Hindi niyo po alam ang lahat 'di ba? kaya mommy huwag na po kayong umiyak please, nasasaktan po akong makita po kitang nagkaganiyan." Hinaplos ni Violeta ang tiyan ni Nathalie at natutuwa siya nang maramdaman niya ang paggalaw ng kaniyang apo. Nilapit niya ang kaniyang tenga para marinig niya ang paggalaw ng bata. Natutuwa naman si Nathalie nang makita niyang masaya si Violeta. Pinunasan niya ang mga luha ni Violeta at niyaya niya itong pumasok sa loob ng mansyon. "Nathalie kumusta na ang pagbubuntis mo? wala ka bang nararamdaman? huwag kang ma-stress anak baka maapektuhan si baby, gusto kong makausap ang iyong mommy at daddy." Lumapit ang daddy ni Nathalie at hinawakan niya si Nathalie. Mrs de la Torre, I'm sorry pero hindi mo na puwedeng lapitan ang anak ko. Tumupad kami sa usapan, hi

