28

1201 Words

Tumayo si Angelo mula sa inuupuan niya saka hinarap ang kinaroroonan ni Rex. “Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman kung nasaan ako?” magkasunod na tanong niya pa nang makalapit na si Rex sa kanya. “Pinahanap kita,” sagot ni Rex. Sandaling hindi nagsalita si Angelo. ‘Sabi ko na nga ba,’ sa isip-isip niya. “Bakit mo ko pinahanap?” tanong pa ni Angelo kay Rex habang tinitingnan niya ito ng diretso sa mga mata. “Hiling ni Dennise,” sagot ni Rex. Tumayo siya sa harapan ni Angelo. “Alam na namin ang lahat, alam namin kung bakit nilalayuan mo na ngayon si Dennise,” aniya pa habang sinasalubong ang pagtingin ng mga mata ng huli sa kanya. Nagbaba nang tingin si Angelo. Huminga siya ng malalim. “Ayoko lang na makagulo sa pamilya ninyo kaya mas pinili ko ang lumayo,” saad niya nang hindi na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD