Nagulantang na lamang si Rex nang makita niya si Angelo na pumasok sa kanyang opisina. Kumunot ang kanyang noo at nagsalubong ang makakapal na kilay niya habang sinusundan niya ito ng tingin hanggang sa lumapit ito sa lamesa niya. “Yes? May kailangan ka ba?” nagtatakang tanong ni Rex. Umayos ito sa pagkakaupo sa inuupuang swivel chair habang diretsong tinitingnan si Angelo. Seryoso ang mukha ni Angelo na nakatitig kay Rex. Hindi nagtagal ay nagbuntong-hininga siya ng malalim. “Bakit mo ko nilalayuan?” paunang tanong ni Angelo na nagpataas ng bahagya sa kanang kilay ni Rex. “Hindi mo na ako kinakausap at pinapansin kahit nasa mansyon tayo. Nagte-text ako sa’yo pero hindi mo sinasagot. Hindi mo ba natatanggap ang mga text messages ko o hindi mo lang pinapansin ang mga ‘yon?” madiin ang b

