"LUCAS please, huwag naman tayo umalis. Please," pakiusap ni Herrah kay Lucas nang nasa kwarto na sila. "Shut up!" iritadong tugon sa kanya ni Lucas. "L-lucas, kahit ako na lang ang maiwan dito. K-kahit iwan mo na lang ako, basta 'wag mo lang akong ilayo sa pamilya ko. Please," naiiyak niyang pakiusap kay Lucas. Malamig siyang tinignan ni Lucas," hindi ko kayang malayo sa pamilya ko nang matagal- "Do you think I care? I don't f*****g care of what you feel. If I say we leave, we leave! And that's final," malamig na tugon nito. Hindi na niya napigilan ang mga luha sa mga mata niya. "Pack all your things now!" Tumango siya at kinuha ang maleta niya na nakatago sa malaking closet. Ilan sa nilabas niyang mga gamit at damit ay pinasok na niya sa maleta niya. "Mag-ingat kayo mga anak," bili

