KABANATA 1
CAROL POV
Sobrang mahal ko ang mama ko kaya napilitan akong huminto sa aking pag aaral para lang mag trabaho sa bar bilang isang dusg. Pinasok kaso ako rito ng aking boyfriend na si Cedrick. Mahigit 5 years na kaming dalawa. Nakilala ko s'ya sa aming school, niligawan n'ya kasi ako pagkatapos naming mag js prom noong third year pa lang kaming dalawa.
Sobrang dami naming mga pinag daanang struggles. Alam n'ya ang mga problemang pinag daanan ko at alam ko rin kung gaano s'ya nag hirap sa buhay nya.
Pagod na pagod ako sa ginawa kong pag tatrabaho lalo na at night shift ako ngayon. Nilalaban ko ang minimum rate na kumukulang pero kailangan pag kasyahin para sa nanay kong nag gagamot dahil sa sakit n'yang diabetes. Pudpod na kamay ko sa kakahugas ng pinggan pero ang sunod sunod pa rin ang dating nito sa akin.
Naiiyak ka nga lang ako sa dami ng mga hugasin na nakatambak sa akin kaya lang bawal akong mag reklamo. Isang tapik sa balikat ang natanggap ko galing sa aking likuran. Lumingon ako at nakita ko ang boyfriend kong nakangiti kahit na halatang pagod din s'ya bilang isang waiter.
"Mahal, gusto mo ako na ang mag hugas?"
"Ay hindi ako na," sabi ko sa kanya.
"Sorry ha? Wala na kasi akong ibang trabaho na puwedeng i offer sayo, Carol. Ito lang talaga ang kaya ko eh."
"Ano ka ba? Ayos lang ako, hindi naman ako choosey sa pag hahanap ng trabaho. Ang laki nga ng tulong nito sa akin kasi marami pang problema ngayon sa bahay lalo na kay mama."
"Oo nga pala, parang ang tagal ko na ring hindi nakakapunta sa bahay n'yo ha? Gusto ko sanang dalawin ang mama mo."
"Next time na lang sana. Kasi alam mo naman ang ugali n'ya di ba?"
"Eh ano naman? Mama mo pa rin s'ya at kung ano ang mahalaga sayo ay mahalaga na rin sa akin."
"Hindi, next time na lang talaga pramis, babawi ako sayo, Malapit na namang mag weekend kaya makakapag bonding din tayo."
"Okay, s'ya nga pala, ang sabi ni boss baka raw ma delay ang sahod natin ngayon. Imbes na sa 15, baka sa 20 na raw tayo makakasahod. Kaya konting tiis muna."
Nag react ako kaagad sa sinabi n'ya, "Ano? Bakit ang tagal ng sahod natin? Naisip ba n'ya na marami tayong umaasa sa sahod natin? Wala na nga akong budget eh. At natitiyak kong mayayari ako nito kay mama kasi inaasahan n'ya ito."
"Sorry, eh matumal daw kasi ang customers na pumapasok ngayon dito. Eh nakita mo ba kanina ang ginawa namin ni Josh, nilagay namin ang mga natirang alak sa tower na inorder ng ibang customers kasi sayang daw sabi ni boss."
"Nako halos mapuno nga ng customer ngayon. Dahilan n'ya lang 'yan!"
"May extra pa naman ako kahit papaano. Puwede mo naman siguro itong iabot sa mama mo para maiwasang topakin s'ya. Eh kasi siguro ang laki na rin ng nilugi nang bar na ito di ba? Dapat nga ay isasara na ito ng may ari pero nakautang pa rin sila sa bangko. Masungit ang boss natin. Please, kaunting tiis lang, kung gusto mo ako ang kakausap sa mama mo mamaya."
"Hindi na nga eh. Paulit ulit ka? Basta, kung wala pa tayong sahod, ano bang magagawa ko kung di mag hintay di ba?"
Pinagpatuloy ko ang pag huhugas ko ng pinggan at minasahe n'ya ang likuran ko.
"Wag ka nang magalit sa akin. Gusto mo 5 thousand na ang ipapahiram ko sayo? Wag na lang natin itong sabihin sa mama mo para hindi s'ya magalit. Ibaba mo na ang pride mo mahal, isipin mo na ginagawa mo ito para sa mama mong may sakit. May maintenance s'ya na kailangan n'yang inumin di ba?"
Napa hinga ako ng malalim. Tama s'ya sa sinabi n'ya, kailangan ko ng pera para sa mama ko at wala na akong ibang puwedeng malapitan kung di si Cedrick lang. At ayaw ko na s'yang awayin kasi kakabati lang namin nitong nakaraan na nag away kami. Selosa kasi akong tao at ayaw kong tumitingin s'ya sa ibang babae. Sobrang big deal sa akin ng ganito.
Niyakap n'ya pa ako ng mahigpit mula sa aking likuran at hinalikan ako nito sa aking pisngi ng ilang beses.
"Oo na Cedrick, hindi na ako galit sayo at salamat sa pagpapautang mo sa akin. Malaking tulong ito kay mama, kaya ang mas maigi pa ay lumabas ka na at asikasuhin mo ang ibang customers at baka bigla na lang tayong makita ng boss natin at suwayin tayo."
Bago n'ya ako pakawalan, isang halik pa ang binigay n'ya sa pisngi ko. Nahihiya nga ako sa kanya kasi nadudugyutan ako sa sarili ko ngayon. Ang init dito sa kusina at feeling ko ay kumapit na ang amoy ng sabon sa aking katawan. Nagbukas ang pinto sa kitchen, tumayo ang balahibo ko kaagad, alam ko na ang dumating ay walang iba kung di ang boss naming gay na mataray at mababa ang tingin sa mga kagaya naming hindi nakapag tapos ng pag aaral.
"Cedrick, asikasuhin mo ang mga customers natin sa labas. Maraming mga complaints ngayon sa serbisyo n'yo!"
"Sige na mahal, sabay tayo uuwi mamaya, love you!" ang pahabol ni Cedrick bago ito umalis.
Nagwalang kibo lang ako sa manager ko at ipinagpatuloy ko lang ang pag huhugas ko ng pinggan. Pinapa kiramdaman ko s'ya kasi kahit na dalawang beses pa lang kaming nag usap, talagang mataray talaga s'yang tao! Nang marinig ko ang tunog ng kanyang sapatos na papalapit sa akin, mas lalo akong kinakabahan.
"Carol, di ba't sinabi ko na sayo sa orientation natin na bawal na bawal dito ang naghaharutan lalong lalo na sa oras ng trabaho?"
"Sorry po sir," sagot ko habang patuloy ako sa pag huhugas ng pinggan. Ayaw ko lang na sumabat pa sa kanya, nabahag kaagad ang buntot ko sa nakaka takot nitong boses. Para bang mangangain s'yang bigla ng tao ng wala sa oras. I hate him kahit noong una pa lang na pasok ko rito. At marami ring mga empleyado nito ang madalas na nangba backstab sa kanya!