"Felix, tingnan mo!" pagtawag pansin ko kay Felix dahilan para mapahinto ito. Maagap siyang lumapit sa akin, umupo pa sa tabi ko upang pantayan ako sa pagkakaupo ko. Saka naman nito nilingon ang siyang kanina ko pa itinuturo. "Ang galing 'di ba?" sambit ko sa halamang bawat sundot ko ay tumitiklop. Sa ginawa ko ay malakas na tumawa si Felix. "Ang tagal na niyang makahiya—" "Alam ko!" pigil ko sa kung ano man ang balak niyang sabihin. "Matagal ko na itong nakikita sa school pero natutuwa lang ako kapag nakakakita ako ng ganito." Sinimangutan ko ito, kapagkuwan ay siniko siya kaya natumba ito sa pagkakaupo niya. Pagkakataon ko naman iyon upang humagalpak ng tawa. "Karla!" aniya habang umaayos ng upo at pinapagpagan ang suot na pantalon. Nandito kami ngayon sa parke ng Cordova. Naisipa

