CHAPTER1
Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa takot at hinang hina pinipilit ko paring makalayo sa lugar na pinagdalhan sakin. Hindi ko alam kung anung lugar ito, basta ang gusto ko lang ay makatakas sa mga humahabol sakin. Matataas na damo at mayayabong na puno ang sinusuong ko, hanggang makarating ako na sa tingin ko ay kalsada. Litong lito na ako hindi alam kung saan pupunta para makahingi ng tulong, huminto ako sa gilid ng kalsada pumikit, tumingala at nagdasal walang humpay ang pag agos ng luha sa aking mga mata
"Lord please help me" bulong ng aking utak.
"Mommy tulungan mo po ako" bulong kong umiiyak.
Pati si mommy ay hiningan ko ng tulong si mommy na kasama na ni GOD sa langit.Nang biglang nagliwanan may mga ilaw na sumilaw sa akin. Hindi na ko nag aksaya ng panahon humarang ako sa gitna ng kalsada at iniwagayway ang dalawang kamay umiiyak akong na humihingi ng tulong. Isang sasakyan ang huminto sa tapat ko nagtungo agad ako sa may pintuan ng sasakyan. Binuksan ng lalaking nakaputing polo at black pants ang pinto ng sasakyan.
"tulungan nyo po ako, parang awa nyo na"nanginginig ang katawan ko't umiiyak.
Kita ko ang awa sa mga mata ng lalaking nakatayo sa pinto ng bus.Magulo ang buhok ko, may natuyong dugo sa gilid ng aking labi. Sira ang aking damit na pilit kong pinag-aabot para matakpan ang malulusog kong dibdib.Bumaba ang lalaking sa tingin ko ay conductor inalalayan ako para pakapanik sa loob ng bus, hindi ko na halos maihakbang ang aking mga paa dahan dahan nya akong iniupo sa gawing likuran ng driver. Nilingon ako ng driver sa front mirron kita ko ang pagkahabag nya, muli nyang itinutok ang kanyang paningin sa kalsada at pinaandar ang bus.Hinubad naman ng lalaki ang kanyang polo at ipinasuot sa akin, tumambad ang maganda nyang katawan sa suot nyo white sando, sa palagay ko ay alaga ito sa gym.Hindi mo iisipin na kundoktor lang ito, dahil sa gwapong muka nito at matikas na pangangatawan..May inabot syang bottled water kinuha ko iyo at nagpasalamat.Titig na titig sya saking mukha.Nakatayo siya sa may gawi ng driver nakahawak sa stainless bar.
"Miss anu ba ang nangyari sayo"basag sa katahimikan ng driver na sumulyap pa sa front mirror.
"may dumukot po sakin"sagot kong nakayuko.Matamang nakatitig lang sakin ang lalaking nakatayo sa gilid ng driver
"Avid dalin natin sa malapit na police station"baling ng driver sa lalaking nakatayo.
"wag po parang awa nyo na baka matuntong nila ako"sapo ng dalawang kamay ko ang aking muka na umiiyak walang tigil ang pag mamakaawa ko sa kanila.Nang may maramdaman akong humahagod sa aking likuran napaigtad ako sa takot.
"miss tahan na wag ka mag alala tutulungan kita"nilingon ko ang lalaking labis na nag-aalala.
"salamat po"impit ang iyak ko at kinagat ko ang aking ibabang labi.
"Avid anu balak mo baka madamay ka dyan"sinulyapan pa ng driver ang lalaking nasa may gilid ko na. Hindi ito umimik tinignan lang nya ito ng masama.
"dadalahin ko sya sa stop house"muling sabi ng lalaki sa gilid ko
"sigurado ka baka magalit ang da...si boss"gulat at may kaba ng bigkas ng driver.
"huwag ka ng mag aalala ako nang bahala don"may kumpyansyang sabi ng lalaking nakatayo.
Naramraman kong may yumuyugyog sa balikat ko sa sobrang takot ay nagsisigaw at nagwawala, hinawakan ng lalaki ang dalawang balikat ko at iniharap sa kanya.
"miss nandito na tayo"sabi nyang titig na titig sa akin.Hindi ko namalayang nakatulog pala ko. Nang mahimasmasan ay inikot ko ang paningin ko nasa loob kami ng bus wala na ang driver. Hinawakan nya ang kamay ko at inalalayan na makatayo.Bumaba kami ng bus naglakad kami patungo sa saradong pinto may dinukot sya sa bulsa na susi binuksan nya ang pinto.May kinapa sya sa gilid switch ng ilaw sa loob.Pumasok kami sa loob namangha ako sa nakita ko hindi ordenaryong stophouse lang ito. Sa ganda ng interior design masasabi mong mayaman ang nakatira dito,pinaupo nya ko sa sala at nag tungo sya sa isa pang pinto pumasok sya duon. Paglabas nya ay may dala na syang mga damit inabot nya sakin.
" miss ito muna suotin mo bukas ibibili kita ng mga gamit"nakangiti nyang sabi.
"salamat po"inabot ko ang color gray tshirt at boxershort.
"halika"hinawakan nya ko sa kamay at iginiya sa pinto na pinasok nya kanina.mas lalo akong namangha sa nakita ko ang ganda ng kwarto. itinuro nya sakin ang banyo.
"maligo ka muna at mag luluto lang ako ng hapunan natin ,tumango lang ako. Tumalikod na ito at nagtungo palabas ng kwarto.Pumasok na ko sa loob ng banyo hinubad ko ang sira kong damit tumapat ako sa shower.Umutulo ang luha ko kasabay ang pag patak ng tubig sa muka ko.Hindi ko lubos maisip bakit napunta ako sa ganitong sitwasyon."sino sila bakit nila ko dinukot. sino ang lalaking kumuha sakin para itago ako bakit nagawa ng mga itinuturing kong pamilya iyon sa akin"tanung ng naguguluhan kong isip.Nag matapos na ko sa paliligo ay kinuha ko na ang towel na nakasabit sa gilid pinunasan ang buhok ko at katawan sinuot ko na ang binigay ng lalaki. Nag makarinig ako ng mahihinang katok mula sa labas ng pinto ng banyo
"miss matagal ka pa ba,lalamig na ang pag kain natin."sabi ng nasakabilang pinto.
Hindi ko namalayan na inabot na ko ng mahigit isang oras sa loob ng banyo. Binuksan ko ang pinto.
"pasensya kana"diretso na ko lumabas sa banyo papalabas na ko sa kwarto ng hinwakan nya ang braso ko. Nahintakutan ako, ngumiti sya ng mapansin nya ang takot na bumalatay sa mukha ko. Inakay nya ko papalapit sa harap ng salamin pinaupo nya ko kinuha nya ang blower at brush. Hinayaan ko sya sa ginagawa nya sinuklay nya ang buhok ko at pinatuyo nakatingin ako sa kanya sa repleksyon ng mirror.Bahagya kong tinakpan ng dalawa kong kamay ang dibdib ko kita ko na nakabakat ang ni**les ko. Nang matapos na sya sa ginagawa nya ay inaya na nya ko sa labas.Inilagay ko sa harapan ang mahaba kong buhok para matakpan ang nakabakat kong nip***s.Nagtungo kami sa kusina ipinaghila nya pa ako ng upuan, kumuha sya ng plato at ipinagsandok ako inabot nya sakin nginitian ko naman sya.Natakam ako sa amoy ng niluto nyang sinigang na baboy Nagsandok na din sya ng para sa kanya naupo sya sa harap ko tahimik kaming kumakain panakanaka nyang kong tinitignan.Nag matapos kami ay pinagpahinga nya ko sa loob ng kwarto.Nagising ako na may nakaupo na lalaki sa gilid ng kama akap akap ako.
"miss binabangunot ka"sabi nya nanghihina ako at pawis na pawis natatakot akong maiwan tinignan ko sya.
"please wag nyo po akong iwan"pakiusap ko sa lalaking nakaupo sa gilid ko
"wag kana matakot miss dito lang ako sa tabi mo"tumayo na ito at nag tungo sa locker kumuha ng damit at pumasok sa banyo paglabas nya ay nakabihis na ito. Naglatag sya ng comporter sa gilid ng kama pinatay na nya ang ilaw at nahiga. Napanatag ang loob ko feeling ko safe ako pag kasama ko sya.Nagising ako na wala na ang lalaking nakahiga sa gilid ng kama bumangot ako at nagtungo sa banyo may nakita kong toothbrush na hindi pa gamit nakasealed pa ito. Kinuha ko iyon at ginamit naghilamos ako lumabas na ko ng banyo. Inayos ko muna ang ginamit namin sa pag tulog at nag tungo na sa labas.Wala ang lalaki nagtungo ako sa kusina ngunit wala sya dun nakita ko sa ibabaw ng lamesa na may nakagayak ng breakfast.Bumalik ako sa sala naupo ako dun.Maya maya ay bumukas ang pinto may pumasok na lalaki
"good morning"nakangiting bati ng lalaki nginitian ko sya.
"kumain kana ba miss"umiling ako lumapit sya sakin at may inabot na mga paper bag.
"Miss para sayo pag pasensya mo na yan ha hinulaan ko lang yung size mo kaya ilan lang muna binili ko"nakangiti ito sabay kamot sa ulo.
"salamat nakakahiya naman sayo pinatuloy mo na ko pina kain ngayon ibinili pa ng personal na gamit"nakayuko akong turan sa kanya.
"wala yun miss by the way I'm David and you are"sabay abot ng kamay nya.
"Kimberly Castillo"kiming sagot ko
"kagabi pa tayo magkasama ni hindi tayo nagkakilala"nakangiti pa na sabi nito.naupo sya sa tabi ko at tinignan ako
"Kim kung hindi mo mamasamain ano ba nangyari sayo bakit nandun ka liblib na lugar na yun."siryoso nitong tanung. Ibinaba ko ang iniabot nyang paperbag sa gilid ng upuan.Tinitigan ko sya iniisip ko kung dapat ko bang pagkatiwalaan ang lalaking ito,kung dapat bang sabihin ko sa kanya ang katotohanan,siguro naman matutulungan nya ko pag nalaman nya.Matamang nakatitig lang sya sakin at nag hihintay ng sagot.
"Galing ako sa pangasinan lumuwas ako sa manila para puntahan ang puntod ng mommy ko. Nang may dumukot sakin sabi ibinenta daw ako ng tito at tita ko sa kanya upang ipambayad sa perang natalo sa sugal ng mga ito."tumutulo ang luha kong nag kukwento nakatitig lang sya sakin at nakikinig.
"Hindi ko maubos maisip bakit ako ibinenta ng mga tita ko sa isang pilipinong intsik para ipambayad sa natalo nila sa sugal. Halos naubos na nila ang naipundar ng magulang ko dahil lulong sila sa sugal"Nanginginig ang kamay ko habang nagkukwento. Hawak na ko ng intsik na yon pinagtangkaan nya ko.Nakarinig ako ng putukan kaya hindi nya naituloy ang masamang balak nya sakin.Hindi halos ako makagalaw naramdaman ko na lang may naglagay ng kumot sa katawan ko. Nanlalabo na ang mga mata.tuluyan na kong nawalan ng malay. Nang magising ako ay nasa ibang lugar nako.May mga lalaking nakamask kaya hindi ko sila nakilala".inabot ako ng halos two month dun hindi na sya bumalik.nag-inuman yung mga tauhan nya yung isa pinagtangkaan ako, kaya natagpuan nyo ko sa lugar na yon."tumutulo ang luha ko,kita ko ang pag igting ng panga nya.He hug me.
stop crying baby, I promise,I will protect you"pabulong na sabi nito. ang sarap sa pakiramdam feeling ko ligtas ako sa tabi nya. Nang mahimasmasan ako inakay nya ako sa kusina at nag agahan.Ako na ang nag prisinta na mag hugas ng aming pinagkainan.
"David hayaan mo na ko. Ito nalang ang tangin maigaganti ko sa tulong mo sakin, maliit na bagay lang ito kumpara sa ginawa mo sakin." nakagiting sabi ko habang nililigpit ang aming pinagkainan
"ok kung ayaw mong magpapigil" pinagcross pa nya ang dalawang kamay na nakatayo sa gilid ko pinanunuod nya ang aking ginagawa.
"David hindi kaya magalit ang boss mo pag nalaman nya may kasama ka dito sa stop house nyo,baka mawalan ka ng trabaho nyan ng dahil sakin"nilingon ko syang may pag aalala.
"wag mo nang isipin yun ako na bahala dun"nakangiti nyang sagot titig na titig sya sakin hindi ko malaman ang nararamdam ko.Titig palang nya parang nanunuod na sa buong kalamnan ko. Naalala ko na wala pala akong suot na undies na conscious tuloy ako mabilis ko tinapos ang pag- aayos sa kusina at nag paalam sa kanya na maliligo lang ako.Naglakad ako patungo sa sala para kuhanin ang pinamili nya sakin.Sumunod sya sakin
"David salamat uli dito ha baka naman naubos na pera mo dahil dito, wala nang natira sa pamilya mo"nahihiyang kong sabi sa kanya
"wag mo alalahanin yun" maraming pang natira"nakatawang pagyayabang nito,
"ang yabang mo"natawa narin ako sa sinabi nya.
"gusto lang kitang pangitiin" sabay kindat nyang sabi. Ang bilis kong nagtiwala sa kanya hindi ko maintindihan kung bakit parang nawala ang mga pinagdaanan ko ng dahil sa kanya samantalang kagabi lang kami nagtagpo. May iba akong nararamdaman para sa kanya.
"wala ka bang pasok ngayon"muling tanung ko.
"wala nandyan na yung katamdem ni manong Ed"wika nya
" anu ka reliver pag may kulang saka ka sasampa sa bus buti may kita kapa"nakataas kilay kong tanung
"ganun na nga minsan konduktor minsan driver mikaniko ganun at madalas boss"nakatawang sagot nito na nakaupo na sa sofa at nakadikwatro.
"totoo ba ang yabang mo ha" tawang tawa ako sa sinabi nya nakahawak na ko sa doorknob ng pinto ng kwarto nilingon ko sya.
"totoo kita mo ngayon boss ako" nandito lang ako sa stop house mamaya lang pupunta ko sa office ng pinakaboss para asikasuhin yung mga kailangan"nakangiting sabi nito.
"ay ewan ko sayo ang yabang mo ,dyan kana nga" natatawa akong pumasok sa kwarto. Dinig ko pa ang malakas nya tawa. Nagdiretso na ko sa banyo para maligo. Iniisip ko kung panu ko babalikan ang mga taong gumawa sakin nun. Si tita at tito ng walang kasing walanghiya.Kailangan ko ding malaman kung anu talaga ang totoong nangyari kay mommy hindi ako naniniwala na aksidente lang ang nagyari sure ako na may foul play sa nangyari. Kaylangan kong tawagan si yaya sa pangasinan para maibalita ko ang masamang nangyari. Mabilis lang akong naligo Napilitan akong lumabas ng banyo ng nakatapis dahil naiwan ko ang damit na binili sakin ni David sa ibabaw ng kama. Nagulat ako may lalaking nakasandal sa headboard ng kama nakataas ang dalawang paa sa ibabaw nito hawak ang phone nya. Naistatwa ako nilingon nya ako titig na titig kita ko ang pag lunok nya. Nag init agad ang katawan ko sa mga titig nya. Namula ang pisngi ko sa hiya. Mabilis kong hinablot ang mga pinamili nya sa ibabaw ng kama nagmamadali akong pumasok sa banyo. Tumatambol ang dibdib ko sa kaba. Kinuha ko ang undies na ternong red kasyang kasya sakin parang alam na alam nya ang sukat ko. tshirt na color red at tinernuhan ko ng short n maong. Nakita ko din na may pares ng sandals rubber shoes at slippers kinuha ko ang slippers yun ang sinuot ko.Humanga ako sa kanya alam na alam nya ang size ko pati sa foothwear ang galing nyang manghula. Lumabas na ako dala ang mga pinamili nya kompleto iyon pati hygine kit merun may lotion pabango at kung anu anu pa. alam kong mahal ang mga iyon base sa mga brand name nito. Dumiretso ako sa mirror upang mag ayos.Kita kong sinusundan nya ko ng tingin. Tumikhim sya kaya napalingon ako sa kanya.
"Mamaya pag galing ko sa office ni boss punta tayo sa mall para makabili kapa ng ibang gamit"tumayo siya sa kama tinungo nya ang banyo. nakahawak na sya doorknow ng muli akong nagsalita.
"ok na toh lalabahan ko nalang agad para hindi ako maubusan ng isusuot, thank ulit ha ang galing mong maghula ng size ikaw ba talaga lahat bumili nito bakit alam na alam mo ang need ng isang babae" nakangiti akong nakatingin sa kanya habang sinusuklay ko ang mahaba kong buhok.
"basta mamaya gumayak ka ililibot kita sa mall ng malibang ka kalimutan mo muna ang problema"humarap pa sya sakin
"sobra sobra na ang ginagawa mo sakin ang dami ko nang utang sayo nakakahiya na"nakayuko na ko dahil sa hiya. naramdaman kong lumapit sya sakin hinawakan nya ang aking baba at itinaas nya ang mukha ko medyo yumuko sya nagpantay ang mga mukha namin nagkatitigan kami.
"wag mo isipin ang mga iyon ang mahalaga ay makarecover ka sa nangyaring tragedy sayo" marahan nya kong hinalikan sa noo. napapikit ako sa ginawa nya ang sarap sa pakiramdam.Muli akong dumilat nginitian nya ko, dumiretso sya ng tayo tumalikod na at nag tungo sa banyo.Humarap akong muli sa mirror inayos ko ang sarili ko. Tumayo na ko at nag tungo sa kusina binuksan ko ang ref. Tinignan ko ang pwde kong iluto para sa lunch nakita kong may chicken leg. kinuha ko yun at ibinabad sa tubig para lumambot. Inihanda ko na ang sangkap nito.Nagsalang na din ako ng bigas sa rice cooker. Habang hinihintay kong lumambot ang frozen chicken leg. Ay naglinis ako sa sala bumukas ang pinto ng kwarto lumabas si David nakasuot ito ng white shirt at maong pants napatingin ako sa kanya ang gwapo gwapo nya sa simple nyang suot kitang kita ko ang mga muscle nya napalunok ako.
"anung ginawa mo"nataranta ako sa tanung nya
" ah eh nag lilinis"
"Oo nga naglilinis ka eh bakit ka naglilinis hindi mo dapat gawin yan baka mapagod ka"maypag aalalang sabi nito lumapit sya sakin at pilit kinukuha ang mop na hawak ko. Ang bango nya amoy na amoy ko yun nakakahalina.
" hayaan mo na ko please paraan ko lang ito ng papasalamat sayo" nakangiti akong titig na titig sa mga mata nya.
"nag aalala lang ako sayo baka mapagod ka."titig na titig sya sa mga mata ko
"ok lang ako saka wala naman akong gagawin ng malibang na din ako." matamis akong ngumiti sa kanya.
"sige ikaw ang bahala pero wag kang magpapakapagod ha.Pupunta muna ko sa Office ni boss babalik din ako agad"nagtungo sya sa pinto palabas
" sige ingat ka" tuluyan na syang lumabas nang mawala na sya sa paningin ko at ipinagpatuloy ko na ang aking ginagawa.
POV DAVID
Binabagtas namin ni Manong Ed ang liblib na daan sa lugar ng Bulacan. Nang biglang may sumulpot na babae sa harap ng sinasakyan naming bus. Ihininto ito ng Driver dali dali kong binuksan ang pinto ng sakay naming bus. Awa ang bumalatay saking mukha nang makita ko ang itsura ng babaing sira ang damit. Dali dali ko syang nilapitan at inalalayan paakyat sa sasakyan. Gustong gusto ko syang yakapin ngunit pinigilan ko ang aking sarili. May kakaiba akong nararadaman sa bawat pag titig ko sa kanya. Hindi ko na inisip ang maaaring mang yari basta nagdesisyon ako agad na isama sya sa tunutuluyang kong bahay sa BUS station.Nang gabing iyon ay ilang beses syang binangungot dahil siguro sa tromang inabot nya. Hindi ko sya iniwan binantayan ko sya sa buong magdamag. Bakit ganito ako sa kanya samantalang hindi ako marunong magpahalaga ng babae. Pinaiikot ko lang sila saking palad pag nagsawa na ko sa kanila ay iniiwan ko na. Hindi ko alam bakit iba ang babaeng ito para syang cyrstal na kaylangan kong ingatan. Halos hindi ako nakatulog pinilit ko paring gumising ng maaga para ibili sya ng personal nyang gamit. Excited ako na makauwi agad dala ang mga pinamili ko sa kanya. Inabutan ko syang nakaupo sa sala nang tanungin ko sya kung kumain na ay umiling sya. Naisip ko siguro inintay nya ko para sabay kaming kumain natuwa ako sa isip iyon. Sabay kaming kumain nag matapos na kami ay nagtungo na sya sa banyo upang maligo. Dahil sa kagustuhan kong makita agad kung bagay sa kanya ang binili ko ay pumasok na ko sa kwarto at duon ko sya inintay. Nag init ang buong katawan ko ng makita ko syang lumabas ng banyo na nakatapis ng puting twalya. Napalunok ako naramdaman ko ang pag igting ng aking alaga inabot ko agad ang unan at ipinatong ko sa ibabaw nang harapan ko kitang kita ko ang mapuputi nyang hita. Natauhan lang ako ng dali dali syang pumasok sa banyo kinalma ko ang aking sarili. Pilit ko iwinaksi sa isip ko ang itsura nya ng lumabas ng banyo.