KABANATA 2

1014 Words
CAROL POV "Sorry? Ganyan naman talaga ang sinasabi ng mga tao kapag nahuli sila sa akto. I hate people na sobrang unprofessional sa work just like you. Magpa salamat ka at malakas sa akin si Cedrick dahil kung hindi, I would not even consider hiring you." Tumigil s'ya sa kanyang paglalakad ng makarating na s'ya sa gilid ko. Pinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa kong pag huhugas ng pinggan at labas pasok lang sa tenga ko kahit na anong sabihin n'ya sa akin. Mabuti na lang at kahit papaano, sanay na sanay na ako sa ugali ng mama ko na isang toyoin. Yung kaunting mali ko noon. sasabihan na n'ya ako ng bobo o gago, tanga, engot, boba, stupida at kung ano ano pang mga masasakit na mga salita. Sa sobrang sanay ko nga sa kanya ay na immune na ako sa lahat ng mga panlalait sa akin ng mga kaklase kong bully sa school at maging ngayon. Kaya kung sa pagiging bungangera lamang, walang wala s'yang binatbat sa nanay kong reyna ng dakdakan! "Next time, ayaw ko na kayong makitang nag dadaldalan o nag lalampungang dalawa ni Cedrick ha? Kasi sobrang ayaw ko nang sinasayang ang oras ng mga empleyado ko. Maraming mga bagay ang puwede n'yong trabahuhin dito kesa sa mga ganyang bagay." Mag sosorry na sana ako kaya lang ay dinugtungan pa n'ya ang sinabi n'ya sa akin. "And speaking of Cedrick, nagtataka lang din ako kasi ang gwapo gwapo ni Cedrick. Mala bad boy pa nga ang kanyang hitsura at ang lakas n dating n'ya. Actually, his look is the main reason kung bakit bumabalik ang ibang mga customers namin dito sa bar. So it never crossed my mind na pumatol s'ya sa isang katulad mo. No offensa ha? Sadyang ganito lang din talaga ako eh, nag sasabi ng prangkang katotohanan kaya wag ka sanang magalit sa akin. Kahit na sobrang baguhan ka lang dito, dapat lang na malaman mong ganito ako para masanay ka." Pati ba naman love live ko ay talagang pakikialaman n'ya pa? Oo alam kong may hitsura talaga si Cedrick at marami nang nahuhumaling sa kanya. Pero sa akin lang s'ya at masyado na itong personal para pakialaman n'ya. Kapag boyfriend ko pa naman ang pinag uusapan ay nagiging leon akong bigla. "Teka lang po boss Alvin, medyo personal na po ang tanong n'yo. Sabihin n'yo lang sa akin kung mayroon kayong-" Matatapos pa lang ako sa aking pag sasalita pero bigla na lang s'yang tinawag ng isa naming waiter kaya lumabas s'ya. Buti na lang din talaga at umalis s'ya kasi umurong ulit ang dila ko. Muntik na akong gumawa ng dahilan para matanggal ako sa trabaho. Kahit papaano ay nag kontrol ako sa sarili ko. Sa susunod, iiwas na lang talaga ako sa gulo at sasabihan ko si Ced na wag na sana itong gawin kasi masyadong inggitera ang aming boss na walang dudang may gusto sa kanya. Kaya lang, straight na lalaki talaga si Ced at never n'yang maiisip na pumatol sa kapwa n'yang lalaki. --------------------------------- --------------------------------- GLADYS POV I am here together with my Dad sa airport ng Philippines. Ito na ang pangatlong beses na pumunta kami rito and it was a good thing na ngayon ay medyo ayos na ako when speaking Tagalog because of my online tutor. I am together with my Darryl who was separated with my mom long time ago. Dalawa ang goal namin kaya nagpunta kami dito sa Philippines, his goal is to let my mom sign the divorce paper pero ako naman, I came here because I have lupus and in dire need of kidney transplant. According to my doctor from United States, mas malaki daw ang magiging chance na maging successful ang kidney transplant kapag blood related ang magdo donate nito sa akin. And of course, alam kong hindi ito masyadong importante para kay Dad pero nag hahanap ako ng bad boy na lalaking puwede kong maka relasyon. It has been a few months since mag break up kaming dalawa ng ex ko and it was our mutual decision. There is still a part of me that wants him but I can't let myself single on this upcoming Christmas. Of course, mas gusto ko pa rin ng pinoy ang makatuluyan ko kasi I have trauma sa mga naging past relationship ko. At ang kasabihan nga nila dito, tumikim naman daw dapat ako ng ibang putahe. Me and my Dad took our shades at nadama namin ang malamig na simoy ng hangin kahit na umaga pa lang. Although hindi ito kasing lamig ng bansang pinang galingan ko. May snow doon and I really love the winter weather. I feel it is so romantic and I get to wear my winter jacket na sobrang expensive! Dad and I glanced at each other. I let him speak to me first. "So, are you ready to meet your sister?" I just slightly grinned. My life is almost perfect even without her, I am just after her kidney and I will do whatever it takes para makuha ito. After this, puputulin ko kaagad ang communication ko sa kanya. "Yes Dad, I am excited to meet my half sister. But since you asked me about that, let me return the favor by asking you kung itutuloy mo ba ang pag papa pirma sa iyong ex wife ng divorce papers para kayong dalawa na ni tita Camille ang magkatuluyan?" "Don't worry, my mind has not change. But please, address her as your mother and not my ex wife. Mama mo pa rin si Patricia and sa kanya ka galing. Ilang taon kang nawalay sa kanya so you should give her the respect she deserves." My blood boils as soon as my father finished talking, "Respect? Dad, have you forgotten? She is the main reason kung bakit ako nagka lupus? If it was not for my mom, I am not suffering like this and will live a normal life like the rest of my friends. I don't care if she is my mom, it does not change the fact that I hated her!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD