Chapter 2

3471 Words
May ngiti akong lumabas ng pinto. Nagtungo ako sa office, when I opened the door,I caught up with the old man sitting in the swivel chair, his face was serious. "hi dad"nakangiting bati ko tinanaw lang nya ako at muling itinutok ang mata sa kanyang laptop.Dumiretso ako't naupo sa harap ng kanyang table at nagdikwatro. "Dad is there a problem, why did you call me" I asked him. He closed the laptop and looke at me. "Hanggang ngayon ay hindi pa din matagpuan ang nawawalang anak ng Tita Liberty mo"malungkot na saad ni dad.. "Who is its Everly or her younger daugther they hid for a long time that no once knows who's her until now." i asked my father "both of them son"napabuntung hininga pa si daddy sa isiping iyon "Dad why are you bothering other's people problema"inis kong tanung. "What did you say, do you know that we are very indebted to the Castillo family, they helped me when I was down. We are very grateful to them, so I promised at your aunt Liberty's grave that I would do everything for her two daugther"galit na saad ni daddy napa suntok pa sya sa lamesa. "ok dad I will try to help" tinaas ko pa ang akin dalawang kamay para matapos lang usapang ito baka kasi pag kinontra ko pa si daddy sakin nanaman mabaling ang init ng ulo nya. "don't try, David gawin mo alam kong maraming kang alam dahil sa mga kawalanghiyaan pinaggagawa mo sigurado ako isa sa mga iyon ay nakakaalam kung nasan ang magkapatid Remember what happened to your twin it all your foult."Galit na pahayag ni dad. nasaktan ako sa pahayag ni daddy pero hindi ko na ito pinansin. "dad I'm sure Everly was hiding, eh yung youngest sister nya susubukan kong mag imbestiga. Wala pa ba kasing nakakakilala sa babaeng iyon. Hindi nyo tawagan ang pinakamagaling nyo investigator ng makakuha tayo ng lead"mahabang paliwanag ko. "kinausap ko na si Molly para investigahan ang nangyari sa batang anak ng tita mo, kutob ko may kinalaman ang step sister ng tita Liberty mo at ang asawa nito sa biglang pagkawala ng anak nyang bunso"malungkot na pahayag ni daddy "ok dad i'll do my best to find her"nagpaalam na ko nagtungo na ko sa pinto palabas. Hinilot ko pa ang ulo ko,"nakakastress si daddy pinarusahan na nya ako dahil sa nangyari pati ba naman problema ng iba sakin pa nya idadagan hayyst". napabuntong hininga ako sa isiping iyon. Bumalik ako sa stop house bago ko kinatok ang pinto ay huminga muna ako ng malalim para kumalma.Binuksan na nya ang pinto. "are you ready" bungad ko "oo pero kumain na muna tayo pinagluto kita"nakangiting sabi nya sabay hatak sa kamay ko nagtungo kami sa kitchen. "bakit nag luto ka pa sana sa mall na lang tayo kumain nagpakapagod kapa"sabi ko habang hinihila nya ko papasok sa kusina "hayaan mo na saka para makatipid ka baka wala nang matira sa sweldo mo." ikinuha nya ko ng plato at sinandukan iyun ang bango ng amoy ng adobo bigla akong nagutom. "merun pa naman wag ka mag alala"sumubo ako ng inihain nya sakin "hmmm masarap ah"nanlaki mata ko sarap ng nalasahan ko.ngumiti sya "totoo" parang bata nyang sagot "oo promise masarap ka palang mag luto."puri ko pa sa kanya "sige na naniniwala na ko"tumahimik na kami at ipinagpatuloy ang aming pagkain."ganito kaya ang pakiramdam ng may asawa kang uuwian at mag aasikaso sayo ang sarap pala" bulong ng isip ko. sana hindi kana umalis sa tabi ko Kim kung kaylangan kitang itago gagawin ko wag kalang mawalay sakin" tinitigan ko sya. Hindi kaya sya ang sinasabing anak ni tita Liberty na itinago para paprotektahan. o nag kataon lang na same surname sila" maari naman yun magkaaplido pero hindi magkamag anak." pero hindi ako makakapayag na mawala ka sakin kung ikaw man o hindi ang babaeng iyon sisiguraduhin kong hindi ka mawawala sa tabi ko. "may dumi ba ko sa mukha" sabi nyang nagpabalik sa realidad ko.nasamid ako sa pagkagulat inabutan nya ko ng tubig at hinimas ang aking likod. Ibang pakiramdam ang idinulot ng paghimas nya sakin likod. Libo libong bultahe ang dulot ng ginawa nya sakin napalunok ako. "ok kalang ba dahan dahan lang kasi parang ngayon kalang nakatikim ng chicken adobo eh"birong sabi nya. ibinaba ko ang kubyertos at inabot ko ang isang kamay nya. Hinawakan ko yun at hinalikan nabigla sya sa ginawa ko hinatak nya ang ang kanyang kamay. "I'm sorry"bulong ko "ah eh ok lang" tipid syang ngumiti "kala ko kasi ulam pa yan eh amoy adobo eh"biro ko sa kanya nanlaki ang mata nya hinapas nya ko sa balikat "grabe ka naman kakaligo ko lang eh" sabay irap nyang sabi "biro lang naman iba ka palang biruin nanakit kasakit kaya ng hampas mo"sabay himas ko sa balikat ko "ay sorry na"hinimas nya uli ang balikat ko lalong nag init ang nararamdaman ko.Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at nagmamadaling pumasok sa banyo. Naligo akong muli pinahupa ko ang init na nararamdaman ko sa kanya. Tumapat ako sa shower hinayaan kong dumaloy ang tubig sa katawan ko."s**t bakit iba ang dating mo sakin" mura ko napahilamos ako sa basa kong mukha. Nagtagal ako sa banyo dahil hindi mawala wala ang init na raramdaman ko. Nang humupa na lumabas na ko at mabilis na nagbihis. Lumabas ako ng kwarto nakita ko syang nakaupo sa sofa at nag babasa. lumingon sya ng maramdama nya ang presensya ko. "kala ko hindi na tayo tutuloy eh"nakangiting sabi nya. "pasensya na natagalan ako hindi kanaba mag papalit ng damit"titignan ko sya naka redshirt at walking short naka rubber na rin sya "ok na to sa mall lang naman tayo pupunta baka pag nagpalit pa ko eh bukas na tayo matuloy"tumayo na sya " halika na"inabot ko ang kamay nya nagsuot lng ako plain white shirt at pants maong.inaya ko na sya palabas.Inakay ko sya sa isang kotseng nakapark napahinto sya at lumingo sakin tinging pagtataka "woh woh tinaas ko pa ang isang kamay ko iniisip mo bang akin ito" natatawa ko sa reaksyon ng muka nya, hindi sya sumagot. " kay boss ito pinahiram lang sakin"pagpapaliwanag ko, ngumiti sya "sobrang bait naman ng boss mo para ipahiram sayo ang ganito kamahal na sasakyan. Tapos stop house mo pangyamanin ang style anu ba boss mo girl." tinitigan nya ko ng kakaiba hinarap ko sya sakin "nagkakamali ka sa iniisip mo lalaki ang boss ko at matanda na" titigan ko sya sa mata ngumiti ako at pinisil ko pa ng pahagya ang ilong nya. "tara na " pinagbuksan ko sya ng kotse inayos ang sitbelt amoy na amoy ko ang hininga nya kita ko ang pag lunok nya ng magkalapit ang mukha namin. gusto ko sya halikan nilabanan ko ang pagnanasa na matikman ang mapupula nyang labi, isinara ko ang pinto at umikot ako sa driver sit. pinaandar ko na. Habang tinatahak namin ang daan patungo sa aming disternasyon, Nagkuwentuhan kami about sa past life namin. Sa mga naikwento nya sakin ay mas lalong lumakas ang kutob ko na sya ang itinagong anak ni tita Liberty. Naalala ko ang ikinuwento nya sakin about sa pag benta sa kanya ng kanyang tita at tito. humigpit ang hawak ko sa manibela at nag tagis ang mga bagang ko." humanda kayo sakin pagbabayaran nyo ang ginawa nyo kay Kim" bulong ng utak ko "Hey! David natahimik kana dyan" sinulyapan ko sya at nginitian "may naalala lang ako" nasa parking area na kami ng mall ipinark ko ang kotse at agad bumaba para pag buksan sya. hinawakan ko ang kanyang kamay at nagdiretso na sa entrance nag patianod lang sya sa ginawa ko. Ipinamili ko sya nung una ay tumatangi pa sya pero ako padin ang nasunod. namili din kami ng stock sa ref. Ilang araw din kasi ko mawawala para hindi na sya lumabas pag bibili ng pagkain nya, aalis ako dahil ngayon ko na aasikasuhin ang ipinagagawa ni daddy.Hindi na ko dapat mag aksaya ng panahon. Kumain muna kami bago umuwi. Dahil sa pagod ay madali kaming nakatulog nung una ay nagkwekwentuhan lang kami na parehong nakasandal sa head board hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Halos hindi ko pa maidilat ang aking mga mata sa antok. Pakiramdam ko naiihi na ako may mabigat na bagay na nakadagan sa puson ko, ramdam kong ring may mainit na hanging dumadampi sa muka ko. Pilit kong idinilat ang aking mga mata. Tumambad ang gwapong mukha ni David na nakaharap sa akin at nakayakap. May kakaiba kong naramdam sa ayos naming iyon.Halos hindi ako makahinga sa kabog ng puso ko. Hindi ako makagalaw dahil iniisip ko na baka magising sya. Pero hindi ko na matiis ang pantog ko dahan dahan kong inalis ang pagkakayakap nya sa akin. May ngiti ako sa labing tumayo sa kama at nag tungo sa banyo para mag bawas. Muli akong bumalik sa kama kinuha ko ang blanket at ikinumot sa kanya,maingat akong nahiga sa tabi nya ng patalikod. Naramdaman ko nalang na gumalaw ang kama dumikit sya sakin at niyakap muli. Hindi ako kumilos pagil ang aking hininga iniisip ko na baka tuluyan na sya magising. Nararamdaman ko ang init ng kanyang hininga na dumadampi sa aking batok may libong kuryente ang gumapang sa buong sistema ko. Hanggang tuluyan na kong lamunin ng antok. Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana. Kinapa ko ang tabi ko pero wala ang inaasahan ko. Inisip kong panaginip lang ang nangyari kagabi sinilip ko ang gilid ng kama kung may nakalatag bang comporter na hinihigaan nya ngunit wala malinis iyon nilingon ko ang tabi ko kita ko ang unan na ginagamit nya. Napansin ko ang paper na nakapatong sa kama. Note iyon galing kay David Good morning princess Hindi na kita ginising dahil ang sarap ng tulog mo. Ilang araw akong mawawala may inutos kasi si boss sakin. Huwag kang magpapakagutom ha kumain ka sa oras. Icheck mo ang mga pinto at bintana bago ka matulog. wag kang lalabas pag wala kang makakasama. Mag iingat ka. hug ń kisses, DAVID Napangiti ako sa message nya wala sa loob ko ng idinampi ko ang paper sa labi ko. Pero ang isiping ilang araw ko syang hindi makakasama ay nakadama ako ng lungkot. Bumangon ako at nag tungo sa banyo naghilamos ang nag tooth brush. Sinamsam ko lahat ang madumi naming damit gusto kong ubusin ang oras ko sa mag aasikaso sa bahay. para hindi ako mainip at hindi sya mamiss. Nagtungo ako sa kusina palabas sa likod isinigang ko muna ang labahin ko sa washing iniwan ko saglit at nag breakfast. ilang araw na ganun lang ang routine ko pati bedsheet curtain sofa bed nalaban ko nalinis ko na din ang buong house para malibang pero wala paring David na dumating. Naalala ko tuloy ang lalaking nagligtas sakin mula sa kamay ng intsik na yon.Itinago nya ako pinaalagaan sa mga tauhan nya pero hindi na nya ko binalikan kaya muntik na ko marape ng isa sa tauhan nya. dahil sa ispirito ng alak. panu kung hindi na sya bumalik. Napaluha ako sa alalahaning iyon. Hindi ko naman matanung si Manong Ed dahil nahihiya ako. Narinig ko na may kumakatok sa pinto. Sa pag aakala kong si David na yun. Agad agad kong binuksan. Nanglumo ako na hindi siya ang nasa pinto. "magandang gabi Kimberly" bati ni manong ed. " magandang gabi naman po manong bakit po kayo naparito" nakangiting tanung ko "ibibigay ko lang itong ipinabili ni Sir..ni David ngayon lang kasi ako nakagarahe kaya ngayon ko lang nadala" inabot nya sakin ang paperbag kinuha ko at sinilip nanlaki ang mata ko sa nakita. binuksan ko na yan at inilagay ang number ni David bilin kasi nya pag naibigay ko na sayo ay tawagan mo sya agad.Hay naku ang kulit ng bata na yan mayat maya akong tinatawagan eh nag didrive ako." kakamot kamot ulong paliwanag ni manong. Nagpaalam na ito mabilis kong sinara ang pinto at excited kong kinuha ang lamag nag paper bag. Latest model ng smart phone. Agad kong hinanap sa contact list ang name nya.ilang ring lang ay may sumagot na sa kabilang linya "hello" kagat labi kong sabi na nakaupo sa sala "my princess" sabi ni david medyo nalungkot ako. sinu kaya ang prinses na yun hindi na ko nakaimik may namuong luha sa mga mata ko. "hey princess bakit hindi kana sumagot pasensya kana ha hindi ako nakatawag agad ang dami kasing ipinaasikaso ni boss. kanina lang ako nagkaroon ng pagkakataon na tawagan si manong ed nakiusap ako sa kanya na ibili ka ng phone para kahit anung oras na gusto kitang makausap pwede"sabi ng nasa kabilang linya. Lumukso ang puso ko sa narinig ako pala ang tinatawag nyang princess kala ko pangalan ng ibang babae yun. "kamusta kana ba dyan, kaylan ka uuwi ok ka lang ba dyan" sunod sunod ang tanung ko dahil miss ko na sya. "whoo whoow dahan dahan lang ang tanung mahina ang kalaban" natawang sabi nya. bigla kong naramdaman na tumahimik ang nasa kabilang linya "princess I miss you so much" siryoso na nyang sabi lumundag ang puso ko sa nadinig.May narinig akong nagsalita sa kabilang linya ibang tao yun tinawag sya sir david. Bigla itong tumahimik sa sasabihin. Nag pa alam na agad si David sakin. Malungkot kong inoff ang phone pakiramdam ko may kulang sakin pag wala sya. Dalawang lingo na halos ako dito sa stop house ni David. Naalala ko ang aking yaya siguradong nag aalala na ito dahil three month na kaming walang ugnayan. Dahil gabi na naisip kong bukas na tawagan si yaya. Kaylangan ko nang gumawa ng paraan para malaman kung sino talaga ang tao sa likod ng nangyari sa pamilya ko. Uunahin ko ng kapatid ni mommy sa ina. Magbabayad silang mag asawa sa ginawa nila sakin. Tumayo ako sa sofa at nag tungo sa kwarto hindi na ko kumain nag dinner dahil wala akong gana . Nag half bath lang ako at nahiga nagplano ako kung san ako mag sisimula."bakit ako tinago ni mommy sino ang nagtangka sa buhay ko,sino ang pumatay kay daddy para maging dahilan ni mommy na itago ako, bakit si ate hinayaan nya na makasama siya. nasan na si ate" ang dami kong tanung sa utak ko. Nakatulugan ko na ang isiping iyon. POV David Mabigat sa loob ko na iwan syang mag isa sa stophouse. Ilang araw ng wala kaming ugnayan hindi ko alam kung umalis ba sya ,baka sa pag uwi ko wala na sya. Halos mabaliw ako sa isiping iyon. Kahit tawagan ko naman si manong ed ay wala sya maisagot dahil nasa byahe sya ilang araw din sya nalinya sa Visayas.Kanina lang sya nakabalik sa Bulacan. Nag padala agad ako ng pera kay Manong pambili ng phone sa ganun sa bawat oras ay matatawag ko agad sya.Nasa beranda ako hawak ang baso ng alak nakatingin sa kawalan.Nagring ang phone ko dinukot ko iyon sa aking bulsa. Unknown number ang nakaregister. Kinabahan ako ilang ring muna ang pinalagpas ko bago ko sinagot. Bigla bigla ng tumbol ang dibdib ko ng marinig ko ang malambing nyang boses. I miss her, I miss the woman I think I love more than my life."f**cking David! ito ba ang karma mo dahil sa mga babaing pinaikot at pinaglaruan mo"bulong ng utak ko napatingala nakapikit ako. Nagkwentuhan kami dinig kong dumadagundong ang puso ko. I'm happy to hear her soft voice. Nag paalam na ko sa kanya dahil tinawag ako ng isa naming tauhan.Pinatatawag daw ako ni Daddy sa office nya. Dala ang baso ng alak ay dali dali akong nagtungo sa office ni daddy. Kumatok muna ko bago ko binuksan ang pinto.Sumilip ako sa loob nakita ko ang private investigator ni daddy. "come in son" sumenyas pa si daddy pumasok naman ako at umupo sa harap ni molly. Nilagok ko ang natitirang laman ng baso at binaba ko ang baso ko sa mesa ni daddy "what's up bro" nag fist bump kami ni molly. nilingon ko si daddy inabot nya ang brown envelop "what this dad"habang hawak ko ang envelop "open up and you will see what is inside"ipinatong ni dad ang braso sa lamesa nakatingin lang sya sakin. "She's the youngest daugther of your aunt"paliwanag ni daddy. binuksan ko ang envelop at kinuha ang larawan nanginig ang buong katawan ko ng makita kung sino ang nasa larawan humigpit ang pag kakahawak ko dito napatingin ako kay molly at kay daddy. "what happened to her and why did aunt Liberty hide her for a long time, what was her reason".habang titig na titig ako sa larawan. "bago namatay ang asawa ni tita Liberty mo na si Mr. Kim Tan ay nag dadalang tao na pala sya itinago nya iyon dahil magdedelikado ang buhay nilang mag ina dahil pag nalaman ng mga gahamang angkan ni Mr. Tan na may naging anak ito sa babaing kinakasama nito ay paniguradong ipapatay iyon para mapunta sa kanila ang lahat ng kayamanan nito. Lingid sa kaalaman ng pamilya ni Mr. Tan ay naikasal ng lihim si Mr. Tan at si Liberty. Kaya itinago ni Liberty ang anak niya sa malayong lugar ng pangasinan kasama ang yaya nito.Hindi nya ipinagamit ang surname na Tan kung di Castillo para sa kaligtasan nito,pero natrace ang nakaregister sa PSA ay KIMBERLY TAN.Ngayon ang hinahanap ng pamilya ni Mr. Tan ay si Kimberly Tan.Ngunit nang malamang ni Kimberly na namatay sa aksidente ang mommy nya lumabas ito sa lugar na pinagtaguan sa kanya ni Liberty.Pumunta ito sa burol at bigla nalang nawala ang batang iyon at sa hanggang ngayong ay hindi matagpuan."matamang nakikinig ako sa sinasabi ni daddy tahimik lang na nakatanaw sakin si Molly. Matagal na katahimikan hindi ko alam kung dapat ko bang ipaalam kay daddy ang nalalaman ko.Kinausap pa ni daddy si Molly hindi ko na maintindihan ang kanilang pinauusapan dahil sa daming gumugulo sa utak ko. Nag paalam na si Molly ng masigurado kong kami nalang ni daddy ay humarap ako sa kanya. "Dad! i know her"bulong kong sabi sa kanya. "what did you say"napatayo ito sa pagkabigla at naidiin ang dalawang palad sa ibabaw ng mesa. "yes dad I know Kimberly Castillo and I known where she is" kita ko ang tiim bagang ni dad na titig na titig sakin.Sinabi ko sa kanya kung panu napunta sa puder ko ang nawawalang anak ni Tita. "How about Everly did you find her"nakakunot noo na tanung ni dad sakin. Everly Castillo was adopted by her aunt Liberty when she was single she found Everly on the road it was only three years old she didn't find its real parents of her, so she took care of it. "yes dad she is in another country she has her own family" " eh bakit umalis sya ng walang paalam anu ang kanyang dahilan"pagalit na tanung ni daddy. "I still don't know the real reason why she left,yun po ang aalamin ko." marami pa kaming pinag usapan ni daddy at nag plano kami kung panu mababalikan ang mga taong nagbalak ng masama sa babaing nasa puso ko. Nagpaalam na ko kay daddy at nagtungo sa kwarto ni mommy ganun padin sya still in coma kumuha na lang si daddy ng private doctor and nurse para may mag asikaso kay mommy sa bahay. Lumapit ako sa kanya tinitigan ko ang walang malay kong ina. Hindi ko namalayang tumutulo na ang luha ko sa awa saking mahal na ina."sorry mommy it all my foult, please mom gumising kana". pinunasan ko ang aking mga luha yumuko ako at hinalikan sya sa noo tumalikod na ko at nag tungo na palabas ng bahay. Sumakay ako sa sport car tinungo ko ang Casino oras na para maningil. Nasa parking area na ko ipinark ko ang sport car ko bumaba ako at nag diretso sa entrance dahil kilala naman ako ng guard ay agad akong pinapasok. Hindi ako nabigo ng makita ng aking mga mata ang mga taong hinahanap ko. Kita ko sa mga mukha nito na balisa ang mga ito. may tumayong isang player sa table nila agad akong lumapit at naupo. "Mr. Domingues" agad kong sabi katabi nito ang asawa nya tinitigan ko sila. Kita ko ang pag kagulat ng mga ito nanlaki ang mata at namutla. Nagkatingin pa ang mag asawa kita ko ang pag nginig ng kamay ni Mr. Domingues na hawak ang card. "mi..mhi mister Ah ah Aguilar" kandabulol nitong sabi.Bumaling ako sa asawa nitong pigil ang hininga nitong nakatingin sakin. "Mrs. Domingues where is the woman you are offer to me, I will buy her, Name your price." I smiled at her foolishly. nanlaki ang mata nya sa narinig. " I'll give you one week para dalhil ang babaeng sinasabi nyo or else alam nyo na mangyayari." tumayo ako inayos ang aking suot saka tumalikod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD