"Felix!" wala sa sariling sigaw ko nang sundutin nito ang tainga ko gamit ang maliit na dahon. Sandali akong napatigil sa ginagawa upang ibaling ang atensyon sa kaniya. Malakas naman siyang natawa, bilang ganti ay kinurot ko siya sa tagiliran nito. Sumimangot ako, hindi pa nakuntento at mahinang hinampas siya sa braso kaya panay ang tawa niya ngayon. Umikot ang mga mata ko sa ere at muling itinuon ang atensyon sa malaking puno. Nandito kami ngayon sa gitna ng palayan kung saan may malaking puno ng mangga. Bukod sa maliit na kubo na naroon sa hindi kalayuan ay isa rin ito sa pahingaan nila. Nakauwi na kami galing ilog, hapon na rin kaya napagpasyahan naming tumambay muna rito. Iniwan namin sila roon sa bahay kaya kaming dalawa lang ang narito. At heto nga, para kaming bata na may inuuk

