“Salamat sa paghatid sa’kin,” pasasalamat ni Angelo kay Rex saka niya ito ningitian. Nakaparada ang nakahintong kotse sa harapan ng tenement building na tinitirhan niya. Tumingin si Rex sa labas ng bintana na nasa side ng passenger seat. Napansin niyang maraming tao sa labas kahit na umaga pa lang. “Diyan ka ba talaga nakatira?” nagtatakang tanong ni Rex. Tumango-tango si Angelo. “Mukha bang magulo?” tanong niya. Bahagyang tinango ni Rex ang kanyang ulo. “Oo,” sagot niya saka tiningnan ulit si Angelo. “Mura lang kasi ang renta dito kaya kahit na medyo magulo nga sa lugar na ito, dito ko na napagpasyahang tumira. Saka okay lang naman ‘yang mga tao kasi mababait sila, marami nga lang kaya nasasabing magulo.” Ngumiti nang maliit si Rex. “Sige at bababa na ako,” pagpapaalam ni Angelo

