Chapter 21 Nandito na ako sa harap ng kwarto nya. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Nakakaisang try pa lang ako ay agad na bumukas ang pinto. Nakangiti siyang sumalubong sa akin at hinatak ako papasok. "Bakit ngayon ka lang?" Bungad nya sakin na may himig ng pagtatampo. "Kavideocall ko kasi sina Marichu at Liam kanina." Sagot ko na medyo naiilang dahil siya ang topic namin kanina. "Umalis na si Chelsea dito. Babalik na lang daw siya ulit dito kapag may business trip nanaman ang parents nya." Sabi ni Master Rob. Napatango-tango naman ako sa sinabi nya. Mabuti naman kung ganoon, atleast hindi na din namin siya makakasabay sa pagpasok hehehe. Paano naman kasi, araw-araw ko ding nakikita ang tumitirik nyang mata. Akala mo naman hindi kumakain ng niluluto kong almusal. Sayan

