Chapter 15 Pauwi na kami at sabay-sabay kaming tatlo ngayon na uuwi. Nirequest ni Master Rob na kung pwede ay sa passenger seat muna si Chelsea pero hindi sya pumayag kaya naman ay tatlo kaming magkakatabi sa upuan at ang nasa gitna ay si Master Rob. "Balita ko aattend ka na talaga sa Acquiantance Party ah?" Tanong sa akin ni Master Rob. "At kanino mo naman nabalitaan yan?" Tanong ko na medyo nagmamataray. "Sa source ko. Anong susuotin mo? May susuotin ka na ba?" Tanong nanaman sa akin ni Master Rob. "At bakit mo naman natanong? Paano kung meron na?" Sagot ko nanaman sa kanya na patanong. "Patingin nga!" Sabi nya sa akin sabay hablot ng cellphone ko na nasa kamay ko lang dahil katext ko si Liam. Pero agad ko naman itong binawi sa kanya. Mamaya eh kung ano pang mahalungkat nito

