*PATRICIA POV* Nalulungkot ako sa sinasapit naming parehas ng anak ko. Hinde ito ang buhay na ginusto ko para sa aming dalawa. Malayo rito, pero naging isang pabaya akong ina at hinayaan ko na saluhin ako ng anak ko. Masyado kong nilugmok ang sarili ko sa kalungkutan sa pag alis ni Darryl at ang anak naming si Gladys na dinala n'ya sa bansang America. Marahil ay tama nga ang anak kong si Carol, dapat ay kalimutan ko na ang tungkol kay Darry at kay Gladys. Ilang dekada na rin silang wala sa buhay naming dalawa. Ilang dekada na rin akong naghihintay kung darating pa ba sila subalit umasa lang ako sa wala. Sayang ang ilang taon na pinagsamahan naming dalawa ng asawa ko. Ang buong akala ko ay mahal n'ya ako at papanindigan n'ya ang sinabi nito na bubuo kami ng masayang pamilya kasama ang m

