Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas at nananatili akong nakasalampak doon, tila ba naghihintay sa wala. Ramdam ko pa ang ilang paninitig mula sa likuran ko. Hindi ko na nililingon ang mga taong pinagtitinginan ako, marahil ay nagtataka kung bakit ako nakaupo sa sahig at umiiyak na parang isang takas sa mental. Sa tagal kong pagkakaupo roon ay inabutan na ako ng dilim, tuluyan nang nasakop ng kadiliman ang kabuuan ng isla. Siya namang sabay-sabay na nagbukas ang mga ilaw sa paligid. Nagulat pa ako nang may pares ng paa ang tumabi sa gilid ko, nanghihina man ay nagawa ko siyang tingalain at naningkit pa ang dalawang mata ko habang inaaninag ang mukha niya. "Ku—Kuya Thomas?" bulalas ko nang matanto kung sino iyon. Nagbaba ito ng tingin sa akin saka pa tipid na ngumiti, kapagku

