Kinabukasan nang magising ako sa sobrang sakit ng katawan ko, hirap pa akong magdilat at halos mapangiwi nang tumama sa mukha ko ang sinag ng araw na nanggagaling sa bintana. Wala sa sariling naitakip ko ang kamay sa mukha, nakita kong nakabukas na pala ang bintana kaya malaya ngayong sumasabog sa hangin ang kurtina nito. Nangunot ang noo ko, kapagkuwan ay pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng kwarto. May nakita akong dalawang maleta sa gilid kung saan ang dadalhin naming bagahe ni Felix. Mayamaya rin lang nang umahon ako sa pagkakahiga. Nahilot ko pa ang batok ko, masakit iyon marahil sa uri ng pagkakahiga ko kanina bago magising. Wala na si Felix sa tabi ko kaya solo ko ang katre, dahilan din iyon upang sakupin ko ang buong espasyo. Kaya ang ending ay nakalaglag ang ulo ko sa gilid ng

