Mabilis na nagdaan ang araw, parang kahapon nga lang nang dumating ako rito sa Cordova para takasan sina Ama sa tangka nilang pagpapakasal sa akin kay Lenard. Pero tingnan mo nga naman— pitong taon na ang nakalipas. Sa higit pitong taon na iyon ay pasalamat talaga ako at hindi na ako ginambala ni Ama. Marahil nga ay alam na nito kung nasaan ako ngunit hinayaan na lang din ako. Natanto na siguro niyang mas masaya ako sa buhay na mayroon ako ngayon, na hindi ko kailangan ng gabay nito bilang ama. Sana nga ay ganoon, sana nga ay masaya sila ni Ina para sa akin. Kahit papaano naman, bilang anak nila ay nami-miss ko ang presensya nila. Nangungulila rin ako pero mas malaki ang pagpipigil ko sa sarili na huwag muna silang balikan. Sobrang pasasalamat ko sa parteng iniluwal ako ni Ina sa mundo

