"Sigurado ka ba, Karla?" Dinig kong sambit ni Felix nang makalabas kami ng bahay nila. "Oo, Felix. Mas lalo lang tayong malalagot kapag nalaman nila ang totoo. Mas okay na ito," sagot ko at sandali siyang tiningnan. Hawak niya ang kamay ko, hindi pinapakawalan habang sinusundan ko naman ito sa kaniyang paglalakad. Tinatahak namin ngayon ang daan kung saan din kami dumaan kanina. Madilim na ang paligid kaya todo alalay pa sa akin si Felix, lalo na nang naroon na kami sa parte ng rancho kung saan may matataas na talahib at puno sa palagid. Siya ang tagahawi no'n, samantala ay nasa likuran lang niya ako. Maingat ang bawat paghakbang namin, tila ba iniiwasang may makarinig sa amin. Mabuti at maliwanag ang buwan, kahit papaano ay sapat na iyon upang makita namin ang nilalakaran naming dala

