"Miguel ano'ng nangyari? tumawag sa akin si yaya Karina sinabi niya sa akin ang lahat nasaan na si Nathalie?" galit na tanong ni Victoria, habang pinipigilan nito ang galit. Napuwi siya sa pilipinas nang wala sa oras dahil sa nalaman niyang umalis si Nathalie sa mansion. Samantalang lasing pa rin si Miguel magdamag iong umiinom, parang wala lang sa kanya ang sinabi ni Victoria, sa galit nang mommy niya kinuha niya ang base na nakapatong sa center table at tinapon niya sa harap ni Miguel. Tsaka pa tumayo si Miguel at humarap sa kanyang mommy. "Nasaan si Nathalie Miguel!? bakit hinayaan mo siyang umalis dito sa mansion? akala ko ba mahal mo siya? bakit mo hinayaang mawala siya sa pamilya natin? sa buhay natin? bukas na bukas din sunduin mo siya sa mga magulang niya, mag-sorry ka lumuhod k

