Chapter 22 Nanatiling sikreto ang relasyon namin ni Rob. Una pa lang ay gusto na niyang sabihin sa parents nya ang tungkol sa amin pero palagi ko siyang pinipigilan. Natatakot kasi ako sa posibleng kahihinatnan. Tanging sina Marichu at Liam lang din ang nakakaalam. Hindi na din naman nagtataka ang mga kapwa namin estudyante na nakakakita sa amin kapag magkasama kami sa campus dahil hindi naman lingid sa kaalaman nila ang pagiging personal maid ko kay Rob. Heto nga at matatapos na ang unang taon ko sa kolehiyo at magkakaroon ng 2 months vacation. Naisipan ko na umuwi muna nang Quezon. Miss na miss ko na din kasi ang mga magulang ko at mga kapatid. Susulitin ko ang dalawang buwan na bakasyon namin dahil tiyak na buwan nanaman ang aabutin bago ako muling makauwi. Maliban na lang kung ma

