CHAPTER TWELVE
Habang nandito kami sa Mall ni Melody at Kuya ay naglakad-lakad lang kami. Karga ko parin si Melody. Ayaw na niya kasing bumaba, si Kuya naman ay naka akbay lang saakin na lumilingon sa paligid.
Napalingon ako sa paligid at agad napasimangot dahil sa mga tao dito. Ang judgemental, iniisip na mag-asawa raw kami. Hindi ba pwedeng magkapatid agad ang iisipin nila?
"Mommy look at that guy! He's wierd." Turo ni Melody.
Napatingin ako doon sa tinuro niya.
Yeah right. He is really wierd. He’s wearing a big black jacket at nakasumbrero at at nagtatago sa isang poste.
Tumingin naman siya sa deriksyon namin at nabigla yata dahil nakatingin kami sakaniya. Nagtago uli ito at tumalikod.
"Yeah right baby, let's go. Maybe he's playing with his friends," sabi ko sakaniya.
Siniko ko naman yung tabi ko na tinitignan ang mga sapatos.
"Kumain nga muna tayo. Gutom na kami," sabi ko at ngumuso.
"Me too, Dad," gumaya din saakin si Melody na nakanguso.
Tumingin samin si Kuya. "Haay, ewan ko sainyo. Kakakain niyo lang at kakain ulit, really?" Parang hindi makapaniwala ang mukha nito.
Hindi nalang kami sumagot. Ngumuso ako lalo at gumaya din si Melody na naka cross arms.
Nagbuntong hininga naman si Kuya at kinuha na si Melody saakin. "Let's go," aya niya saamin at pumunta sa direksyon ng Jollibee.
Pagpasok namin agad na kong humanap ng vacant sit at sumama sakin si Melody habang si Kuya ay nag-oorder.
Pagkaupo ko napatingin ako sa parang may standee at biglang nanlaki ang mata ko.
Is that him?! Yung picture?! Napailing nalang ako. Baka kamukha lang niya.
"Melody?!" Sabay kaming napalingon ni Baby sa sumigaw.
Paglingon ko si Felicity at kasama si Terence.
Ngumiti nalang ako sakanya at kumaway. Napatingin saamin si Terence at kay Baby Melody na nalilito.
Hindi kasi alam nila ang nangyari sakin doon sa Canada. Ang nalaman lang nila umalis nako dito sa pilipinas at nag-aaral para makapagtapos. Simula nung nag memedisina ay hindi ko na sila na tatawagan.
Hinilila naman ni Baby Melody ang damit ko.
Kaya kinuha ko siya doon sa upuan ng pambata at pinaupo sa lap ko.
"Mommy, who are they?" Tanong ni Melody at tinuro sila.
"My friends, baby" sabi ko.
Lumapit samin si Felicity at nanlalaki ang mata nakasunod lang naman si Terence sa likod niya. Kita ko ang gulat sa mukha nila pareho.
Biglang binagsak ang kamay ni Felicity sa table namin at tinignan ako ng masama. "Anak mo yan?! May asawa kana sa Canada?!" Sigaw niya. Napatingin naman ang ilang tao dito samin.
Biglang umakap sakin si Melody at sumiksik na parang natatakot. I straightened my face. Ang OA niya talaga kahit kailan.
"Yes, and I'm his husband," seryosong tono ng boses sa likod namin kaya napalingon kami lahat sakaniya.
Ugh. My brother. Napatampal ako sa aking mukha. Ang hilig niya talagang sakyan ang lahat para lang ipakita na mag-asawa kami o ‘di kaya mag boyfriend o girlfriend. He’s just too overprotective especially sakanila Melody at Ate Cheska.
Lumapit samin si Kuya at inilagay ang tray niyang dala. Narinig ko ang pagsinghap nina Terence at Felicity.
"Daddy," napatingin naman si Kuya kay Baby at kinuha at kinarga.
"So what's the problem?" Tanong ni Kuya.
Umiling naman si Felicity at tinignan ako ng 'explain-to-me-or-else' look.
Napalunok nalang ako ng laway dahil natakot ako bigla sa aura niya. Hinila ni Terence ang tenga ni Felicity.
"I'm sorry. Alis na kami," sabi ni Terence at umalis na sila habang hila-hila parin ang tenga ni Felicity na nakangiwi na dahil sa sakit.
"Kuya. Puntahan ko muna sila ah. Balik ako agad" pag-paalam ko.
Tinignan niya ko "Be sure na babalik ka and please say I'm your husband," sabi niya at ngumisi.
Tumango nalang ako at sumimangot at kinawayan si Melody na kumakain na ng fries.
Hays Kuya, ang lakas ng topak mo.
Pag labas ko naroon na si Felicity sa labas na naka cross arms at tinignan ako ng masama. Si Terence naman may kausap, yung lalaking wierd?
"What?" Tanong ko agad sakaniya.
Tinaasan lang niya ako ng kilay. "Wtf Melody? Asawa at anak mo yun? Ba't di ko alam? Paano nalang si Renz?" Hiyaw niya.
Napangiwi nalang ako sa tinis ng bosses niya at did she say Renz?
"Renz?"
Bigla naman siya nataranta. "Ah w-wala. Hehe"
Napatingin ako sa kinaroroonan ni Terence na kausap yung wierd guy? Kakilala niya yata ‘yon. Baka sila ang dahilan kung bakit nagtatago yung lalaki.
"But, Melody. Asawa at anak mo talaga yung nasa loob? Ohmygod!" Natawa nalang ako dahil nag hi-hysterical siya.
"Oh please, Stop doing that." Natatawang sabi ko at inirapan siya.
Walang kupas, makulit parin siya at namimiss ko ‘to.
"Oh, tignan mo!" Tinuturo pa niya ako. "Nag eenglish speaking kana! Dahil diyan sa pamilya mo nag eenglish kana!" Tapos sinasabunot na niya ang buhok.
Napasimangot nalang ako sa inasta niya. Tss, napatingin naman ako sa paligid dahil napatingin na saamin ang iilang tao.
"Mommy."
Napatingin naman ako na may humihila sa skirt ko. Nang tinignan ko siya nag open arms siya para kakargahin ko. Ang cute niya talaga, mana saakin.
Kinuha ko naman siya. Kaya napatingin ito kay Felicity.
"Hello! My name is Melody. And you are?" Masayang bati niya na may kasamang pagka british accent since nagbakasyon kami doon kaya nahaluan din ang accent nito. Makikita mo din talaga na may lahi siya. Napangiti nalang ako. Ang friendly talaga niya.
Napatigil naman si Felicity at tinignan ako ng masama.
"I'm Felicity. I'm your Mommy's bestfriend," nakangiting bati niya kay melody pero pagtingin uli sakin ay sumama uli ang tingin niya.
"Pinangalan mo pa talaga ang tawag ko sayo sa anak mo ano?" Gigil niyang sabi kaya binelatan ko siya. Nakakatuwa talaga dahil ang pula na ng pisngi niya.
"Mommy, Dad said that Mom is going home tommorow," masayang sabi nito sakin kaya napatingin ako kay Melody.
"Really?" Takang tanong ko. Bukas agad? Akala ko mga next week pa.
"Yup. Mom, I'm sleepy" humihikab ito at yumakap sa leeg ko at doon inihiling ang ulo niya.
"Care to explain? Sinong Mommy?" Nalilitong tanong niya.
"Hmm. Sino nga ba?" I grin. Nakita ko naman ang paglalaki sa mata niya at sinuntok niya ang hangin.
"Yes! May pag-asa!" Sigaw niya.
"Who?" Tinaasan ko siya ng kilay. Kanina pa ‘to wierd.
"Nevermind. Hey, samahan mo ako mamaya sa concert I'm sure magsasaya ka dito!" Nakangiting sabi niya habang winagayway ang ticket.
Titignan ko sana ng tinago niya uli sa bag. Napasimangot nalang ako.
"Sinong mag coconcert?" Tanong ko.
"Basta, no buts. Sama ka saakin mamaya. Kita nalang tayo sa Grand View Hall. Alas nwebe ng gabi. Bawal malate. Bye!" Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi at tumakbo.
Napailing nalang ako, ang kulit.