Nasa loob ng isang maliit na kulungan si Angelo kasama ang iba pang mga preso. Tulala ito habang nakaupo sa may sementadong sahig at malalim ang kanyang iniisip habang nakatitig lang sa kawalan. Hinihintay ni Angelo ang magiging desisyon kung ililipat pa ba siya ng kulungan. Patuloy rin ang imbestigasyon sa kaso niya. Sumalang na din siya for questioning kung saan mariin niyang itinanggi ang mga paratang laban sa kanya ngunit hirap siyang mapaniwala ang mga pulis na totoo ang mga sinasabi niyang hindi siya tulak dahil sa malakas na ebidensyang nakuha ng mga ito sa kanya. Madiin na hinilamos ni Angelo ang dalawang palad niya sa kanyang buong mukha. Bumakas ang matinding pagkadismaya sa kanyang mukha. Kailanman ay hindi niya naisip na masasadlak siya sa ganitong sitwasyon. Hindi niya akala

