KINAKABAHAN si Herrah, nang makita niya ang mga kaibigan ni Lucas na dumarating. Si King at Red, nginitian siya pero si Ivan ay matalim ang tingin sa kanya at si Rocky naman ay dedma. Si Thea ay tinignan lang din siya at si Mariz, ay tinaasan siya ng kilay. May isa pang babaeng dumating maganda rin ito. "Munchkin," malambing na salubong nito habang nakatingin kay Lucas at ikinagulat niya ang ginawang paglapit nito at paghalik kay Lucas. "Hey Rain stop it!' saway ni Lucas. "Rain? Siya 'yong ex ni Lucas? Akala ko ba ikakasal na ito? "But why? 'Di ba nagkabalikan na tayo?" wari'y nagtatampo na tanong nito kay Lucas. Parang nahati sa dalawa ang puso niya. Nagkabalikan na si Lucas at Rain? Paano siya na asawa ni Lucas? "Doon ka na muna sa sala, sumunod ka kila Thea doon. Mamaya na kita as

