Chapter 11

1849 Words

Umawang ang labi ko sa narinig, gusto ko sanang magsalita ngunit purong hangin lamang ang lumalabas sa bibig ko. Nananatili akong nakamaang kay Felix habang hindi makapaniwala. Bumaba pa ang atensyon ko sa asong tinawag niyang Bruno kanina. Ibig sabihin ay pag-aari nito iyon. Tahimik na ang aso na ngayon ay ikinikiskis ang mukha sa binti ni Felix, tila naglalambing. "A—aso mo ba iyan?" tuliro kong sambit, hindi malaman kung bakit iyon pa ang naitanong ko gayong alam ko naman na ang sagot. Nahihiya rin kasi ako sa sitwasyon ko ngayon, para akong tinubuan ng malaking tigyawat at gustong takpan ang sariling mukha. Idamay pa na nakayapak ako at nagmistulang batang yagit. "Ah, oo. Siya si Bruno," aniya at lumuhod pa upang magkapantay sila ng aso. "Bruno, siya si Karla— ang paborito kong kai

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD