CAROL POV "Ma, please, mag isa na lang ako sa buhay ko. Pati ba naman ako ay gusto mong iwan? Wala eh, wala na tayong magagawa kasi ganito na talaga ang kapalaran nating dalawa. Basta, kailangan mong inumin ang gamot mo para gumaling ka na sa sakit mo." Hindi na n'ya ako pinansin at tumayo na lang s'ya, naglakad ng pagewang gewang papuntga sa pintuan. Gusto ko sana s'yang tulungan kaya lang ay baka itaboy n'ya na naman ako kagaya noong nakaraang araw. Bago pa s'ya pumasok sa loob, lumingon s'ya sa akin at nag salita. "Carol, kelan nga ulit ang sahod mo?" "Sa 15 po," sagot ko kahit na made delay ang sahod ko ng ilang araw. "Basta ibigay mo muna ang buong sahod mo sa akin ha? Ako na ang magbabayad ng mga bills natin dito sa bahay." Ito lang ang mga huling sinabi sa akin ng mama ko ba

