NASA isang restaurant si Lucas at kaharap ang hindi inaasahang taong muling magpapakita sa kanya at makikipag-usap pa. "Nabalitaan ko na kasal ka na raw," umpisa ni Rain sa usapan. Napa buntong hininga siya."Oo. Ikaw, akala ko ba magpapakasal ka na sa States? Bakit nandito ka ngayon sa Pilipinas?" Biglang bumahid ang lungkot sa magandang mukha nito. "Hindi ko na itinuloy ang kasal." Nagulat siya sa balitang iyon. "W-what? But why?" "Because I still love you Lucas! Napahikbi na ito, "akala ko wala na akong pagmamahal sayo pero nang sinabi ni Mariz na may iba ka ng babae at itinira mo pa sa condo mo. Nasaktan ako at na-realize ko na mahal na mahal pa rin kita." Tumulo na ang mga luha nito,"Lucas I still love you at handa na ulit akong makipagbalikan sayo," may himig pakikiusap na sabi

