Tatlong beses? Nanlaki ang parehong mata ko. Doon ko natantong oo nga pala— una ay iyong unang pagkikita namin na naabutan pa kami ni Ina kaya maagap ko itong naitulak upang mailayo sa akin. Pangalawa ay iyong sa sapa at ito ang pangatlo. Hindi ko lubos akalaing mahilig akong manulak. Gusto kong matawa sa sarili ngunit hindi ko naman magawa nang maaninagan ko ang mukha ni Felix. Seryoso ang kaniyang mukha, walang bahid ng pagbibiro at puno ng sinseridad ang parehong mata nito na hindi mabitaw-bitawan ang paninitig sa akin. Saka ko naman naramdaman ang paghataw ng puso ko. Galit ba talaga siya? Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Hindi ko naman iyon sinasadya, siguro iyong pangalawa ay oo sa kagustuhang gulatin siya. Hindi ko alam ngunit bahagya akong kinabahan. Ilang dangkal lang din ang

