Chapter 16 Half day lang ang pasok namin ngayon at excuse na sa buong afternoon class. Taon-taon daw ay ganito ang sistema sa tuwing gaganapin ang Acquiantance Party upang makapaghanda ang mga estudyante. Sabay na kami umuwi ni Master Rob, oo kami lang dalawa dahil hindi na pumasok sa morning class si Chelsea. Pagkarating sa mansyon ay dali-dali akong pumunta sa kwarto upang ihanda ang aking susuotin dahil sa bahay ni Marichu ako mag-aayos. Pagbukas ko sa aking closet ay kumunot agad ang noo ko dahil wala doon ang DIY costume ko. Nasaan na iyon? Sigurado akong nasa closet ko lang iyon. Pumunta ako sa baba para magtanong sa ibang maids kung nakita ba nila ang costume ko dahil pinakita ko iyon sa kanila noong natapos ako na gawin iyon. Sinenyasan ako ni Gemma na sumunod sa kanya.

