Sabik na sabik na niyakap ni Dennise si Angelo nang makalabas na ang huli sa kulungan. Napawalang-bisa ang kaso niya kaya siya napalaya. Hindi naging sapat na ebidensya ng mga pulis ang nakuhang drugs sa bulsa ni Angelo para patunayang sa kanya nga ito. Hindi rin napatunayan na isa siyang drug dealer. Nagnegatibo din si Angelo sa isinagawang drug test at may mga tumestigong tao mula sa kasamahan niya sa trabaho hanggang sa mga naging customer niya sa bar kung saan pinatunayan ng mga ito na wala itong kinalaman sa paggamit at pagbebenta ng droga. Magaling ang naging abogado niya na siyang humawak sa kaso at talagang hindi bumitiw hanggang sa magtagumpay ito na mapalaya siya. Ningitian ni Angelo si Dennise nang magbitaw sila sa yakapan. “Maraming salamat sa’yo. Hanggang sa huli, hindi mo ak

