"Ate, bakit ganyan ang itsura mo? ang pangit mo na ate." Pang-aasar ni Ellaine kay Vanessa. "Ellaine huwag mo akong galitin baka matamaan ka sa akin! wala ako sa mood kaya umiwas ka sa akin!" singhal ni Vanessa kay Ellaine. "Ate minsan ka na nga lang umuwi dito ang sungit mo pa! naglalambing lang naman ako sa 'yo ate eh, miss na miss kita alam mo ba 'yon?" Seryosong sinabi ni Ellaine. "Hindi kita na miss kaya huwag kang makulit!" singhal ni Vanessa sa kanyang kapatid. Narinig ni Carmela ang pag aaway ng dalawa kaya lumapit siya. "Vanessa may sumpong ka na naman? bakit ba ang init ng dugo mo sa kapatid mo? wala siyang ibang ginagawa kung di ang mapalapit sa 'yo." Tanong ni Carmela. "Mommy hindi ko siya kapatid anak siya nang kabit ni daddy! kung tanggap mo siya ako hindi kaya huwag

