29

4875 Words

Bumungad kay Rex sa pagpasok niya ang napakaraming tao sa loob ng music bar. Karamihan ay mga babae na tila mga kiti-kiting kinikilig at naghihiyawan. Nakaharap ang lahat sa stage kung saan ay nakikita niya mula doon na nag-aayos ng mga instrumento at kung ano pa ang isang banda. Hindi pa niya nakita sa ibabaw ng entablado si Angelo. Pumwesto si Rex sa bandang gilid ng music bar na bihirang matanglawan ng ilaw. Nakatingin lamang siya sa stage. May hinihintay siyang tao na lumabas at makita niya sa stage. Lumipas pa ang mga minuto ay halos mabingi si Rex sa sigawan at tilian ng mga babae nang lumabas si Angelo na may bitbit na gitara. Sumilay ang maliit na ngiti sa labi niya nang makita ang binata na pumunta sa harapan. Hindi niya maikakaila na nasa itsura nito ang pagiging isang musikero

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD