kasi.
"Nakakaasar talaga pag tawagin mo akong, Kuya," nakanguso ito habang nag start na sa engine.
I grinned. "Bakit? Hindi mo ba natanggap noon na magkapatid tayo? At nagkagusto ka sakin noon?" Asar ko sakaniya.
Nagkagusto ito saakin, natatawa parin ako habang naiisip iyon. Unang kita namin ay sa Canada at nag-aaral ako. Hindi ko siya nakikita sa bahay ni Mama dahil nasa dorm ito ng school. Kasama ko noon si Ate Cheska sa school, dahil si Ate Cheska ang una kong naging kaibigan doon.
Nang nasa restaurant ako dahil hinahanap ko ang mga groupmates ko sa science laboratory. Habang naglalakad sa loob ay may nadapa na lalaki at saakin napunta lahat ng pagkain niya. Maraming sorry ang natanggap ko sakaniya hanggang sa school namin at text, hanggang hindi na niya ako tinantanan.
Kaya hanggang nagkaibigan kami noon. Pero nung tumawag si Mama na may kapatid pala ako sa Canada at si Kuya Felix Halford ang kapatid ko at siya iyon.
Kaya agad ko siyang linapitan. Sabi kasi ni Mama at Papa na hindi daw niya alam tungkol sakin, kaya sa excited ko agad ko siyang sinabihan na magkapatid kami.
Nagulat nga ako na ayaw niya akong maging kapatid pero sa huli tinanggap niya rin ako. Pero matagal-tagal din niya iyon tinanggap. Pero mas nagulat ako na may gusto pala siya saakin.
Hanggang sa nakita niya si Ate Cheska at agad siyang na love at first sight.