Nakaupo si Danica sa single sofa sa loob ng kwarto nila ni Rex. Nakaharap siya sa bintana kung saan nakatitig siya sa labas. Nakikita niya ang langit na medyo makulimlim sa mga oras na ito. “May dapat akong gawin,” bulong ni Danica. Kasing seryoso ng tono ng kanyang boses ang itsura ng kanyang mukha. “Hindi ko sila pwedeng hayaan na magtagumpay sa kung anumang binabalak nila laban sa akin,” aniya pa. Sigurado si Danica na may dahilan kung bakit biglaan ay gustong magpakasal nina Angelo at Dennise. “Nalason na ng bwisit na ‘yon ang utak ni Dennise kaya I’m very sure na kasama na siya sa plano niya para pabagsakin ako,” bulong pa ni Danica. Sumilay ang maliit na ngiti sa kanyang labi. “Pero dahil mas matalino ako, uunahan ko na sila. Hangga’t maaga pa, sisirain ko na kung anumang binubuo

