“Gising ka na pala,” ani Angelo na kakatapos lang maghanda ng almusal ng kanyang makita si Rex na papunta sa kusina. “Mukhang hindi ka yata nakatulog ng mabuti? Lalim ng eyebags mo,” nangingiting dagdag pa niya sa kanyang sinasabi. Tiningnan ni Rex si Angelo. Nag-aalinlangan siyang ngumiti. “Ah… oo, hindi nga ako nakatulog kaagad kagabi. Medyo mainit kasi,” pagdadahilan niya. Nahihiya ang naging ngiti na sumilay sa bibig ni Angelo. “Pasensya ka na sa bentilador sa kwarto. Mahina na kasi ang hangin niya. Nakalimutan ko naman na hindi ka pala sanay sa hindi malamig na kwarto dahil laking aircon ka,” aniya. “Dapat kinuha mo na lang ‘yong bentilador na nakatapat sa akin kagabi at pinalit mo iyong bentilador na nasa iyo,” wika pa niya. Bahagyang umiling-iling si Rex. “Hindi ko naisip ‘yan, s

