May tiwala ako kay Felix, alam kong maipapasa nito ang board exam. Masyado akong padalos-dalos, ayaw ko lang talaga siyang istorbohin dahil baka mawala ito sa konsentrasyon. Tama na 'yung ako na lang muna. Ang sabi naman ni Lenard ay sasabihin niya rin kaagad kay Felix. Halu-halo na nga ang emosyon ko, hindi ko malaman kung ano ang mararamdaman ko. May panghihinayang sa puso ko sa katotohanang huli na pala ang lahat para sa akin. Kung hindi ko pa nabasa iyong dyaryo ay wala akong kaalam-alam sa nangyari kay Ina. Nariyan din ang galit ko, hindi ko alam kung sa sarili ba ako galit dahil masyado akong naging makasarili? Dahil hindi ko na sila naisip at pinaabot pa ng pitong taon? Ewan ko, kahit saang anggulo tingnan ay sa akin pa rin ang bagsak ng sisi. Kaya naman sa buong biyahe ko ay n

