Totoo ngang hindi ako isinama nila Ina papuntang Sentro upang mamasyal kaya ngayon ay mag-isa ako rito sa mansyon. Patuloy pa rin ang pag-iyak sa sariling kwarto. Makailang beses nang ginawa sa akin iyon ni Ina ngunit tila kay bago pa rin sa akin. Mas kinakampihan pa nito at pinaniniwalaan ang iba kaysa sa akin na mismong anak niya. Kailan man ay hindi siya pumanig sa akin, na kahit ako naman talaga ang tunay na kawawa at nasaktan ay ako pa itong kailangang humingi ng paumanhin. Hindi ko alam kung bakit. Galit ako. Galit na galit ako sa pamilyang kinabibilangan ko. Palagi kong natatanong na kung bakit sa kanila pa ako napunta gayong ang daming tao sa mundo. Bakit sa kanila pa? Itong puso ko ay parang sasabog na sa samu't-saring emosyon, panay ang agos ng mga luha ko na kahit anong gawi

