Chapter 17 Malakas na palakpakan din nang banggitin ang pangalan ni Master Rob. Nakakatuwa lang na pareho kaming candidate ngayon. Nakakahiya man, eenjoyin ko na lang. Paminsan lang ito sa buhay ko kaya cacareerin ko na. After magtawag ng candidates ng emcee ay isa-isa kaming pinarampa. Nakakakaba. First time ko lang ito at nag-aalala ako dahil baka mapahiya lang ako. Mamaya bigla na lang ako matapilok o madulas, huwag naman sana. Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag nang nairaos ko ang pagrampa sa stage. Ano ba namang laban ko sa mga kalaban ko? Mayayaman sila, magaganda, makikinis, mapuputi. Samantalang ako, heto, mahirap, maitim, hindi flawless.. haaay naayusan at nakapagsuot lang naman ako ng magara ngayon dahil sa tulong ni Ma'am Sigrid. Pero pagkatapos ng party na ito, bukas na

