NAKAUWI na si Herrah, kinabukasan at si Thea at King ang naghatid sa kanya sa condo ni Lucas. Si Lucas, hindi siya nito dinalaw, ni tinignan man lang sa Ospital ay hindi nito ginawa. Naka-wheelchair pa siya nang ihatid siya sa condo ni Lucas. Nanghihina pa kasi ang mga paa niya at katawan niya, kaya minabuting naka-wheelchair siya pauwi. "Oh Lucas, nandito ka lang pala! Sana sinundo mo man lang sana asawa mo sa Ospital!" pagalit na sita ni Thea kay Lucas, nang maabutan ito sa sala at nakaharap sa laptop. "Nandiyan naman kayo 'di ba? At nakauwi naman siya ng ligtas," walang pakialam na tugon nito. "Pambihira! Ganyan ka na ba talaga katigas ngayon, ha?" gigil na sabi ni Thea. Hinawakan niya ang kamay ni Thea, para pigilan ito. "Ayos na ako Thea, King, salamat," sabi niya sa dalawa. "D

