bc

Let me Love you

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
HE
age gap
heir/heiress
sweet
lighthearted
office/work place
love at the first sight
assistant
like
intro-logo
Blurb

Sa takot na mabigo at masaktan muli sa pagibig, ginawa ni Daphne ang lahat para maging manhid at bato ang kanyang puso, Kaya naman binuhos niya ang kanyang panahon sa pagtatrabaho upang malibang at maghilom ang kanyang sawing puso. Pero muling nagulo at nayanig ang kanyang mundo ng biglang sumulpot sa kanyang buhay ang isang Glenn na hindi niya alam kung saan lupalop nanggaling, ang lagi niyang nakikita at nakakaharap sa ayaw at sa gusto niya.

chap-preview
Free preview
Episode 1
" Hindi ka naman halatang excited niyan ah!". puna ng kanyang kaibigan na si Elise habang siya ay nagaayos at naghahanda para umuwi. Totoong excited siya dahil nakatanggap siya ng tawag galing sa kanyang kasintahan na susunduin daw siya nito at kakain sila sa labas dahil may mahalaga daw silang pag-uusapan. Bigla siyang napaisip sa huling tinuran ng kasintahan at pinilit pa nga niya itong sabihin sa kanya kung tungkol saan ang pag-uusapan nila dahil naging iba ang kanyang pakiramdam. Pero alam naman niya sa kanyang sarili na wala naman nagiging problema ang kanilang relasyon, sa isangn taon nilang pagiging magkasintahan, kailanman ay hindi sila nagkaroon ng alitan ng nobyo. "Hindi naman masydo. Halata ba?". Nakangiting sagot niya sa kaibigan. "Sabagay paano ba naman hindi ka magiging excited, madalang pa sa patak ng ulan kung sunduin ka ni Ramon sa trabaho. Kahit na mga special occassions tulad ng valentines, birthday or even yung anniversary niyo hindi ko nakiktang sinusundo ka nun dito." Mahabang litanya nito sa kanya. Ngumiti lang siya sa sinabi n kaibigan. Aaminin niya sa isang taon ng relasyon nila madalang silang magkita, tapos kung magkikita naman sila lagi itong nagmamadali na umuwi o hindi kaya ay busy sa company na pinamamahalaan niya. "Kaw naman busy lang ang bebe love ko sa company nila, lam mo namang hindi biro ang magmanage ng isang company" Sagot niya sa kaibigan. "Kaya talagang hanga ako sa iyo, na nakayanan mo na ganun ang set up niyo at talagang nakaabot pa kayo ng isang taon." Naiiling na sabi nito sa kanya. Kahit siya sa sarili niya hindi siya makapaniwala na nakaya niya ang ganung set up nila ni Ramon. Minsan nakakaramdam siya ng inggit sa kaibigan niyang si Elise dahil saksi siya kung paano ito alagaan ng bf nito. Pero may mga oras naman na bumabawi sa kanya si Ramon, magpapadeliver ng bulaklak or pagkain kapag may mahahalagang okasyon. Naiintindihan naman niya ang nobyo dahil nag-iisang anak lang ito at maaga siya naulila sa ama, Kay Ramon naatang lahat ng responsibilidad ng mga business ng kanilang pamilya sa tulong ng mommy nito. Alam naman niya at ramdam na hindi siya gusto ng mommy ni Ramon nung minsan aksidente silang nakakilala sa isang restaurant upang icelebrate ang anniversary nila na siya mismo nagaayos at nagpapunta sa nobyo. Kahit naman siya hindi siya makapaniwala na magkakagusto at liligawan siya ni Ramon dahil na din sa antas ng pamumuhay nito. "Paano una na ako ha sa labas na ako magaantay, talagang nakisama ang transaksyon ngayong araw at balance agad ako." Nakangiting paalam niya sa kaibigan. Isa siyang teller sa banko kung saan magdalawang taon na din siya dito. Dito din sa bangko na ito una silang nagkakilala at nakita ni Ramon ng dahil sa meeting nito sa owner ng DV bank. Nung una balewala sa kanya ang mga titig nito dahil sanay naman siyang maghalubilo sa ibat ibang tao. Kaya naman nung nagsimula siyang ligawan at naging sila nito ay pinangako niya sa sarili, na ito ang lalaking makakasama niya habang buhay tulad ng kanyang gusto, dahil nung nabubuhay pa ang kanyang magulang ay nainspire siya sa kuwento ng kanyang ina na unang kasintahan nito ang kanyang ama at ng tumagal ay naging asawa na nito. Nakaramdam man ng lungkot dahil bigla niyang naalala ang kanyang mga magulang masaya na din siya dahil hindi na makakaramdam ng anu mang pagod at sakit ang mga ito. "Hi love!" Bati nito sa kanyang kasintahan ng ibaba ang bintana ng sasakyan nito. "Sakay kana!" Malamig na sagot nito sa kanya. Binalewala lang niya ang malamig na pagsagot nito sa kanya at dahan dahan na pumasok sa sasakya nito. Sa isang taon ng kanilang relasyon, pangalawang beses palang siya nakakasakay sa sasakyan ng kasintahan, dahil kung magkikita sila lagi nalamang sa meeting place nagkikita at hinahayaan siyang magcommute pauwi dahil kadalasan may biglaan itong tawag galing sa opisina. Sa isang fine dining restaurant siya dinala ng kasintahan, bigla tuloy siyang naconcious sa suot niya. Biglaan at hindi inaasahan ang pagtawag sa kanya ng nobyo kanina kaya naman hindi siya nakapagdala ng damit na angkop sa lugar. Kaya naman hindi na siya nakapagpalit at ang uniform lang niya ang kanyang suot. "Love pasensya ka na sa suot ko, sa sosyalin pala tayo kakain hindi ako nakadala ng pamalit at biglaan ang tawag mo kanina." Nakangiti at kinakabahang sabi niya sa nobyo. Hanggat maari ayaw niya mapupulaan ang kasintahan dahil sa kanya, Kaya din siguro isa sa naging susi nakaabot ng isang taon ang kanilang relasyon ang pagiintindi niya kay Ramon at makuntento kung anu man ang kayang ibigay nito sa kanya. "It's alright." Matipid na sagot nito. Dahil hindi naman alam ni Daphne kung anu ang mga nakalistang pagkain sa menu ay hinayaan na lang niya ang nobyo ang umorder ng pagkain para sa kanya. At nang makaalis na ang waiter tiyaka niya hinarap ulit ang nobyo para tanungin kung para saan ang kanilang paguusapan. "Love anu nga pala ang paguusapan natin, masyado ka naman pasuspense, kinakabahan tuloy ako." Tanung niya kay Ramon na kasalukuyang abala sa mobile phone nito. Hindi siya nito sinagot at patuloy pa din sa pagtipa ng mobile phone nito, Gusto niyang mainis dito dahil para lang siyang hangin kung tratuhin ng nobyo. Panay ang tingin ni Daphne sa paligid at napansin niya na konti lang tao na kumakain. Kaya naman inulit niya ang tanung niya kay Ramon sabay hawak sa kamay nito na naibaba nito sa lamesa. Nakuha niya antensyon ng nobyo na binigyan niya ng matamis na ngiti ngunit sinuklian lamang siya ng seryosong ekspression. Nakita niya ang pagbuntong hininga nito at nagsalita. "Let's end this our so called relationship!" Sabi sa kanya ni Ramon na biglang nagpawala ng kanyang matamis na ngiti sa kanyang labi. Bigla siyang natigilan at nagulo ang kanyang sistema, Hindi niya namalayan na may biglang tumulo na likido sa kanyang mga mata na mabilis niyang inalis. "Nagbibiro ka lang diba?" Tanung niya dito. "No! I'm not." Malamig at seryosong sagot nito sa kanya. "Bakit Ramon may nagawa ba akong mali?, May problema ba? Dahil ba nagdemand ako na magkita tayo last week." Tanung nito sa kanya habang tumutulo ang kanyang luha. Masama lang kasi ang kanyang pakiramdam at nagkasakit siya noong nakaraan kaya naglalambing siya sa nobyo na puntahan sana siya nito dahil matagal na din na hindi sila nagkikita, ngunit hindi ito nakapunta dahil may importanteng meeting ito na pinuntahan at nagpadala na lamang sa secretary niya ng mga pagkain at prutas para sa kanya. Kahit gusto niyang magtampo sa nobyo ay pinalampas niya ito dahil naiintindihan naman niya ang estado at priority nito sa buhay at alam niyang pinakahuli siya sa listahan ng nobyo. "Bakit Ramon? bakit?" Tanung niya dito. "I'm getting married soon, Ayaw kong magkaproblema kaya naman ngayon palang inaayos ko na." Malamig sa sagot nito sa kanya. Nagulat siya sa sinabi ni Ramon dahil buong akala niya ay pareho sila ng nararamdaman sa relasyon na ito. "Niloko mo ako kung ganun!" Sagot niya dito. Nakita niyang bumuntong huminga ito, senyales na naiirita na sa mga tanung niya. "I don't want my Mom to be upset, siya na lang ang meron sa akin at ayaw kong sumama ang loob niya. You knew from the start that my mother disapproved this relationship. She arrange someone to be my wife and she really like her for me." Sagot nito sa kanya. Bigla siyang nanlamig at natauhan sa kanyang narinig. Alam niyang wala siyang laban sa ina ng nobyo, dahil sa simula pa lang ay alam niyang sunod sunuran ito sa kanyang ina at sinusunod kung anu man ang nais nito. Minsan na niya naikuwento ang ganitong ugali ni Ramon kay Elise kaya nabansagan ito ni Elise na Mama's boy. Pero kahit ganun pinagtatanggol niya ang nobyo dahil naintindihan niya na na nagiisa nalang magulang ito ng nobyo kaya ganun na lamang kung pahalagahan niya ito. Ang sakit sa dibdib ang kanyang naramdaman, mahal na mahal niya ito na halos kay Ramon na umikot ang mundo niya. Kahit ang mga kaibigan niya na yumayaya sa kanyang magbar o gumala ay tinatanggihan niya dahil ayaw niyang may masabi sa kanya ang nobyo at baka bigla siyang dalawin sa apartment niya para makasama siya na kailanman ay hindi nangyari. Kaya naman may isang tanung siya na gusto niyang masagot galing dito. "Ramon, minahal mo ba talaga ako kahit konti sa isang taon na relasyon natin?" Tanung niya dito. Nakita niya ang pagiwas ng mga mata nito at patuloy na pagiging malamig at tahimik nito. Ngayon alam na ni Daphne ang sagot, kahit hindi direktang sabihin sa kanya ni Ramon ang sagot nito. Kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na tumayo at matapang na hinarap si Ramon kahit na ramdam niya na konti na lang ay babagsak na naman ang masaganang luha sa kanyang mga mata. " Salamat na lang sa lahat, Huwag mo ng sagutin ang tanung ko, dahil alam ko na ang sagot mo. Congratulations for your upcoming wedding Mr. Reyes." Sabi niya sa dating nobyo, at mabilis siyang lumabas sa restaurant dahil at bumuhos ang masaganang luha na kanina pa niya pinipigilang umagos.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.2K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.2K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.5M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook